KABANATA 4
PINAUNLAKAN ni Dylan at Beatrice ang paanyaya ni Fatima na kumain silang tatlo sa labas, sa isang café and restaurant. Magkatabing nakaupo sa couch sina Dylan at Beatrice at kaharap naman nila ang magkasintahan.
“Ano’ng gusto ninyo, guys?” tanong ni Fatima, ilang minuto matapos ibigay ng crew ang menu ng café.
“A flat white and strawberry shortcake sliced, please.”
“A flat white and strawberry shortcake sliced, please.”
Napatingin siya kay Rafael nang pareho at sabay nilang sinabi ang kanilang gusto. Nagulat din yata ang lalaki dahil bahagyang bumilog ang mata nitong napatingin din sa kaniya. Ngumiti ito kapagkuwan, dahilan para mag-riot ang mga paru-paro sa tiyan niya. Kung hindi pa siya lihim na kinurot ng bruhang katabi niya, hindi pa siya mapapabitaw sa pagkakatitig kay Rafael. Iniwas niya iyon at tumingin kay Fatima.
“In fairness, hah. Mukhang magkakasundo kayo ni Rafa.” Halata ang kilig sa tawa ni Fatima. “Ngayon ko lang na-realize, pareho pala kayo ng favorite ni Rafa. Strawberry is great! Ano sa 'yo, Bea?”
“Happy 19th Birthday, Lan!”
Kamumulat pa lang ni Dylan ng mga mata niya ay sumambulat sa kaniya ang matamis na ngiti ni Rafael habang nakahawak ito ng 6x4 na round cake. Ibinubuyangyang ng lalaki ang biloy nito habang nakatingin sa kaniya, which Dylan finds sexy. Kasalukuyang sumasayaw ang apoy ng nakasinding birthday candle dala ng nakabukas na bintana ng silid niya.
Umupo ito sa gilid ng kama niya at bahagyang iniumang iyon palapit sa kaniya. Humantad ang hubad na pang-itaas na katawan niyang mahahalata na ang hulmahan nang dumausdos pababa ang puting kumot dahil sa bahagyang pagbangon niya. Itinukod niya ang siko sa kama at papungas-pungas pa ang mga matang tinugunan ang ngiti at tingin ni Rafael.
“Aga mo, hah,” natatawang wika niya at umupo sa kama at hinarap ang lalaki. Tumawa naman ang huli. “Pero thank you!”
Tiningnan niya ang cake. Natatawa siyang napahawak sa buhok niya sa nabasa. It was a strawberry cake with written greetings; Happiest Birthday to you, little bedhead.
“I bought you your favorite.” Si Rafael.
“Our favorite,” pagtatama niya sa lalaki at kumuha ng isang buong strawberry sa ibabaw ng cake. Isinubo niya iyon sa lalaki, pero kumagat lang ito roon at iniwas na ang bibig. Kinain na niya ang natira.
“Make a wish and blow it na, Lan.”
“Ang alin?” Tiningnan niya ang lalaki nang makahulugan. Ibinalandra ang pilyong ngiti sa labi.
“The candle. Make a wish and blow it. Iba yata ang gusto mong i-blow?”
Tumawa si Dylan at minura itoi na ikinatawa naman nito, bago niya ipinikit ang mga mata at piping humiling saka hinipan ang kandila.
“Tapos na,” sabi niya at ngumiti nang malaki sa lalaki.
“'Yown!” wika naman nito at iglap ay pinahiran na siya nito ng icing sa mukha.
BINABASA MO ANG
TRACES OF LOVE
RomanceDylan del Rosario had been blind to the true meaning of love until Rafael Delgado, the person who played a significant role in his life, disappeared. Pinutol ni Rafael ang sikreto nilang ugnayan---ugnayan na akala niya ay para lamang mapunan ang mak...