KABANATA 15
NAKARARAMDAM pa rin ng hiya si Dylan kay Kevin dahil sa makailang ulit niyang pagpaliban sa imbitasyon ng lalaki na lumabas sila nang magkasama. He hadn't even properly thanked him yet for taking him to the hospital.
“I brought strawberries. I’ve heard favorite mo raw ito?” Inilahad nito sa kaniya ang strawberries na nakalagay sa square clamshell container.
“T-Thanks, Kev!” Pinamulahan siya ng pisngi. Tumaba ang puso niya. Natutuwa lang siyang alam nito ang maliit na detalye sa kaniya. Tinanggap naman niya iyon kahit nahihiya pa rin.
“Gusto mo?” Pumulot siya roon at inalok ang lalaki. Iniumang niya ito malapit sa bibig nito. Ngumanga naman ito at kinain ang isinubo niya.
“Sarap, hah.”
Dylan stretched his lips. Nahahawa siya sa matamis nitong ngiti. Sa pagdating ng huli ay nabawasan kahit papaano ang mabigat na atmospera sa loob ng sasakyan. At least, he had someone to talk to and paid his attention to. Hindi lang kina Fatima at Rafael.
“Since when did you like eating strawberry, Kin?” singit ni Fatima sa kanila na nakasandal ang likod kay Rafael na nasa sulok, blangko ang emosyon sa mukha.
Kevin chuckled and looked at him while answering Fatima. “Since I met this Little Bedhead.”
Tumingin pa ito sa mga buhok niya. Ganoon na lang ang taranta niyang ayusin iyon kaya natawa ang dalawa sa kaniya.
Siniko siya ni Fatima na tuwang-tuwa sa reaksyon niya. Nangingiti na lang din siya. Ayaw sana niyang tingnan si Rafael pero hindi niya maiwasang sulyapan ito, nakatutok lang naman ito sa cellphone nito na tila abala sa kung ano.
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ang van sa harap ng isang fine dining restaurant.
“Kain na muna tayo, mahaba-haba rin kasi ang biyahe,” yakag sa kanila ni Kevin at nauna na itong bumaba ng sasakyan.
Nang makababa ay pumasok na sila sa restaurant. Napag-alaman ni Dylan na si Kevin pala ang may-ari ng restaurant. Bukod pala sa pagiging model, may sariling negosyo rin pala ang lalaki sa Pampanga.
Nagkaroon tuloy siya ng pagtataka, may posisyon din kaya ang lalaki sa kumpanya ng mga magulang nito? Parang nasagot na rin ang agam-agam niya sa tunay na intensyon ni Kevin. Is he making a move dahil gusto talaga siya nito? Hindi dahil sa dark partnership na inaalok ng ama nito?
But according to Beatrice na pumunta pa talaga sa condo niya kanina, habang nag-iimpake siya, para lang sabihin ang nasagap na rumor hinggil kay Kevin, matagal na raw na naglayas ang lalaki sa puder ng mga magulang nito. Sa anong dahilan? Hindi pa nasasagap ni Beatrice.
Nakuwento kasi niya sa babae ang pangungulit ni Kevin sa kaniya. Nagtanong kasi siya kung bibigyan ba niya ito ng pagkakataon. Sagot naman ng huli, bakit hindi raw niya bigyan ng pagkakataon ang sarili na magmahal at kumilala muli o pagbuksan ang puso niya sa ibang lalaki? At hindi niya inaasahan na naghukay pala ang bruha sa nakabaon na isyu o nakaraan ng lalaki.
Doon din niya napagtanto na kaya pala hindi gusto ng lalaki na tinatawag ito sa buong pangalan nito nang una silang magtagpo ay dahil sa pagtatakwil ng mga magulang nito rito. It all made sense to him.
Bagaman, kahit ganoon, lilimiin pa rin niya ang bawat desisyon. Magiging unfair sa side nito dahil may pagtangi pa siya sa ibang lalaki, kahit willing pa siyang kalimutan ang pagtanging iyon. Iyon lang ang pinaniniwalaan niyang dahilan, kahit may iba pang sinasabi ang puso niya.
Nang makapasok sa restaurant, nagsalo-salo ang lahat ng kasama sa bakasyon sa mahabang lamesa.
Nakita at nakilala na kanina ni Dylan ang mag-asawang kumupkop kay Rafael pagkatapos ng malagim na insidente, pero nagpanggap siyang walang alam sa nangyari. Hindi naman siya kilala ng mga ito, ni hindi nga alam ng mga ito na magkakilala sila ni Rafael noon.
BINABASA MO ANG
TRACES OF LOVE
RomanceDylan del Rosario had been blind to the true meaning of love until Rafael Delgado, the person who played a significant role in his life, disappeared. Pinutol ni Rafael ang sikreto nilang ugnayan---ugnayan na akala niya ay para lamang mapunan ang mak...