(CHAPTER 5)
NAPADAING si Pranpiya sa sakit ng braso niya na ngayon ay nabalian dahil sa pagkakabagsak niya sa hagdan. Napapikit din siya at halos maluha ang kaniyang mga mata dahil tila pinipilipit ang braso niya. Napaangat ang tingin niya sa isa sa mga kasintahan nung mga lalaking tinorture na tumakbo mula sa 2nd floor at iniwan siya sa unang palapag at napahiga na rin siya habang hawak ang kaniyang braso na tila hinampas ng iba't ibang uri ng dos por dos.
Narinig din ni Pranpiya ang boses ni Royce na tumatawag sa kaniya at kalaunan ay nilapitan siya nito. Nabulutan ng pangamba ang mga mata ng supremo habang nakatingin sa kaniya na animo'y hindi na makatayo sa sakit ng braso. Mas masakit pa pala ang inabot ni Pranpiya na pagkakahulog sa hagdan kaysa kay Royce na natapunan ng kape sa kamay pagkababa na pagkababa ng hagdan.
"A-ayos ka lang?" Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Royce para itanong kay Pranpiya na napasandal nalang sa pader malapit sa hagdan ng 2nd floor ng club. Walang emosyon naman siyang tumingin kay Royce at gusto sanang sabihin na "obvious po ba?" ngunit walang imik lang siyang tumango bilang kasagutan kahit ang totoo ay parang tinataga na ang braso niya na epekto nang pagkakahulog niya sa hagdan. Kumikirot din kasi ito dahil tumama ito sa mga bubog na nasa sahig kung kaya't nakatamo rin si Pranpiya ng mga sugat sa balat na hindi naman ganoon kalaki ngunit mahapdi.
Hindi pa rin maawat ang kaguluhan sa loob ng club at ang mga tunog ng baril ay tira karaniwan nalang sa pandinig nang bawat isa. Mas gumugulo at nagkalat na rin ang mga gamit kung kaya't ang loob ng club ay tila sinalanta ng napakalakas na lindol at bagyo. Inikot ni Royce ang tingin niya sa buong club at tila umapoy ang pareho niyang mga mata dahil nasayang lang ang pinaghirapan niya sa kagagawan ng mga taga timog. Napakarami ring mga bote na basag sa sahig, ang mga pagkain o pulutan ay natapon, sira na rin ang nagsisilbing stand ng upuan at kung apat iyon ay dalawa nalang ang natitira, nakabaligtad ang mga mess at wasak na rin at yung mga fluorescent lamp ay pumuputok na rin maging ang mga extension at ay mga kalmot at butas na rin ang dingding.
Napamura nang mariin si Royce at akmang susugod na sana sa mga taong walang sawang sinisira ang club niya at tapusin ang mga buhay ng mga ito ngunit may nagpaputok ng sunod sunod na bala ng baril mula sa kinaroroonan nila ni Pranpiya na ngayon ay napayuko habang kapit ka rin ang sariling braso. Napatayo nang tuwid si Royce at kinasa ang shotgun bago asintadong tinama sa isang taong may takip na itim sa mukha. Tinamaan ito sa noo dahilan para bumagsak nito kaagad sa sahig at naligo sa sariling dugo bago mabawian ng buhay. Tumagaktak naman ang pawis ni Pranpiya at napatingin kay Royce na napaka seryoso ng mukha habang mahigpit na hawak ang shotgun nito. Tila nauubusan na ito ng pasensiya sa mga nangyayari ngayon.
Maya maya pa ay may nagbato ng granada sa gilid ng hagdan at ito ay mula sa 2nd floor kaya napasinghal si Pranpiya sa gulat dahil tumutunog din ito. Bago pa tuluyang sumabog ang granada sa loob ng limang segundo at hinatak ni Royce ang kaliwang braso ni Pranpiya at humakbang sila papalayo roon. Mabagal din ang naging paglakad ni Pranpiya kaya napahigpit ang hawak sa kaniya ni Royce
na nanatiling hawak ang kaniyang shotgun bilang na rin prokteksiyon.Nang makalayo sila ay malakas ang naging pagsabog ng hagdan kaya ihinarang ni Royce ang isang mesa sa kanila ni Pranpiya dahil tumatalsik ang mga bubog at buhangin dahil sa lakas ng impact ng bomba. At, dahil kahoy ang hagdan patungo sa 2nd floor, nawasak din ang unang tatlong baitang nito at nagkaroon nang kaunting apoy.
"Tumayo ka na dyan!" Taratang saad ni Royce at hinawakan ang kamay ni Pranpiya nang mariin dahilan para magdikit ang kanilang mga palad. Mainit at magaspang ang palad ni Royce na nakakapit sa kamay ni Pranpiya at hinihila siya nito papalayo sa mga pagsabog ng granada na nagiging dahilan nang lalong pagkawasak ng mga facilities. At sa bawat pagsabog ng granada pagkatapos ng 5 seconds ay sabay silang napapayuko.
YOU ARE READING
Escaping His Ruthless Hierarchy
Mystery / Thriller"Villain has the reason why they became a villain." This story tells about the leadership of 4th generation Supreme President (Royce Vincenzo Matsumoto, 28) in a hidden society named "No Escape Society" with full of wickedness and suffering because...