Sa passenger seat ako sa tabi ni ate Rachel habang nagmamaneho. Focus siya sa pagmamaneho while I was listening to songs like Yellow and Fix You by Coldplay through my earphones. Hindi ko siya binigyan ng opportunity na tanungin ako o magsalita siya patungkol sa kung ano ang nangyari kagabi.
Nang makarating kami sa bago kong school, hindi niya ko hinayaang makababa. Parang nang-aasar na paulit-ulit nila-lock yung pinto ng kotse. Tumigil na lang nang ako na mismo ang sumuko’t bumuntong-hininga. Tinignan ko siya at nakitang walang buhay ang mga mata niya. Pareho lang naman na malamig ang tubig na pinanligo namin kaninang umaga pero mukhang ‘di epektibo sa kaniya.
“Sorry,” sabi niya. “Sorry pero hindi ka nagsasabi sa’kin at naging curious ako kasi naging tahimik ka, Brea. Hindi ko alam na sensitive ‘yung topic. Alam kong may namagitan sa inyo ni Justin—”
“Wala kang alam!” Pabulyaw kong sagot. “Dapat wala kang alam! Kung may alam ka, dapat wala kang alam. Sa harap ng maraming tao? Seriously, ate?! Wala akong sinabi dahil karapatan kong walang sabihin at karapatan kong iligtas kung anong dignidad ‘yung natitira sa’kin kaya pwede?! Pwede… bang kung anong iniisip mong dapat mong malaman, sarilihin mo? Kung curious ka, sana dineretso mo ko. Kung concern ka, umakto ka. Kapatid mo ko, hindi kapitbahay.”
Sa puntong ‘yon, hinayaan niya na kong makalabas at makapasok ng eskwelahan.
Inalala ko kung matapos ang araw sa school, anong mukha ang ihaharap ko kay ate Rachel? Kina mama at papa? Alam kong mali ako sa pagsalita ko sa kaniya at pag-walkout ko kahapon pero naiintindihan naman kaya nila ako? Kung isinigaw ko na ang lahat ng hinanakit ko noon pa man, nasa katinuan kaya ako na marunong makiramdam sa naaayong oras?
Ngayong araw pa magsisimula ang lahat ng dagdag sakit sa ulo.
All introductions of administrative officers, faculty, and students went smoothly early in the morning. Inabot din ng dalawang oras dahil lahat ng strand ay present sa covered court. Sa loob naman ng classroom, may orientation on grading systems and classroom rules by our class adviser na may kaunting difference kumpara noong junior high kami. Sunud-sunod na performance tasks ang mga magiging kaganapan dahil 50% siya ng grade, sumunod ang tig-25% ng written output and quarterly assessment for the core subjects. Buo ang loob kong masusuong rin ang lahat ng mga ipapagawa sa magdadaang taon pero kung may groupings? Ewan ba. Mabigat ang 50%, so fingers crossed? Matapos ang apat na taong hindi ko gugustuhing balikan, aakmaan ko na ng distansya.
Nang hayaan na kami ni Ma’am Santiago mag-recess, isa sa mga kaklase kong lalaki na si Glen ay in-approach ako at wala siyang pag-aalinlangan sa pangalang tinawag sa’kin.
“Brea,” swabe niyang banggit.
To be honest, iba ang pagkaka-akala ko sa kaniya. May pagka-out of place kasi siya magmula ng umaga sa tuwing napapansin ko siya. Matapos niyang mahiwalay sa mga kaibigan niya sigurong taga-ibang section ay tahimik lang siya kaya hindi ko naiwasang isipin.
“Since transferee ka, yayain sana kita sumama sa’min ng mga kaibigan ko sa canteen. Kung okay lang sa’yo?”
“Um, sorry? Iniisip ko kung pwede sana akong tumambay sa garden?”
“Oh?”
“Mag-isa?”
“Ah.”
"May balak akong gawin. Personal?"
"I understand," sagot ni Glen nang may ngiti.
Dala-dala ang mga notebook, sign pen, phone at earphones, binalikan ko 'yung dinaanan kong garden. Malawak kaya't maraming tao pero nakahanap naman ng pwesto kung saan kumportable at hindi gaano pansinin ng iba.
BINABASA MO ANG
High School Records
Teen FictionNaging maganda ang mga taon ni Brea Capili sa junior high na may nakakadismayang pagtatapos kaya naging maingat siya pagdating sa mga tao. Nang malaman na minsan ay nagsusulat siya ng kanta, in-invite siya ng isang grupo na sumali sa kanila. She agr...