Chapter Nine

50 0 0
                                    

TUMAYO si Alex mula sa pagkakaupo sa sofa sa sala ng bahay ng mga Acevedo-Fabre nang makitang pababa ang Ate Gianna ni Henrie ng hagdan. May biglaang meeting para sa talk show. Dumaan muna siya kina Henrie bago tuluyang dumeretso sa office.

Kailangan niyang masiguro na okay ang dalaga. Bigla itong nawala kagabi nang hindi nagpapaalam. Nag-text na lang ito kay chloe na may biglaang emergency. Pero kagabi rin ay biglang naglabasan ang pictures ni Henrie kasama siya. Iyong pictures sa bar. Hindi pa niya alam kung ano ang mangyayari sa ngayon. Pero siguradong pilit nahahanapin ng press people ang dalaga. Kailangan niya itong protektahan kahit na ano ang mangyari.

"Sorry Alex, hindi ka mahaharap talaga ni Henrie. She's a bit... sick," sabi ni Gianna nang tuluyang makalapit sa kanya.

Sick? Kaagad siyang na puno ng pag-aalala. Kaya ba bigla na lang itong nawala kagabi sa restaurant nang magsabi na pupunta lang sa restroom? O nagkasakit na lang ito ngayon dahil sa biglang pagkalat ng picture nito?

"Ano'ng sakit niya? Uminom na ba siya ng gamot?"

"Pahinga lang ang kailangan niya," mabilis na sagot ni Gianna. "Huwag kang mag-alala, okay lang siya."

Hindi sapat iyon. Gusto niyang makita si Henrie para masiguro niyang okay nga talaga ito. Tumingin siya sa hagdan. Pero ano ba ang magagawa niya?

"I'm really sorry. Please tell your parents na gagawin ko ang lahat para maayos ito." Tumango lang si Gianna.

Kumakabog ang dibdib ni Alex. Natatakot siya na baka kung ano na ang nangyayari kay Henrie dahil hindi niya ito nakikita. Natatakot din siyang baka hindi na ito payagan ng mga magulang nito na harapin siya. Hindi niya kakayanin iyon. Ngayon lang nag-sink in sa kanya na talagang hindi niya kayang mawala si Henrie sa buhay niya.

Hindi na ma-imagine ni Alex ang buhay niya ng wala si Henrie.

"Puwede ko bang malaman kung ano ang sakit niya?" lakas-loob niyang tanong.

"Sorry, Alex. Ayaw niyang ipasabi, eh. ang sabi lang niya basta raw i-assure kita na magiging okay din siya. Don't worry too much. She's much stronger than you think."

Kung sasagutin man lang sana ni Henrie kahit ang mga text niya.

"Puwede bang sabihin mo sa kanya na babalik ako bukas?" hiling niya kay Gianna.

"Sure." Tumango ito. "Pero Alex..." sabi nito na parang nag-hesitate.

"Ano 'yon?"

"Do you like my sister? I mean... gusto mo ba siya bilang isang babae? Wala kasi akong maisip na dahilan kung bakit balik ka nang balik. Well, that is... you're friends I know."

Ni hindi pa niya nasasabi kay Henrie kung ano ang kanyang nararamdaman. Balak niyang sabihin kagabi. Pero bigla na lang nga itong nawala.

"Gusto ko siyang ligawan. Pero gusto ko muna sanang sabihin sa kanya. Pagkatapos ay sa parents n'yo."

Napangiti si Gianna. "I knew it. Hindi ka magpapabalik-balik para makita at kausapin si Henrietta kung wala ka namang gusto sa kanya."

"Puwede ba akong bumalik bukas?" nahihiyang tanong niya. "Makakausap ko na kaya siya? Hindi kasi niya sinasagot ang mga tawag ko, eh."

"Sisiguruhin ko."

Dahil sa sagot na iyon. Nagawa ng tumango ni Alex. Pero bago siya tuluyang sumunod kay Gianna sa paglabas ng bahay ay muli siyang tumanaw sa may hagdan. Umaasa na baka hindi nakatiis si Henrie at sumilip kahit paano. Pero nabigo siya.

"SIGURADO ka ba na okay lang mag-isa ka rito sa bahay?"

Pangatlong beses nang tanong iyon ni Ate Gianna. Aalis kasi ang mga ito. Magde-dinner sa labas dahil birthday ng asawa ng kanilang Kuya Gio. Masama ang kanyang pakiramdam dahil sa buwanang dalaw. She's having her regular menstrual cramps. Yeah, it's a regular. Ayaw kasi niyang uminom ng gamot dahil ayaw niyang maging drug dependent. Kaya naman tinitiis niya ang sakit sa buong maghapon. Sa unang araw lang naman siya ganoon. Sa mga sumunod pang araw ay okay na siya.

Dear Future HusbandWhere stories live. Discover now