Chapter One. June 12 | Linggo

21 0 0
                                    

Presko ang simoy ng hangin na pumapasok sa bintana at mga kurtina sa kwarto na napuno ng lungkot nang nagdaang ilang buwan. Kaunti pang oras, tuluyan ko nang mararamdaman yung pagbabagong matagal kong pinagdasal. Hayaan na muna sana ako ng langit sa mga choices of songs ko't todo pa ang volume sa earphones. I was listening to Stressed Out by Twenty One Pilots.

And, dude, how stressed out was I?

Without going into details, 'tong araw na 'to ang chance ko na iwanan na ang lahat ng lungkot. No need for toxic positivity because everything will be fine. It'll all be good-really good. No sarcasm.

May mga mamimiss ako pero kailangan kong pakawalan sila para sa sarili ko, e. Itong bahay ni lola, si lola, ang pinsan kong si Trisha at mama niya na si tita Emma, ang bunsong kapatid nina tita Emma at papa na si tito Bernard, ang tsismosang kapitbahay at kaibigan ni lola na si Marites. Apat na taon na matapos kaming patirahin ni lola at nag-junior high ako ten minutes away mula rito. Sa wakas, lilipat na kami ng dalawang bayan o forty minutes ang layo mula rito.

Malaki ang pasasalamat ng pamilya namin kay lola at sa pamilya namin dahil sa pag-welcome sa'min kahit may nasasabi pero kailangan namin na bumukod. Para sa pride ni papa, para sa trabaho ni ate at para sa peace of mind ko. Para kay mama, makakalayo na siya kay aling Marites.

Habang nagki-crossfade yung kanta, napansin ko si lola na sumisilip sa bintana mula sa pintuan ng kwarto ko (up until 6PM).

"Hello, 'nay," tawag ko sa kaniya habang nakahiga pa rin sa kama.
Lumingon siya at nginitian ako bago bumaling uli sa bintana. Puno ata ng mangga ang pinagmamasdan niya. Panghimagas sana kung may bunga na pero wala.

"Brea?" Tawag niya sa'kin nang hindi ako tinitignan. "Ang daming magbabago.
Maninibago ka. School mo, mga teacher, mga kaklase at kaibigan mo. Mabibigla ka."

Ramdam kong maninibago rin siya. There was a hint of sadness in her words. I'd like to say that I'd stay, but I know I couldn't. The future I wanted couldn't be here, and it couldn't be with her by my side. Nakakalungkot man pero kailangan kong piliin ang sarili ko.
Sa katahimikang namayani at nagtinginan naming mga mata, alam na ng lola ko kung anong sagot ko sa tanong niya kung pwede akong hindi umalis-pinipili kong umalis.

Tumayo ako, nilapitan siya at yumakap. Ang sabi ko, "Kaya ko, 'nay. Magkikita tayo next week. Bibisita yung panganay niyo, si tita Jac. Buo tayo no'n. Ikukwento ko sa'yo yung mga mangyayari sa bago kong school. Anong klase ng tao yung mga magiging kaklase ko? Magsusulat ako araw-araw para wala akong makalimutan kasi detalyado kong ikukwento lahat sa inyo."

"Nananawa na ako sa mga kwento ng tita Emma mo. Pakakasalan daw siya ng ama ni Trisha pero ilang dekada na, singsing pa rin. 'Di mo alam kung anong ginagawa sa pera na kinikita niya. Araw-araw nagtatrabaho at maayos ang buhay. Hindi nagugutom ang pamilya pero wala pa ring planong magpakasal yung lalaki. Ewan ko ba sa kanila."

May luha pang nangangambang kumawala sa mga mata niya habang nagkukwento siya. Paraan na lang siguro niya para ibahin ang kwento.

Kumatok si ate Rachel para sabihin kay lola na pinapatanong ni tita Emma kung nasa'n yung mga kubyertos para sa hinahandang hapunan bago kami umalis. Nagpaalam si lola bago bumaba kaya naiwan kaming dalawa ni ate sa kwarto. Sumisipol siya habang kinakapa ang keyboard ko katabi ng bookshelf at mga karton laman yung mga notebook ko ng mga nagdaang taon.

May something sa pagsipol niya na nakakairita kaya hindi ko na maiwasan magtanong. "Anong gusto mong sabihin?"

