Natuwa si Ma’am Santiago sa mga presentation kahapon kaya nagpagawa siya uli ng group activity. Walo na kami ngayon sa grupo pero nahiwalay si Glen sa’min. Nakiusap siya kay Ma’am pero in-encourage lang siya na makisama naman sa iba pang kaklase. I secretly talked to her but it was to no avail either. Sa Friday ang presentation kaya gumawa si Karlie ng group chat para mabilis at malinis ang flow of communication at madaling balikan ang mga mapag-uusapan.
Nagsend ng request si Karlie sa’kin on social media to be mutual friends after that. I did accept. Ang poblema ko naman ay may tingin si ate Rachel habang kumakain kami ng hapunan na parang gustong magtanong about sa’min since naka-tag ako sa pinost niyang picture namin nung meeting. Ewan ba at naiinis ako. We were fine the entire day with limited conversations from the early morning of Tuesday until dinner time kung kailan she’s being so weird. Deserve ko ng privacy, ‘di ba?
Dali-dali akong bumaba ng sasakyan pagkahatid niya uli sa’kin.
“Brea!” Sigaw niya mula sa parking lot nang makalayu-layo na ako.
Bumuntong hininga ako bago siya nilingon. Nakakahiya ang eksena pero mabuti at wala pa namang tao. Masyado pang maaga pero kuha niya agad ang inis ko.“Good luck!”
What…?
What do you even say to that?
Tinanguan ko na lang siya bago tumuloy sa pagpasok sa school.
Hindi mawala sa isip kong tanungin kung ano bang trip niya. Bad trip tuloy ako buong umaga. Aware si Glen kaya binigyan niya ako ng space at pinupuntahan ang iba pa naming kaklase para sila ang makausap. Si Karlie, sinubukan niya kong tanungin kung may nangyari ba sa bahay pero nginitian ko lang siya at sinabing wala naman. Nung recess, papunta na ako ng garden nang makita sina Karlie at Nathan sa pinagpupwestuhan ko kaya nagpunta ako ng ibang lugar. Gusto ko talagang mapag-isa. Naisipan kong magpunta ng library.
Dahil unang linggo pa lang ng klase, wala pa raw silang ini-issue na library cards kaya malaya ang mga estudyante na tumambay at magbasa ng mga libro sa library. Sa darating pa na Lunes pwedeng manghiram ng mga libro pagkagawa ng library cards. Kalahati ng kabuuang bilang ng mga table ang occupied kaya madali akong nakahanap agad ng pwesto dala ang kinuha kong The Lightning Thief by Rick Riordan at sinuot ang baon kong earphones.
Nagmessage si Monique sa group chat na magkakaroon kami ng meeting after magdismiss sa panghuling klase namin ngayong araw. Nagmessage din pala si Karlie minutes ago, though privately:
hi, brea :)
Na-seen ko na rin naman kaya napagdesisyunan ko nang magreply:
Hello
Karlie:
where r u?
Me:
Nagbabasa sa library
Karlie:
ohhh
kumakain kami ni nat sa canteen
may papabili ka?Me:
No, but thank youKarlie:
okay ( ・∇・)I played Umaaraw, Umuulan by Rivermaya while I read on. For the most part, sa mga bawat salitang dinaanan ng mga mata ko ang buong focus ko. Una ko nang napanood ‘yung film adaptation bago pa mabasa ang libro kaya na-enjoy ko ang portrayal ni Logan Lerman. Ang weird lang na maraming pagkakaiba mula sa libro sa pagkakagawa nung movie. It’s fine to take liberties with adaptations but to be so careless wouldn’t be, would it?
Then, may grupo sa mesa sa likuran ko na malakas ang mga bulong sa pagitan ng bawat isa. Titignan ko sana sila ng masama pero mga mukhang tatarayan lang nila ako nang ma-realize na ang ilan sa kanila ay mga kaklase ko pala. Hininaan ko ang volume ng pinakikinggan kong kanta habang patuloy na nagpapanggap na nagbabasa.
"...'yung tatlo. Mga nagmamagaling na naman."
"Bakit kayo grumupo sa kanila?"
"'Di namin ginusto! Si Ma'am Santiago ba naman nagsalita na magsama 'yung grupo namin at nung kanila."
BINABASA MO ANG
High School Records
TeenfikceNaging maganda ang mga taon ni Brea Capili sa junior high na may nakakadismayang pagtatapos kaya naging maingat siya pagdating sa mga tao. Nang malaman na minsan ay nagsusulat siya ng kanta, in-invite siya ng isang grupo na sumali sa kanila. She agr...