PROLOGUE

41 3 0
                                    


"Umuwi kana dito, may pag-uusapan tayo ng mama mo John" Sabi ng daddy niya sa kabilang linya.

Napabuntong hininga naman si John sa inis dahil naging-estorbo ang kaniyang ama sa kaniyang ginagawa.

Sa sobrang ingay ng paligid ay naiinis na lumabas siya.

"Tungkol saan naman, Dad?" Pagpapakalma nito sa sarili.

"Tungkol diyan sa kaloko-----" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng ama niya ay agad niyang pinatay ang tawag.

Alam na niya ang sasabihin nito. Tungkol na naman ito sa mga kapilyuhan niyang pinangagawa. Huminga ito ng malalim at bumalik sa loob ng bar.

Naiinis siya sa sariling pamilya. Gusto niyang hayaan siya sa mga gustong niyang gawin sa buhay. Pero itong Daddy at Mommy niya ay kinokontrol siya sa mga desisyon niya.

Galit na tinapon niya ang hawak na sigarilyo.

"Cool kalang bro wag maging mainit ang ulo, just enjoy the night" Sabi ng isa sa mga kaibigan niya.

Umirap nalang si John at bumaling sa mga babaeng nakikipagsayaw sa harapan.

Napahimas nalang siya sa buhok ng tumunog na naman ang cellphone niya.

Kinuha naman niya ang cellphone sa bulsa at tiningnan kong sino ang tumawag. Nakahinga siya ng maluwag at sinagot iyon.

"Hello.." Litanya niya sa kabilang linya.

"Mr. John may problema tayo" Napaangat tingin naman si John at nagpalinga-linga sa paligid.

"Bakit anong problema?" Sabi niya habang mariin na nakatitig sa
madilim na sulok.

"Ang Daddy niyo pinipilit akong magsalita nagtatanong kung nasa'n ka" Napahawak nalang sa sintido si John nang narinig ang mga sinabi ni Nuriis sakaniya isa sa mga driver nila sa bahay.

"Sabihin mong busy----" Napasinghap naman sa gulat si John nang may umagaw sa cellphone niya at tinakbo nito.

Natanaw naman niya ang lalaking nagnakaw at ito'y kumakaripas ng takbo.

Mas napako siya sa pwesto nang may nakitang babaeng nakabistidang pula at hinubad ang suot nitong takong at nagmadaling tumakbo sa kaniyang pwesto.

Tiningnan lang siya nito at nagmamadaling hinabol ang lalaking nagnakaw sa cellphone ni John.

Kitang-kita naman ni John ang mga pangyayari. Mas napamulat ang mga mata nito nang nakita niya kung pa'no sinuntok ng babae ang lalaking na nagnakaw sa cellphone niya. Napangiti naman ang babaeng bumalik sakaniyang pwesto.

"Okey ka lang Sir?" Parang walang nangyaring sabi nito.

Umiling naman si John tiningnan siya ng masinsinan.

"Cool girl" Sambit ni John.

Ngumiti lang ang babae at kinuha ulit ang takong sa sahig at muling isinuot iyon.

Nagtitigan naman sila nang masinsinan. Hindi maiwasang mapalunok si John dahil sa nakaka-akit na mukha ng babae.

Lumapit ang babae sa kaniya at may ibinulong.

"Mag-ingat ka Mr." Parang may kung ano-anong hinawakan ni John ang bewang nito at hinapit siya.

Nanigas naman sa pwesto ang babae nang halikan siya ni John.

Thank You, Mr. JohnWhere stories live. Discover now