"Sayang 'tong piano. Sure kang iiwan mo na 'to dito?"

"Oo."

"Nang gano'n-gano'n lang?"

"Hinihingi ni Trisha. Ayaw ko nang gamitin."

"Regalo 'to ni tita Jac sa'yo nung nag-fifteen ka."

"Nakausap ko na si tita Jac."

"At okay sa kaniya?"

"Oo."

She pursed her lips.

Akala ko, tapos na siya nang matuon naman sa ibang bagay yung pansin niya.

"Sure kang itatapon na 'tong mga nasa karton?"

"Oo."

"Bakit?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Curiosity? 'Di ko sure," sagot niya. "Akin na lang 'tong mga nasa karton."

Okay, what the heck?

"Itatapon mo na lang din naman."

"Basura na 'yan," sabi ko. Pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Tapos? Ako na magbebenta sa junk shop. Ilan din 'yan."

Napabuntong-hininga na lang ako. "Bahala ka sa buhay mo."

Kung ano ang kwento kanina ni tita Emma kay lola kanina, 'yun din ang naging kwentuhan sa hapunan. Tinitignan-tignan ako ni lola at pabirong umiirap at sinasabayan ng pagbigkas sa mga pagkasunud-sunod na scenario ni tita Emma.

"Nako, Brea!" Puno ng excitement na tawag sa'kin ni tita Emma matapos uminom ng tubig sa uhaw. "Sana makahanap ka ng katulad ng papa ni Trisha. Napaka-sweet dahil reregaluhan ako ng bagong singsing! Aksidente kong nahanap habang naglilinis ako ng kwarto namin. May naka-envelope pa na sulat! Nakasulat din sa likod 'yung pangalan ko!"

"Ano bang pinagsasabi mo, ate," singit ni tito Bernard. "Focus sa pag-aaral 'yang pamangkin mo. Ni 'di nga n'yan sinagot yung manliligaw niya dati, 'di ba?"

Natameme ako dahil sa'n naman nanggaling 'yun? I feel attacked.

"Ano uli pangalan no'n?" Tanong ni papa.

"Kaibigan niya, si Justin," sagot ni ate Rachel.

"Ayoko do'n sa batang 'yon. May ugali 'yon, e."

"Kinaibigan ka?" Tanong ni tita Emma.

"Magkaibigan muna sila, tita," sagot uli ni ate Rachel. "Tatlong taon ata bago siya niligawan."

"Nako, Brea. Baka naman umaasa pa rin siya."

"Sa 'yo pa talaga manggagaling?" Biro ni tito Bernard.

Nagbangayan ang dalawang magkapatid at nagtawanan ang lahat sa hapag. Sana gano'n na lang buong hapunan kaso biglang may naalala si mama at si ate Rachel na napansin nila sa social media.

"Nagpost yung mga kaibigan mo ng picture no'ng graduation. May group pic sila pero hindi ka kasama?" Tanong ni mama.

"Imposibleng hindi kayo nagkita no'n. By section ang arrangement niyo sa mga upuan 'pag completion, 'di ba?" Sunod ni ate Rachel.

Tahimik kong tinanggap yung mga tanong nila. At this point, parang wala na akong kawala kaya't sinubukan kong i-excuse ang sarili ko nang pati na rin si tita Emma ay nagtatanong.

"Alam ba nilang lilipat ka na ng school? Lilipat ka na ng bahay?"

"Ilang taon mo rin sila naging kaibigan."

"Sana in-invite mo sila nitong bakasyon dito para maka-catch up kayo."

"May nakita akong picture nung bakasyon. Gumala ata sila."

"May picture sila na wala ka. May gala sila na wala ka. May plano sila na wala ka."

Nagulat ang lahat nang malakas na hinampas ni lola ang mesa. Nabalot ng katahimikan ang kwarto bukod sa nakakabinging mabilis na pagtibok ng puso ko. "Kain," sabi ni lola sa lahat.

Hindi ko na napigilan at napagdesisyunan na umalis sa hapag nang walang hinarap na mukha. What could they be thinking of me at that moment? What am I scared of? What am I ashamed of? Dali-dali akong naglakad pabalik ng kwarto. Malinis na dahil naipasok na sa sasakyan ang mga kailangan kong dalhin sa paglipat.

Napagtanto ko rin, magiging maayos ako sa pag-alis.

High School RecordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon