KABANATA 14

6 1 0
                                    

KABANATA 14

PRESENT...

MAGMULA nang umalis sina Rafael at Dylan sa Rekindle Restaurant sa Batangas at makarating sa Manila, tila nagbago na ang timpla ng lalaki.

Tipid ito kung tumugon, tipid kung ngumiti, at buong biyahe ay natulog lang ito. Maging nang makarating sila sa condo ay humiling din ang lalaki na matutulog na muna at ito na lang mismo ang pupunta sa condo nina Rafael kung saan ang napag-usapang meeting place nila.

Kahit nagugulumihanan sa biglaang pagbabago ng atmospera sa pagitan nilang dalawa, nirespeto na lang niya ang hiling ng lalaki. Tutal mamayang alas tres pa naman ang alis nila patungong La Union.

Kaya ngayon, naroon siya nakaupo sa living room nila, hindi mapakali at lakad nang lakad.

"Rafa, what are you doing? Nahihilo na kami ng Papa mo sa 'yo," puna ng Mama Sally niya.

"Oo nga, anak. Kumusta ang lakad mo sa DelR. Events? Bakit ang tagal mo?" ani Papa Dindo niya na katatapos lang sumipsip sa hawak na juice. "Maupo ka nga, anak."

Tumalima naman si Rafael, and he sat at the single couch. "It's fine, Papa. Nakita at nakausap ko si Dylan."

"Okay. That's good. Did you invite him? Your Mom and I want to thank him for taking you to the hospital," sabi ng Papa niya na umakbay sa asawa.

"Fatima already invited him," singit ng Mama niya.

"Did he agree?"

Tumango lang ang Mama niya. Matamang pinagmamasdan at nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito, habang iniisip ang biglaang paglamig ng pakikitungo sa kaniya ni Dylan.

"He's a very busy man. Buti pumayag?"

May nagawa ba siyang mali?

"Dylan is Fatima's bestfriend, Dindo."

May nasabi ba siyang hindi nagustuhan ng lalaki?

"Oh? That's surprising, huh?"

Iwas din ang tingin ng lalaki sa kaniya. Alam naman ni Rafael na kahit hindi sabihin ng lalaki, nagtatampo ito sa kaniya at nasasaktan ito sa sitwasyon nila.

The whole universe knew how much he wanted to crawl into his arms and embrace him like there was no tomorrow. Pero hindi iyon ganoon kadali. Marami siyang dapat isaalang-alang. Bukod sa nalalapit na kasal, ayaw niya ring masira ang pagkakaibigan ni Dylan at Fatima, maging ang relasyon ng pamilya niya at pamilya ng lalaki.

"Yes! Anyway, Rafa, I already packed your things. Hindi na kita mahintay kanina, akala ko babalik ka kaagad. You can double check it, baka may dadalhin kang hindi ko nailagay."

"Sige, Ma," sambit ni Rafael, walang gana. "I will just check i---" Nakatayo na si Rafael nang may mag-doorbell.

Tumingin siya sa mag-asawa, nagtatanong kung may inaasahan ba ang mga itong bisita sa ganoong oras, pero nagkibit balikat lang ang dalawa.

Walang kaabog-abog niyang tinungo ang daan sa pag-aakalang ang taong kanina pa niya iniisip ang nasa labas.

Hindi niya naitago ang disappointment matapos pagbuksan ang nag-doorbell. Napabuntong-hininga siya.

"Babe," It was Fatima. Lumiwanag ang mukha nito sa pagkagitla, and at the same time, makikita rin dito ang lungkot at pagkadismaya. Niyakap siya nito at wala siyang nagawa kundi aluin na lang din ang babae. "I missed you. I've been calling you for these past few days, pero hindi mo sinasagot. Is there something wrong, Rafael?"

Hindi siya nakaimik nang kumalas siya. Napaiwas siya ng tingin at nahiya sa babae. Ano ang irarason niya rito? Na naaalala na niya ang nakaraan? Na mahal niya ang bestfriend ng fiancèe niya?

TRACES OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon