Prologue

81 4 0
                                    


L ☽ N 𖤐

"Hindi ba talaga para sayo 'yon?" Kunot noong tanong sa akin ni Trina, kaibigan ko, tinutukoy ang bagong kanta ng ex-girlfriend ko.

"Kaya nga diba? Halos lahat naman ata tungkol kay Luna ang kanta nya!" Nakangising sabi ni Andy, isa sa mga blockmates ko.

Nasa harapan namin sya nakaupo kaya iniharap nya ang kanyang bangko paharap sa amin kaya napataas ang kilay ko. Chismosa much?

"Bakit hindi nyo sa kanya itanong? Ako ba nag susulat ng kanta?" Taas kilay kong sagot sa kanilang dalawa.

"Tsaka assumera kayo ah?! Kaya kayo nasasaktan kasi assume kayo ng assume! Tsaka wala naman kayong patunay na para sa akin 'yon, eh!" Dagdag ko pa.

Totoo naman, eh. Lahat ata ng nakikinig sa kanta nya ay laging sinasabi na tungkol sa akin.

Kahit nanay nya ay inaasar ako dahil do'n.

Okay lang sana kung a-asarin ako sa kantang pang in love, eh kaso putcha! Pang broken song?! Sinong matutuwa ro'n?

Kahit mga ninuno kong matagal nang patay ay hindi matutuwa ro'n.

"Dapat dine-deny nya kasi kung hindi talaga para sayo diba, Trina?" Sabi ni Andy.

Siniko pa nya si Trina na ikinatango tango nung isa bilang pagsang-ayon. Napatingin tuloy yung isa namin baklang kaklase sa amin! Isa rin 'tong chismosa, eh.

"Kaso kapag tinatanong ay hindi nya lang sinasagot o kaya'y iniiwasan lang," Sabi ni Carlo na nagiging Carla sa gabi, isa rin sa mga blockmates ko.

"Kaya nga! Oo o hindi lang isasagot nya pero hindi nya sinasagot. Feeling ko nga gusto pa sya no'n, eh! CB naba?" mapang asar na sabi ni Trina at tinignan pa 'ko. 

Napangiwi tuloy ako sa narinig bago magsalita. "Ulol! Hinding hindi ko na sya babalikan 'no!"

Natawa nama silang tatlo sa sinabi ko at napailing iling na nakatingin sa akin. Hindi sila naniniwala sa akin?! Totoo naman na hindi ko na 'yon babalikan kahit kailan 'no! Sa init ng kumukulong dugo ko ro'n, eh.

"Ano bang naging break up nyong dalawa? I mean... If comportable ka lang naman sabihin!" Pag iintriga sa akin ni Andy at lumapit pa sa 'kin.

Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Trina. "Wala kayong makukuhang sagot dyan. Kahit ako na kaibigan nya simula bago maging sila ay hindi ko rin alam, eh! Kahit konting detail wala akong alam,"

Natawa naman ako sa tono ng kanyang boses tila kasi nagtatampo sa akin dahil wala syang alam tungkol sa paghihiwalay namin.

Kahit pamilya namin ay walang may alam kung bakit nga ba kami naghiwalay.

Minsan may mga bagay na hindi na kailangan ipaalam sa iba at mas mabuting itago na lang sa mga sarili namin.

Or maybe...

To protect our names?

"Eh ano yung nasa mga article about sa inyong dalawa ni Solaire? Hindi 'yon totoo?" Sabi ni Carlo tas nagtatakang tumingin sa akin.

Natigilan naman ako ng marinig ko ang pangalan nya. Ilang taon na pero masakit padin kapag naririnig ko ang pangalan na nya.

And...

It's no longer giving me comfort like it used to be.

"Bakit ba laging kami ang topic nyo, ha? Tigilan nyo na nga kami. Hindi ba uso sa inyo yung past is past?" Nakataas kilay kong sagot.

𝐒𝐮𝐧 𝐤𝐢𝐬𝐬𝐞𝐝, 𝐖𝐞 𝐊𝐢𝐬𝐬𝐞𝐝           [ Singer x Model ]  [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon