CHAPTER 3

4 0 0
                                    

'🌷

CHAPTER 3

1997


Dahil nga sa madilim at ang tanging nagbibigay liwanag sa paligid ay ang buwan at fairy lights ko, hindi ko inaasahan na matatalisod ako sa nakausling bato.

Mahina akong napadaing at sabay hawak sa tuhod kong nagdudugo sa pagkakatama nito sa bato. Mangiyak ngiyak naman akong hinigpitan ang kapit dito para sana patigilin ang pagmamanhid at pananakit ng tuhod.

Agad akong napamulat ng may liwanag na biglang lumitaw sa harapan ko. Yung liwanag na nakakasilaw sa mata. Ngunit ganun paman, nakita ko parin na sa singsing na suot ko nanggagaling ang liwanag na biglang kumuha sakin sa hinaharap.

Dahan-dahan kong iminulat ang dalawang mata ko habang nakahawak parin ng mahigpit sa tuhod kong nagdudugo at namamanhid. Luminga linga ako at nagtatakang naiba ang kaninang tanawin na dagat sa harapan ko ng parking lot na may magislaw na ilaw at mga taong masayang papasok sa isang building na sa tingin ko ay isang bar.


Bagamat masakit pa ang tuhod ko, pinilit ko paring tumayo at paika ikang naglakad papalapit sa isang bench. Malamig ang simoy ng hangin kaya naman napakapit ako sa balikat ko sa lamig.

Doon ko lang naalala na inalis ko pala ang jacket ko at ngayon naka terno na pajama lang ako.

Nagpalinga-linga ako

Walang pumasok sa isip ko kung paano ako nakarating dito, maliban sa huling alaala ko na may nakakasilaw na ilaw ang biglang lumabas sa singsing.

Ahhh, ang singsing


Tinignan ko ang kaliwang kamay ko ngunit wala na dun ang kanina lang na suot kong singsing.

Agad akong napatayo sa bench na agad ko ring pinagsisihan ng maramdaman ko ang pag kirot ng tuhod ko.  Nagingilid ang luha sa mata ko na sinubukan ko ulit lumakad papunta sa kaninang pinanggalingan ko.


Umupo ako sa sahig at kinapa kapa ito, nag ba-baka sakaling mahanap ang singsing.


Ng tumagal ng halos 15 minutes na wala akong nahahanap ay tuluyan ng bumagsak ang kanina ko pa pinipigilan na luha.

" Nasan naba kasi yun. Hindi ko naman inalis sakin yun. Bakit biglang nawala"


Yumuko nalang ako at niyakap ang tuhod ko habang nakasalampak sa sahig.


"Miss, are you okay? Do you need help?"


I stopped crying ng marinig ko ang boses ng isang lalaki sa aking likuran pero yung hikbi ko patuloy parin. I looked up to see who was behind me. It was a handsome gentleman na nakasuot ng black pants na maluwag at polo shirt na blue. Yung suot nya ay parang yung suotan ng kalalakihan ng 90s.


"Do you need help?"


I nod my head and he help me to stand up. Luminga ito sa paligid at tinawag ang isa pa nitong kasamang lalaki na same style ng suot nya.

"Matt, do you have a spare jacket for her?"


"I don't think so, but he might have one on his car"

Nag usap pa ang dalawa at inaya akong umupo sa bench na kaninang inupuan ko.


"I'll go and ask him, ikaw na muna ang bahala sakanya" tumango yung lalaking unang tumulong sakin na nagngangalan ng Cello sa kaibigan nyang si Matt.


GLIMPSE Where stories live. Discover now