01

33 4 0
                                    

L ☽ N 𖤐

Naiinis na nagising ako nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa aking telepono. Kanina pa tunog ng tunog! Kita nang natutulog pa yung tao, eh.

Wala na akong nagawa kundi imulat ang aking mga mata dahil hindi parin natigil ang pagtunog ng aking cellphone.

Agad ko rin naman pinagsisihan dahil tumama mismo sa mata ko ang sinag ng araw! At parang... Nahihilo ako?

"Hindi sana masarap ulam nang tumatawag sa akin," inis na bulong ko bago tuluyan tumayo para suotin ang aking robe dahil naka night gown lang ako.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bag ko na nasa sofa kung saan ko inihagis kagabi dahil sa kalasingan.

Hindi na talaga ako iinom!

[Tagal sumagot, ha. Nakailang missed call pa 'ko! Nasaan ka bang babaita ka?]

Napakunot naman ang aking noo nang marinig ang pamilyar na boses kaya napatingin ako sa name ng caller.

Oh, shoot!

[Hello?] Pagtawag pansin nya sa akin nang mapansin hindi ako sumagot.

"Good morning, Mads! Bakit ka napatawag?" Nagtataka kong tanong sa mananger ko, Si Maddie.

Napatingin ako sa orasan at alas syete palang ng umaga. Kay aga naman nyang tumawag sa akin? Wala naman akong work ngayon ah?

[Good morning mo mukha mo!]

Nagtataka naman ako napatingin sa screen ng phone at iniisip kung anong ginawa ko dahil mukhang mainit ang kanyang ulo sa akin. Tono palang ng boses ay alam mo nang may sasabihin 'tong hindi maganda.

Nanakit tuloy lalo ulo ko! Wala naman akong ginawang katangahan kagabi hindi ba? Wala akong maalala! Bwisit na hangover 'to!

[Kala mo ba hindi ko malalaman kung anong ginagawa mo kagabi?]

Napairap naman ako nang marinig ko 'yon... O dahil naalala ko nangyari kagabi?

Pagkatapos nya kasi akong halikan ay bigla ko syang sinampal ng malakas, as in malakas. Kasalanan nya rin naman 'yon!

Kahit ngayon ay naiinis parin ako sa kanya! Sino sya para halikan ako ng biglaan? Ni hindi man lang nag tanong kung payag ba ako o hindi!

Ta's ngayon mukang ako pa mapapagalitan dahil sa kagagawan nya na hindi ko naman ginusto! Namumuro na sya sa akin ah!

[Alam mo bang trending ka ngayon?]

Mahina ko naman minura sa aking isipan si Solaire nang maririnig sa boses ni Mads ang pagkainis at narinig ko pa ang pinakawalan nitong malalim na buntong hininga.

"Bakit?" Maang-maangan kong tanong sa kanya kahit alam ko na kung ano 'yon.

[Pa bakit bakit kana lang 'no? Anong lagi kong paalala sayo? Ingatan mo ang image mo!]

Mawala sana buhok ni Solaire ta's hindi na tumubo! Yung kalbo na sya habang buhay! Bwisit!

[Sana kinausap mo na lang ng ayos kesa sampalin mo, Luna!] Inis nyang sabi sa akin at medyo tumaas ang kanyang boses.

Napataas naman ang aking kilay nang marinig ko 'yon. "She deserve it, okay? If she didn't kiss me without my consent edi sana hindi ko sya sinampal!"

Hindi ko na rin mapigilan na magtaas ng boses. Naiinis ako! Pwede naman akong kausapin ng mahinahon hindi yung gan'to!

Tsaka bakit nya nalaman 'yon?

[Alam kong okay lang 'yung ginawa mo sa kanya pero Luna, may nakapag video sa inyo. Hindi ka nag iingat! Mananampal ka na lang may pruweba pa!]

𝐒𝐮𝐧 𝐤𝐢𝐬𝐬𝐞𝐝, 𝐖𝐞 𝐊𝐢𝐬𝐬𝐞𝐝           [ Singer x Model ]  [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon