NOTE: I'll using Third Person POV until the story ends. Thanks!
(CHAPTER 1)
Ciudad del Descubrimiento (No Escape Society, year 2025)
"MAGKANO taya mo, Supremo Royce?" Tanong ng kalaban ni Royce sa soltaire kaya marahang sumilay ang pilyong ngisi sa kaniyang labi bago inilapag yung baraha at nagsindi ng sigarilyo. Napahawi si Royce sa kaniyang buhok gamit ang kaniyang kaliwang kamay at sumandal sa silya bago sumagot sa itinatanong sa kaniya. Alam naman ng lahat na kahit na anong laban sa sugal, baraha man o billiards pinapatulan niya at pupusta ng malaking pera.
"Ako pa hahamunin mo. 100k (One hundred thousand) na agad!" Lakas loob na sagot ni Royce kaya nagtinginan ang kaniyang mga kaibigan na nanonood sa mula sa likod niya at napailing iling. Maya maya pa ay naglapag ng one hundred thousand cash si Royce sa mesa nang hindi napapawi ang ngisi. "Kakasa ka ba?"
"Sige bossing, kapag natalo ako 150k ibubulsa mo" Saad pa ng lalaking kalaro niya sa sugal. Napabuntong-hininga naman si Royce at ngumuya ng bubble gum habang hinihintay niyang ilapag ang mga baraha. Maayos din ang kaniyang upo na nakadekwatro kaya naman kitang kita ang kaangasang taglay nito. Muli siyang humithit ng sigarilyo at tingnan ang kalaban sa sugal sa pamamagitan ng kaniyang mainit na tingin.
Si Royce Vincenzo Matsumoto ay ang kinilalang presidente ng buong isla na kung tawagin nila ay NES. Siya ang ika-apat lalaki na naupo bilang presidente ng nasabing bayan. Noong una ay naisip na hindi naging karapat dapat sa kaniya ang pinaka mataas na pwesto ngunit kalaunan ay naisip niya rin na marami siyang makukuha at mararating sa oras na siya ang manguna sa mga mamamayan ng No Escape Society (NES). Siya ay isang matangkad na lalaki at may taas na 6'0 cm. Maputi at makinis ang balat, matipuno ang katawan, matangos ang ilong, mapungay at may kaliitan ang mga mata, mapula ang labi, makapal ang kilay, maganda rin ang hibla ng buhok at may halos limang butas o piercing ang kaniyang kaliwang tenga. Sa madaling salita, may taglay siyang kagwapuhan kaya marami ring mga kababaihan ang nakukuha niya sa isang tingin lang.
Matipuno man sa paningin ng maraming tao, ngunit masaya siyang iwagayway ang pulang bandila. Si Supremo Royce kasi ay napaka babaero. Lahat nalang ng matipuhan niyang babae sa club man, sa beach, o sa compound ng NES na nakikita niya ay agad niyang pinupuntirya. Mahilig siya sa mga "It girl" o hindi kaya sa mga kababaihan na hindi nahihiyang ipakita ang kagandahan ng kanilang katawan. Marami rin ang nagsasabi na araw-araw ay iba ibang babae at kausap ang nakikita ng mga tao na nakakakita sa kaniya sa compound. Hindi niya nililigawan o binibigyan ng konting assurance ang mga babae. May mga nagiging girlfriend daw ayon sa mga kaibigan niya ngunit buka makalawa ay iiwanan niya rin sa ere.
Kung hindi 'yan nawawalan ng babae, hindi rin 'yan mawawalan ng kaaway. Gwapo man pero basag-ulo si Royce. Simula nung maupo siya sa posisyon ay hindi niya ginawa ang pagiging mabuting halimbawa sa mga mamamayan ng NES, siya pa mismo ang pasimuno ng gulo. Alas dos ng madaling araw, nandoon pa rin 'yan sa bilyaran, lasing pa. Kapag natalo siya sa larong billiards at hindi naibalik sa kaniyang yung milyong halagang tinataya niya, ugali niyang makipag away. Imbis na pangunahan at bigyan niya ng solusyon ang mga kaguluhan sa loob ng compound, siya pa ang number one.
Naging purong katarantaduhan lang ang naging bunga ng pagka-presidente ni Royce. Nung maipasa na rin sa kaniya ang susunod ng termino, dinagdagan niya ng pangalan ang Isla del Descrubrimiento at 'yun nga ang No Escape Society. Ayon sa utos ng nakatataas na presidente (Supreme President) kapag nagpasa ka ng visa membership sa NES hinding hindi ka na pwedeng makalabas pa dito. Anumang idahilan at pakiusap mo kay Royce ay hinding hindi niya pinaalis ang sinumang mamamayan na nagbabalak lumabas ng isla.
YOU ARE READING
Escaping His Ruthless Hierarchy
Misteri / Thriller"Villain has the reason why they became a villain." This story tells about the leadership of 4th generation Supreme President (Royce Vincenzo Matsumoto, 28) in a hidden society named "No Escape Society" with full of wickedness and suffering because...