02

39 4 0
                                    


L ☽ N 𖤐

Ilang araw na nakalipas nung nalaman ko na sya ang partner ko sa bagong project ko. Kaso hindi parin ako maka move on? Kaya hanggang ngayon ay nasa isip ko parin.

"Bakit sya?" Hindi ko mapigilan muli na tanungin kay Maddie 'yon.

"Bakit hindi?" Balik nyang tanong sa akin ni Maddie at tinaasan ako ng kilay. Hmp! Dukutin ko mata nya, e. Wala sa sarili tuloy akong napairap nang sagutin nya ang tanong ko ng tanong.

Nakita nya siguro ang irap ko kaya inirapan din ako pabalik. Naiinis na siguro sya sa akin.

"Binigyan kita ng choice hindi ba? Ulitin mo sagot mo sa harapan ko, dali. Nanggigil ako sayo," nawawalan na pasensya na sagot nya sa akin.

Nakalimutan kong mabilis mawalan ng pasensya 'tong babaeng 'to. Kulang siguro sa dilig. Ems!

"Kahit sino basta pogi," nakanguso kong sabi.

"Poging babae," pagu-ulit ko sa sagot ko sa kanya noong nakaraan.

"Oh, see! Tas ngayon a-angal angal ka? Bruhilda ka talaga," Mahina at pabiro nyang sinabunutan ang aking buhok.

Hindi ko tuloy mapigilan na mapanguso. Angal angal pa ako, eh wala rin naman akong magagawa dahil pagkatapos ng shoot ko ngayon ay may meeting kami with their team.

Sinisigurado talaga ni Direk na hindi na kami mag ba-back out dalawa. Paano ay highly recommended kami para sa movie na 'to pero hindi ko naman inaasahan na sya talaga ang makakasama ko!

Iniisip ko palang na makakatrabaho ko 'yon ay para na akong mababaliw. Ngayon pa nga lang na hindi ko pa sya nakakatrabaho ay na s-stress na ako, paano pa kapag ka-work ko na sya?

Wala naman problema na maka-work ko sya pero kasi 'di ba ang awkward non? Mag ex tas gagawin love team?

O, baka sa akin lang?

"Hahaha! 'Wag ka mag alala. Nakausap ko ang manager ni Solaire, goods na goods daw yung alaga nya about dyan," sabi nya nang makitang kinakausap ko na naman ang aking sarili.

"After what happened in our past... She's okay working with me?" Tanong ko.

Ayun lang naman inaalala ko, na baka napilitan lang sya sa management nya na makapares ko sa bagong project na ibinibigay sa amin.

"Oo naman 'no! Ikaw lang naman ang may ayaw sa kanya, eh. Mukhang maayos na naman sya katrabaho," sabi nya.

"Ang hirap kasi... Pwedeng mag back out?"

"Trabaho 'to, Luna. Kailangan mong i-set aside 'yang nakaraan nyo para hindi 'to mapektuhan,"

Alam ko naman 'yon. Kapag trabaho ay trabaho lang. Walang personalan.

Pero kasi...

Bakit kasi sa lahat ng pwede kong makapareha ay sya pa? Bakit yung taong nanakit sa akin? Alam naman nilang hindi kami okay.

At hinding hindi ako magiging okay sa kanya.

Kahit anong tagal na nung nangyari 'yon ay may nararamadaman parin akong galit at sama ng loob sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐒𝐮𝐧 𝐤𝐢𝐬𝐬𝐞𝐝, 𝐖𝐞 𝐊𝐢𝐬𝐬𝐞𝐝           [ Singer x Model ]  [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon