Chapter Seven

68 0 0
                                    

SA SANDALING matapos ang pag-roll ng camera ay automatic na sumeryoso si Alex. Si Annie naman ay kaagad na nawala ang ngiti na kanina lang ay nakaguhit sa mga labi nito. Ngayon ang unang araw ng taping para sa evening talk show kung saan silang dalawa ang host.

Tuwing Biyernes ng hapon ang taping ng episode na ipapakita tuwing Sabado ng gabi. Meaning to say, tuwing araw na iyon ay kailangan niyang pakiharapan si Annie na para bang magkaibigan sila. Tinanggap niya ang katotohanang iyon mula ng tanguan niya ang pagiging co-host ng Evening Talk. Kailangan na rin niyang kalimutan ang tuluyan ang kanilang nakaraan. Or lack thereof.

Sa nakalipas na halos dalawang linggo, himala na nagawa niyang mag-move on. He realized that acceptance was the key. Hindi gustong mag-comment ni Annie sa kanya at wala siyang magagawa sa bagay na iyon. Sa totoo lang ay hindi rin niya inaasahan na matatanggap niya ang bagay na iyon nang ganoon kadali. He was hurt, yes. Pero okay na siya ngayon. They were civil. At sa tingin niya, mabuting bagay iyon.

Tumayo siya para magpunta na sa dressing room. Nasa backstage na siya nang may humawak sa kanyang braso. Hindi niya inaasahan na si Annie ang kanyang makikita.

"Hey, Annie. May kailangan ka?"

"Galit ka ba sa 'kin?"

"No," bahagyang nangunot ang kanyang noo dahil sa tanong nito. "Why?"

"Nothing. Gusto ko lang sana na maging okay tayo para maging maayos ang show natin. Everything's fine between us, right?"

Kung tinanong siya ni Annie noong nag-meeting kung papayag siyang maging co-host nito, kahit na tinanggap niya ang trabaho ay malamang na hindi siya makakasagot. Pero ngayon, malinaw ang isip niya. Kahit siya ay nasosorpresa rin sa maluwag niyang pagtanggap sa mga bagay-bagay. Wala talaga siyang nadaramang bitterness man lang.

"Okay naman tayo," sagot niya.

"So... puwede ba tayong maging friends uli?"

Friends? Tinitigan niya ang mukha ni Annie. Could he be friends with the woman he once loved? For at least he thought he did?

"Alex, tumatawag sa'yo si Chloe kanina pa." Dahil sa sinabing iyon ng kanyang P.A. ay hindi siya kay Annie. Nag-excuse muna siya rito.

"Hello, Chloe," sabi niya ng idikit ang phone sa tainga.

"Kuya, please tell me na hindi ka busy," mahihimigan ang urgency sa boses ni Chloe.

"Bakit? Ano'ng nangyari? I'm done for today."

"Magkikita kasi dapat kami ngayon ni Ate Henrie. As in ngayong six. Pero hindi ako makakarating. Nagkasakit ang isa sa mga pastry chef namin kaya kailangan kong mag-overtime. Naroon na kasi si Ate Henrie sa coffee shop. Ayoko namang sabihin sa kanya na hindi ako makakarating nahihiya ako. So can you please..."

"Yes," hindi na pinatapos ni Alex ang kapatid. "Pupuntahan ko siya."

"Thank you, Kuya! Thank you talaga."

"Sabihin mo sa 'kin kung saang coffee shop para makapunta na ako do'n ngayon. Pati na rin ang cell phone number niya ibigay mo sa 'kin."

"Yes, Kuya."

ISANG lagok nalang ang natitira sa kape na in-order ni Henrie. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya o-order ng isa pa kaya hangga't hindi dumarating si chloe ay hindi niya iinumin iyon.

Magkikita silang dalawa ngayon. Pero hindi para sa isang lecture for baking. It's just a date between them. May isang concert kasi na gustong-gusto niyang mapanood. Hindi libre ang mga kaibigan niya kaya nagbaka-sakali siya kung gusto ni Chloe na sumama.

Dear Future HusbandWhere stories live. Discover now