CHAPTER 2

8 0 0
                                    

'🌷

CHAPTER 2

Blood Moon ; Lunar Eclipse


Marahan kong sinusulatan ang prescription notebook na hawak ko habang walang pumapasok sa pharmacy na pinapasukan ko. Isa ito sa gawain ng pharmacist namin pero dahil laging wala ito dito, ako ang umaasikaso.


Hindi naman mahirap ang gawain ng pharmacy assistant. Kapag walang bumibili ng gamot, either inaasikaso ko mga papeles o yung mga ahente na dumarating para sa mga bagong pa order ng pharma products o yung mga non-pharma products.


"Healthy day sir, ano pong inyo?"

Agad din namang bumati pabalik ang matandang lalaki na pumasok sa store na pinapasukan ko. Hindi naman maliit ang store, hindi rin malaki. Tama lang para sa mga gamot at may sarili ding rest area for the staffs.

Binigay sakin ni lolo yung prescription na hawak nya at sinabing bigyan sya ng tig sampung piraso.


"Uulitin ko lang po ang binili niyo sir, 10 pieces po ng co-amoxiclav, multivitamin na super b at Diclofenac 50"

Tumango ito at nagpasalamat, binigay nya sakin ang bayad at agaran naring umalis. Bago pa man ako makatalikod ay narinig kung bumukas ang sliding door ng pharmacy at pumasok ang matagal kunang kilalang ahente ng isa sa company na binibilhan namin ng gamot.

Ngumiti ito sakin at bumati, binati ko rin naman ito. "Good afternoon ma'am, o-order po ba kayo ulit? Sabi po kasi ng kasama niyo last week na hindi pa kayo makaka order"

"O-order po sir, ilan pa po ba balance namin?"

"Kunti nalang po yun ma'am, may 3 receipt pa po ako dito na kailangan na rin chekehan"

Tumango ako dito at nakipag usap pa saglit about sa mga products na bibilhin bago ito nag paalam na babalikan nalang ang cheque na kailangan nya mamaya.


Habang abala ako sa pag gawa ng cheque ay napukaw ng aking pansin ang singsing na suot ko. Nakaligtaan kuna itong alisin pa nung sinuot ko ito ng nakaraang araw. Dahil narin siguro sa dami ng ginawa ko. Bukas na kasi ang araw ng birthday nya kaya hinabol kong tapusin lahat ng mga props na kailangan ko bago pumunta sakanya.


Pero dahil busy ako bukas at diko naipaalam na mag leave for 1 day, hindi ako makakapunta sakanya mismo kaya napagdesisyonan ko nalang na pumunta sa brgy. Marikit. Kung saan overlooking yung dagat sa baba at ang mga kabahayan nito mamayang gabi.

Ito lang kasi ang pwedi kung puntahan para i celebrate ang birthday nya. Hindi naman ako pwedi sakanya since for sure maraming dadalaw sakanya at pati na ang family nya.


Habang inaantay ko ang oras ay nag phone muna ako. Kakabukas ko palang ng social media ko ay puro pag bati na sa kaarawan nya ang lumabas sa newsfeed ko.

I scrolled down and saw his picture, with her.

They really looked so perfect for each other. You can see it in their eyes how much they loved one another. Kaya hindi rin ako naniniwala about sa rumors niya before na he cheated. Kasi even his friends and family said na he only has his eyes for her at sya parin ang hinahanap nya until the end.


It's already 5 in the afternoon at mag o-out nako, inaantay ko nalang ang papalit sakin sa shift for gabi. Agad kong inayos ang gamit ko ng makarating si Abigail.

"I'm sorry, I almost got late. Traffic kasi eh, uwian na ng mga tao. "

"It's okay, I'm not in a hurry naman. You can start your beginning na and I already have the key with me."


GLIMPSE Where stories live. Discover now