Panglimang Ligaya 𖠋

7 1 0
                                    

Official San Jose School Page
December 01, 20XX

Have you heard of the Pervert?

Halos thirty(30) kaso na ang naitala nitong January 1 hanggang March 24 na nare-report na pagkawala umano ng mga underwear o panty ng mga kababaihan sa DORM A or girl's dorm.

January 1, noong unang nawalan ng limang(5) underwear ang babae na itago na lamang natin sa pangalang Ciello. Tuwing Martes si Ciello nagpapa-laundry at noong mga unang subok niya ay naging maayos naman at walang nawala. Ngunit noong tumagal-tagal na ay doon niya lamang napansin na nawawalan at nagkukulang na siya ng kaniyang panty. Ikinwento niya ito sa kaniyang dorm mate na itago rin natin sa pangalang Iva.

Nagkwento rin si Iva na nawawalan din siya ng halos sampung panty kada-buwan. Ayon umano pa rito ay ang akala nito ay siya lamang ang nakakaranas ng nakakabahalang aksidente na ito, ngunit noong malaman niya ang nangyari sa kaniyang ka-dorm mate ay natungo agad sila sa tanggapin ng opisyal sa eskwelahan.

Doon unang pumasok ang pala-isipan at pagsususpetya ng mga tao na baka nga may manyak na nagnanakaw ng panty ng mga kababaihan sa DORM A or girl's dorm.

Nang marinig ng marami ang reklamo na ito ay mas lalong dumami ang nagsumbong at nagkwento ng kanilang katakut-takot na karanasan, at ang misteryong nakakubli rito.

Buwan ng January, umabot halos sa sampu ang kaso ng mga nanakawan ng panty sa loob ng DORM A. Doon na rin nagsimulang mag-imbestiga ang mga opisyales at mga kababaihan sa misteryosong nagaganap sa loob ng kanilang DORM A. Dahil sa imbestigasyon ay mas pinahigpit pa ang mga pumapasok at lumalabas sa DORM A, lalo na't ang main cafeteria ay nasa ibaba lamang ng dorm nila kaya naman kahit sinong tao ay puwedeng-puwede na makapasok doon, mapalalaki man o mapababae.

Dumaan ang buwan ng Pebrero, hindi pa rin nareresolba ang kaso at mas dumami na ang mga reklamo. Hindi na ito nakayanan ng iba kaya nagsimulang magsi-alisan ang mga tao sa DORM, hanggang naging malaking problema ito para sa reputasyon ng dorm.

"We're trying so hard to catch the thief... Mahirap lang. Sobrang hirap. Lalo na't wala kaming signs na makuha sa kaniya. Sobrang galing ng magnanakaw. Hindi pa nga namin alam kung lalaki ba ito o babae..." Madam Imelda stated, ang namumuno at nagpapatakbo ng DORM A.

Mas lalong nag-imbestiga ang mga tao sa kaso na ito. Hanggang sa dumating ang March 1. May babaeng nakakita ng misteryosong pigura na pasikretong pumapasok sa loob ng kanilang laundry area. Isiniwalat niya ito sa mga opisyal at doon ay nagkaroon sila ng lead na lalaki nga ang magnanakaw.

Hanggang sa March 25, natagpuan ang lalaking nakahilata sa laundry area habang hawak-hawak ang limang underwear na tinangka nitong nakawin. Hindi pa namin alam kung bakit nakahilata ang lalaki roon, ang sabi pa nito ay bigla na lang daw siyang nakaramdam ng hilo.

Nakakapagtaka, 'di ba?

Joseph Vargas, 24, college student and lives at DORM B(boy's dorm). Nahuli ang biktima at madaliang nakulong.

Ani nito, "Hindi ko po sinasadya." Siwalat niya habang nakakulong siya sa selda ngayon at hinaharap ang kaniyang parusa. Hindi na rin siya nagpahayag pa ng kahit anong salita tungkol sa pagkahilata niya sa laundry room na nauwi sa pagkahuli sa kaniya.

Hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang kasong ito kahit nahuli na at naresolba na. Marami pa ring katanungan kung bakit siya naroon? Kung bakit siya nakahilata? Sinadya niya bang magpahuli? Pinlano ba ito? May pinagtatakpan ba siya?

Maraming katanungan na gusto nating masagot; ngunit wala namang makasasagot. Ang misteryong nababalot dito ay mananatiling misteryo.

Stay safe to all. (Iwas sa pagsinghot, baka matulad kay Joseph.)

And, finally, we're able to say that the pervert case has been closed.

Mwa mwa,
Ur Dean Sir Alvarez Agapito

😲😭❤️ 90.4 K                    500 K comments

See comments...

James Khlo
Tarantado. Hindi raw sinasadya? Hindi sinasadyang magnakaw ng halos 100 na panty? Aba gago, singhot pa!

😆 20K


Nadine Dy
Hayst. This world is full of predators talaga. It so hard to live like a woman talaga.

❤️5K

Klea Trinidad
di ba nandidiri c koyah eh ambaho baho ng poki ng mga babae

😭 100K

=͟͟͞♡

⨾ Ligaya 𖠋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon