3

0 0 0
                                    

Days passed by after I discharged from hospital, Kuya Yuriel took care of me while I'm with him at his condo.

I stay with him for a while to avoid arguments at home, and I tried to convince dad to bought me my own condominium also but he is also trying to convince mom.

Minsan dumadalaw rin si Sean sa akin kasama si tita Paula, they were more worried at me than my own mom. How I wish to have a mom like Sean's mom.

Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko pagkagising sa umaga at lalong gumugulo dahil sa sinabi ni Dean kuno na 'yon noong dumalaw si kuya Yuriel kasama siya.

I know he is just kidding to make fun, pero parang may bumubulong sa isipan ko na inuulit-ulit ang kanyang sinabi— Kung hindi lang kita crush kinurot din kita.

Bumuntong-hininga na lang ako saka bumaba. Tatlong hakbang pababa ng hagdan ay bumungad sa akin ang ihip ng hangin na nagdala ng aroma ng niluluto ni kuya.

"Hi, glad you're awake. By the way, your milk is ready." Aniya habang nagluluto.

He's gentleman, sweet, and caring brother. I hope he will find a woman like him, and she will be the lucky woman.

Lumapit ako sa kaniya at tinignan kung ano ang niluluto niya, it's chicken adobo again—my favorite dish.

"Ipinagluto kita kasi alam kong ito ang paborito mong kainin sa tuwing mailabas ka sa hospital, so, this recipe is special." Aniya at ngumiti.

It melts my heart.

I'm lucky to have a brother like him.

"Kuya, kelan tayo uuwi sa bahay? Miss ko na si daddy," tanong ko sa kaniya.

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.

Pinatay niya ang stove saka humarap sa akin. "Yel, ayoko munang umuwi ka ro'n. Mag-aaway na naman kayo ni mommy, saka na kapag tapos na ako sa drafts ko." Aniya at hinalikan ang noo ko.

"Umupo ka na, let's eat." Utos niya at pinisil ang pisngi ko.

He treated me as a Disney princess since I was a toddler. May tampuhan din kaming dalawa pero hindi umaabot sa isang linggong hindi nagpansinan, unlike mom, she has a high pride.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang may pumasok sa isipan ko. "Kuya, are you friend with Dean Rodger?" Tanong ko sa kanya.

He chuckled, "Bakit? Crush mo 'no?"

Inirapan ko siya, "He's not my type, medyo tarantado. Natanong ko lang kasi 'di ba kasama mo siya no'ng binisita mo ako?"

"Ahm yes, highschool friend and he's my vice-president sa SSLG. Bakit? Parang nagkaroon ka na ng interest sa lalaki ah? Siguro crush mo talaga 'yon, don't worry, nasa kanya ang boto ko." Dagdag pa niya sa pang-aasar.

Nakakahiya. Sana hindi ko na lang siya tinanong tungkol sa lalakeng tarantadong 'yon. I'm not interested. Medyo hambog at tarantado.

"I don't care, inaway niya nga ako sa unang tagpo pa lang doon sa fastfood e. Naiirita ako sa pagmumukha niya, imagine kuya sinermunan niya ako sabi pa niya 'wag daw ako puro selpon at tignan ko raw ang dinadaanan ko. Nu'ng nairita na ako, alam mo ang yabang pa niya, sinabihan niya ako 'sorry miss, ganito talaga kapag  hot pati ulo mo napapainit ko.' See? At the first place hindi ko na siya type, akala mo guwapo, gupit balut naman." Irita kong kwento sa kanya at tumawa lang siya.

"What? Why? What's the funny about that?" I ask him, I'm pouting.

"Ganiyan talaga siya, mapang-asar, alam mo bang pinag-aagawan 'yan noong highschool pa lang kami?" Kwento niya.

In The Arm Of Beloved Savior Where stories live. Discover now