He is still running in my mind. I couldn't imagine that man saved my life after a disaster I've done in the middle of the crowd.
He didn't think what I've done, what I've said-when I called him dickhead.
Hindi pa rin kami nag-uusap ni mommy after what happened yesterday, gano'n din si daddy. Ewan ko ba kung ano ang pinakain sa kaniya ni mommy ba't takot siya kahit na siya ang lalaki at ama ng pamilya.
Si kuya Yuriel naman minsa'y sumasagot na kay mommy kahit na minsan lang lang siya umuuwi sa bahay dahil binilhan siya ni lolo ng sarili niyang bahay noong nag-debut siya, sana ako rin.
Napukaw ako at bumalik sa realidad nang mag-ring ang cellphone ko.
Si kuya Yuriel, tumatawag.
"Honey how are you? Are still there? Kailan ka madi-discharge?" Sunod-sunod ang tanong niya at bakas sa boses niya ang labis na pag-aalala.
I smiled before I answered his question.
"Yeah, your princess is okay. Sabi ni Imogen, bukas pa raw at 'yon ang gusto ni daddy." I responded.
Narinig ni Imogen nu'ng pabalik siya sa kwarto ko mula sa canteen dahil inutusan namin siya ni Sean na bumili ng cup noodles no'ng gabing iyon at iyon ang narinig niya, wala na rin si mommy habang nag-uusap si tito Daniel at si daddy siguro nainip at hindi na makapaghintay.
"That's good, kapag natapos ko 'tong plates ko pupuntahan kita riyan. Don't forget to take your medicine," aniya bago pinatay ang tawag.
Kuya Yuriel is that type of a man that he will sacrifice everything just to keep you safe, for short gentleman.
Si kuya lang talaga ang may lakas ng loob para sumagot o komuntra sa mga kagustuhan ni mommy, saan kaya siya kumukuha nglakas ng loob?
Maya't maya ay dumating na si Imogen pero hindi niya kasama si Sean.
"Hi bes, ito oh nagpaluto ako kay mommy ng macaroni soup with chicken. Ba't kasi allergy ka sa shrimp masarap sana 'yon, anyway chicken din sa akin saka may mga dala akong quicker oats at gatas, at syempre hindi mawawala ang fruits!" Masigla niyang bungad sa akin.
She really knows me, it keep my heart warm to be known by certain people in your surroundings. She is my sister not by blood but by bonds, sila ni Sean ang laging nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng kalinga nang mga totoo kong magulang.
"Nag-abala ka pa talaga sa akin, e, 'no?" Turan ko na siyang nagpatigil sa kaniya sa pag-arrange ng mga prutas at dala niya sa side table ng kama ko.
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Parang kapatid na kita Yel, at isa pa sino pa nga ba ang karamay mo sa tuwing nasa lowest point ka na ng buhay mo? Huwag mo nang isipin ang gusto mong isipin, okay? Ang isipin mo, ang kalagayan mo at isa pa wala naman akong trabaho sa bahay o pupuntahan, at mas mainam na nandito ako sa tabi mo para naman may makausap ka rito." Mahabang paliwanag niya.
Nginitian ko siya at niyakap. To be honest, my inner soul is crying because of her words.
"Thank you so much," pasalamat ko sa kaniya at hinalikan niya ang pisngi ko.
"Oh kung wala ako rito, sino kakausapin mo? 'Yang butiki sa paanan mo? Wala ka namang data pang-stream sa Spotify." Dagdag pa niya at sabay kaming nagtawanan.
"By the way, si Sean naman sumama kay tito Richard sa resort dahil may handaan daw kasi 'di ba graduating sa medtech 'yong anak ng kumpare niya kaya sumama siya." Kwento pa niya.
Alam ko kung bakit sumama si Sean sa celebration na 'yon.
"Pogi hunting lang naman ang gagawin niya doon, sus parang hindi mo kilala ang sismars natin e." Ani ko at humalakhak siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/371372615-288-k457635.jpg)
YOU ARE READING
In The Arm Of Beloved Savior
RomanceAmaeielia Ruby Clameria is a first year college in Bachelor of Science in Nursing. She pursue nursing due to her father's dream and also her dream ever since she was a preschooler. A no boyfriend since birth woman because of strict household and sh...