(CHAPTER 2)
SALUBONG ang kilay ni Royce habang iniisa isa ang mga papeles na dala ni Pranpiya. Tahimik lamang siya na nag uusisa habang isa isang kinukuha ang mga papel sa brown envelope at seryoso itong binabasa. Mariin na lang na napalunok si Pranpiya habang walang imik lang na nakatingin kay Royce na ngayon ay nakatingin na sa birthcertificate niya. Ang tingin niya tuloy ay tatanong-tanungin pa siya bago siya patuluyin bilang tagapagsilbi ni Augustin dito sa NES. Ilang minuto na rin kasi binubuklat ni Royce yung mga papel na dala niya na para bang hindi na rin ito nagsasawa na magbasa ng paulit ulit.
"Aldriana Pranpiya Mitsuha Fernandez Shinawatra?" Basa ni Royce sa pangalan niya na nakasulat sa birthcertificate ni Pranpiya na hawak hawak niya. Iningat niya ang tingin niya sa dalaga na walang kibo lang na nakatayo sa harap niya at nang magtama ang tingin nila ay ibinaling ni Pranpiya ang kaniyang tingin sa ibang direksyon. Kanina niya pa napapansin ang sulyap sa kaniya ni Royce kaya medyo nakararamdam na siya ng pagka ilang.
"Ito talaga pangalan mo? Tatlo?" Tanong ni Royce sa kaniya at muling ibinalik ang tingin sa birthcertificate. Tumingin naman ng diretso si Augustin kay Pranpiya na inihahabilin na sagutin niya lahat ng mga itatanong sa kaniya ni Royce. Mariin muling napalunok si Pranpiya at napahawak sa nanlalamig niyang kamay. "Ah, opo. Iyan po ang pinangalan sa akin ng nanay ko. Hindi ko rin po inasahan na ganiyan kahaba"
"At...dalawa ang nationality mo. Filipino at Thai. Citizenship, Dagupeña" Basa pa ni Royce sa mga impormasyon na may kinalaman kay Pranpiya. Napatango ang dalaga para kahit papaano ay lumamig ang tensyon sa pagitan nila ngayon. Nasa likuran niya rin kasi si Levi, Agassi at Jonas na binabantayan din ang bawat kilos niya. Bago pa sila makapasok ng opisina ni Royce ay kinalkal ang maleta niya dahil sagrado daw sa lugar na ito.
"July 29, 2005," Nang mabanggit ni Royce ay kaarawan niya ay muli siyang tumingin kay Pranpiya na tila sinusuri ang mukha nito. Naging malikot naman ang mata ni Pranpiya na titingin sa ibaba, sa gilid, at maya-maya naman ay sa itaas dahil parang sumasama ang kutob niya kapag pinagmamasdan siya ng supremo. Nang mapansin ni Royce na hindi nagiging komportable si Pranpiya sa mainit at malagkit niyang tingin ay muli siyang nagsalita. "Bata ka nga,"
Iniikot naman ni Pranpiya ang tingin niya sa buong opisina ni Royce. Maliit ngunit malinis sa loob at naka salansan din ng maayos ang mga gamit. Naka pwesto sa bandang gilid ng pinto ang mesa ni Royce na malapit lapit din sa bintana. Napansin niya rin na mayroong bookshelf na puno ng libro at sa itaas nito ay mayroong mga malilit na plorera na gawa sa babasagin. Gawa sa kahoy ang pader maging ang bubong at sahig na nagdagdag kagandahan sa disenyo ng opisina.
May iilan ding paso na may halaman ang nasa sahig at mga obra o paintings na nakadikit sa pader. May mesa din sa isang tabi at may telepono na kulay pula. Ang naka-agaw sa atensyon ni Pranpiya ay yung bulletin board na nasa likod ng kinauupuan ni Royce na puno ng sticky notes. Hindi rin siya nakakita ng kahit ni isang larawan ni Royce sa loob ng opisina nito.
"Saan ka pinanganak? Saan ka lumaki?" Tanong pa ulit ni Royce kay Pranpiya habang pinapaikot sa kamay niya yung ballpen at diretso lang ang tingin sa dalaga para hintayin ang isasagot nito. Alinlangan namang sumagot si Pranpiya nang nasa sahig lang ang tingin. Hindi niya lubos na maunawaan ang kinikilos ng presidente ng syudad na ito simula nung dumating siya dito. Tila may hinahanggad ito mula sa kaniya.
"Sa Pangasinan po ako pinanganak, doon na rin po ako lumaki" Diretsong sagot ni Pranpiya at ngumiti ng pilit. Napabuntong-hininga naman si Royce at napaikbit balikat. Napaikot din ang kaniyang mata at tinatakan ng pangalan niya at pinirmahan yung papel na may lamang sulat tungkol sa dahilan niya sa pagpasok o pagtatrabaho niya sa NES. 'Di kalaunan ay inihalad na ni Royce dalawang brown paper kay Pranpiya na nakuha niya na rin ang senyales na napagdesisyunan na ng presidente ang patungkol sa pagiging bagong mamamayan niya sa syudad na ito.
YOU ARE READING
Escaping His Ruthless Hierarchy
Misteri / Thriller"Villain has the reason why they became a villain." This story tells about the leadership of 4th generation Supreme President (Royce Vincenzo Matsumoto, 28) in a hidden society named "No Escape Society" with full of wickedness and suffering because...