Chapter 8: Stop From Falling

272 18 3
                                        

Aiah's POV. 

Todo ang pag-iyak ko na dinamayan naman ako ng mga kaibigan ko. Wrong timing din eh. Now they know what I am crying about. Everyone is patting my back, giving me tissue, and telling me that Ken is not that important anymore. 

"Bakit mo naman kase sinabi na umamin na si Aiah? Ayan tuloy, umiiyak dahil sayo." Pinagalitan naman ni Colet si Mikha.

"Why me? It's Ken's fault. Pinaasa lang pala niya si Aiah." Mikha replied.

"At ikaw naman... lamon ka ng lamon diyan. Itapon mo nga yang ice cream na iyan." Inis din na sinabihan niya si Sheena na kinakain ang ice cream na binigay ni Kennedy.

"Ang sarap kase ng ice cream, Ate Colet."

"Itatapon mo o itatapon kita?!" 

"Tama na nga iyan, Colet at Sheena. Shee, sumunod ka na lang. I-remove na natin yung bad spirits dito ni Papa K ay este Kennedy lang. Hindi na siya papa." Mataray na sinabi naman ni Maloi.

"I want to sleep na lang." I said to them. Tumahimik na lang sila at pinabayaan ako pumunta sa kama ko. From there, I continued to cry again. Hindi naman naging kami pero ang sakit malaman na I've been rejected by my crush.

Morning came at hindi ako ganon naka-tulog ng maayos. Aside sa pag-iyak, my mind keeps recalling all the sweet memories I have with Ken. I realized na baka nga hanggang kaibigan lang talaga ang tingin sa akin ni Ken na ako naman ang nagbibigay ng maling akala. It's always me and my dumb heart.

"Oh... my... god. Ang kapal naman ng face niya!" Narinig kong sabi ni Stacey kaya napa-tingin ako sa kanya. She's looking outside of my window.

"Ang ingay mo teh, natutulog pa ang mga tao oh." Inis na sita sa kanya ni Jho. Tumayo na rin sila para tignan ano yung tinitignan ni Stacey.

"Wow. The audacity." Mikha commented. Napatayo na rin ako.

"Dali, harangan ang pinto! Huwag papasukin ang poging animal na iyan!" Sabi naman ni Maloi at agad pumunta ang mga girls sa baba. Tumingin ako sa bintana and it was Kennedy happily walking towards my house.

"Shit." I cursed bigla. Pipigilan nila si Ken from what? Walang alam si Ken, and ayaw ko malaman niya na gusto ko siya. Tumakbo agad ako palabas ng kwarto para puntahan ang aking mga kaibigan. Pero huli na ng hinarangan nila si Ken.

"Hep! Hep! Ano kailangan mo dito?" Sigaw ni Stacey kay Kennedy na kinagulat naman niya.

"Uhm... Good morning sa inyo. Mukhang gising na lahat kayo. I brought breakfast para sa ating lahat." I saw Ken replied while smiling at them.

"Thank you for the food pero no, hindi namin iyan tatanggapin." Mataray na sagot naman ni Maloi.

"B-Bakit? Allergic ba kayo sa mga silog? Dapat pala nagtanong muna ako." Pagsisisi ni Ken.

"Teh, tapsilog iyan. Favorite mo diba?" Sabi naman ni Jho kay Stacey.

"Eh sa ayaw ko na! Lalo na pag galing sa mga taong paasa." Inis na sabi ni Stacey while glaring at Ken.

"Huh?" Takang tanong ni Ken kaya lumapit na ako sa kanila.

"Girls, no need na. Bumalik na kayo sa kwarto natin. I will ask the chef to prepare us some food na." Sabi ko sa kanila habang hinahatak si Stacey at Maloi.

"Good Morning, Aiah." Lord naman eh! Why are you testing me? "May breakfast akong dala. Huwag ka na magpa-luto. Nakakahiya naman sa kanila." Sabi ni Ken sa akin pero hindi ko siya tinitignan.

"Ikaw ba nahiya ka sa ginawa mo?" Sagot naman ni Colet.

"Col, please. Enough. Ako na bahala sa kanya. Ken please, umalis ka na muna." Sabi ko kay Ken, still not looking at her.

The Red Sparrow's Darling (BINI_AIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon