Chapter Four

75 0 0
                                    

PAGPASOK ni Alex sa Newsroom 10 ay nakasalubong niya ang isa sa mga katrabaho. Pinuri nito ang "bago" raw niyang shirt. Sa department nila ay talagang malalapit sila. Tulad nga ng ganito. Alam ng mga katrabaho kung may bago kang damit.

Habang nasa biyahe,tinanong siya ng driver na si Boyet kung babalik ba sila sa bahay para makapagpalit siya. Tumanggi siya. Kahit siya ay nagulat din. Bilang OC, hindi siya basta-basta nagsusuot ng damit ng kung sino lang. Pero amoy-malinis at mukhang malinis naman ang mga damit na ipinahiram sa kanya ni Henrie.

Suwerte pa rin siya. Kahit na may dapat ikagalit sa kanya si Henrie ay hindi naman ito nagtanim ng sama ng loob. She helped him without hesitation. Aminado siyang hindi niya inaasahan iyon. Tulad ng hindi niya inaasahan na anak ito ng may-ari. He should have apologized to her. Pero hindi niya magawa. Pride. Damn pride.

Nang makarating sa mga cubicle, sinalubong siya ng kanilang department head na si Carl Clemente. Matanda ito sa kanya ng mahigit sampung taon. Isa ito sa mga pinakamalapit sa kanya sa MBR. Noong nagsisimula pa lang siya ay si Carl Clemente ang gumagabay sa kanya nang husto.

"Bakit ngayon ka lang? My urgent meeting tayo with the big bosses."

Nangunot ang kanyang noo. Walang nabanggit sa kanya kahapon tungkol sa meeting sa big bosses. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Kanina ko lang rin nalaman."nakasunod si Carl sa paglakad ni Alex. "Hindi ba't may bagong talk show na ilo-launch? Dapat ay magsisimula na 'yon in two weeks. Pero nagkaproblema sa isa sa mga host. Nagkasakit si Mason Ocampo kaya naka-temporary leave. Hindi na puwedeng i-cancel ang show dahil naka-set na ang lahat."

Parang alam na ni Alex kung saan tatakbo ang kanilang usapan. At hindi niya gusto iyon. Hindi siya isasali sa meeting kung hindi siya ang balak na ipalit. Tumigil siya sa paghakbang.

"Ako ang gustong ipalit ng big boses kay Mason?" diretsang tanong niya.

"0o, huwag kang mag-alala dahil-----"

"I can't,"putol ni Alex sa iba pang sasabihin ni Carl. Sa halip na pumasok sa kanyang office ay tumuloy siya sa pantry. He rarely drunk coffee pero kailangan niya niyon ngayon.

"Bakit?" Tanong ni Carl na nakasunod pa rin.

"Si Annie ang female host," sabi niya na para bang sapat ng paliwanag iyon.

"So? Hindi ba't dapat na maging mas masaya ka pa nga dahil... Huwag mong sabihin...?"

"Ayokong pag-usapan,"paiwas na sagot niya.

"Well, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Annie. Hindi ko malalaman kung hindi mo sasabihin. Ang alam ko lang, professional ka at matagal ka nang naghihintay ng big break. Oo nga at malaking break ang maging news anchor ka ng noon time news program. Pero mas malaking break ito, Alex."

Totoo ang sinabi ni Carl. He's been part of MBR for seven years. Noong umpisa, nasa likod lang siya ng camera. Sa loob ng dalawang taon ay ganoon siya. Ang sumunod ay naging field journalist siya. Napakarami niyang tiniis mapanatili lang ang posisyong iyon. Makalipas ang tatlong taon ay nagbunga ang kanyang mga paghihirap at naging news anchor siya sa edad na dalawampu't pito at nabigyan ng break sa pantanghaliang programa.

A weekly talk show during the night was a much bigger break. Pero kaya ba niyang makasama si Annie?

EKSAKTONG nakaupo si Alex sa tabi ng kanyang ina ay umakyat sa stage ang kapatid niyang so Willow. Tumingin siya sa ina. Mababakas ang relief sa ekspresyon nito. Gayunman ay nanenermon pa rin ang boses nito nang magsalita.

Dear Future HusbandWhere stories live. Discover now