Nagsitayuan naman ang buhok ko sa katawan nang narinig ang mga sinabi nito.Humarap ito saakin nang mariin. Namula naman ang dalawang pisngi ko sa hiya.
Umiling naman ako at kaagad na tumalikod. Aalis na sana ako magsalita ito.
“Your shoes...” Nanglaki naman ang mga mata ko at tiningnan siya.
“N-nasa'n?” Napalakas ko namang tanong.
Ngumisi naman ito at lumapit saakin. May binigay itong kung ano sa'kin.
Taas kilay ko itong tiningnan “Ano 'yan?”
“Take it, it's my card number I'll call you later or someone fetch you” Lumapit na naman ito saakin.
Napaatras naman ako kaya nagkalapit lang ang mga mukha namin. “You just say na maging mabait ako right? so take it..”
Nakaangat lang ang tingin ko dito. “or I leave it here” Dugtong pang sabi nito. Habang mariin parin itong nakatingin saakin.
Umaawang naman bibig ko at hinablot ang hawak niya. Nakita ko naman itong ngumisi at kumaway saakin.
"Okey, see you later” Sabi pa nito at tumalikod saakin.
Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa hawak ko. Napailing nalang ako at bumalik sa klase.
Saglit na nakinig sa prof namin ay dumeritso agad ako palabas ng gate. Wala naman akong hihintayin pa. Si Reina ay hindi naman siya pumasok ngayon mukhang busy kasi siya.
Aalis na sana ako nang matanaw ko ang kotse ng lalaking iyon sa labas na mukhang may hinihintay. Napalunok naman ako at nag-ibang direksyon. Ayaw ko naman magtanaw ng utang na loob mula sakaniya. Kaya hindi ko tatanggapin yung alok niyang magpapakabait daw siya..pero ewan...pano yung pares ng shoes na 'yon? Kailangan kong ibalik kay Reina iyon.
Napailing nalang ako at dumiritso nang lakad. Napatigil naman ako nang may sumusunod saakin.
Napaigtad naman ako sa gulat nang sumusunod ang kotse na 'to. Napatigil naman ako at hinarap iyon.
Nagtaka naman ako nang lumabas sa kotse ay hindi siya... hindi ko pa kilala.
“S-sino ka?” Nagtatakang tanong ko dito.
“Hi... I'm Pablo, the personal driver of Mr. John.” Nakangiting usal nito sa'kin.
Napalunok naman ako at tiningnan ito. Anong kailangan nito sa'kin?
“B..bakit mo'ko sinusundan ha?” Nagtatakang sabi ko dito.
“Inutos sa'kin ni Mr. John na isundo raw kita ”
Ngunot noong tiningnan ko naman iyon. Sino ba si John?
“A..ano si John ba 'yon?” Kaagad naman bumaling sa utak ko na John pala pangalan ng lalaking 'yon. At ngayon ko lang nalaman.
“Yes Mr. John” Pormal na sabi pa nito.
Tumango naman ako at tiningnan siya. “Bakit raw ako niya sinusundo?” Tanong ko pa dito.
“Meron daw siyang isasauli sa'yo. Joined me inside come here..” Utos nito sa'kin.
Napalunok naman ako at napabuntong hininga. Sige na nga para matapos na 'to. Maisauli lang niya yung sandal na yun.
Pumasok naman ako sa loob nang kotse nito at napatulon laway.
Nagsimula namang umugong ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
“A..ah nasa'n pala si John?” Nagtatakang tanong ko dito. Bakit dinadaan niya pa ako sa pa ganito e pwede namang direct to the point agad.
“Busy siya sa lugar na kung saan yun ang pupuntahan natin.” Sagot naman nito sa'kin.
Nagtakang tiningnan ko naman ito.
“Nasa'n naman iyon? Bakit hindi nalang sa'yo pinadala para tapos agad” Sunod-sunod na sabi ko pa dito.Hindi naman nagsalita ang driver. Bwisit ito na ba sinasabi niyang magiging mabait siya sakin? mukhang malalagay pa ako sa panganib.
Napatigil naman ang kurbang sasakyan na ito sa isang lugar na maganda.
Napalunok naman akong bumaba sa kotse at Nanglalaking matang tiningnan ang nasa harapan ko.
Nasa Vintage hotel ako. Ngunot noong tiningnan ko naman ang diver. Pero hindi lang niya ako pinansin. Inilahad lang niya ang kamay at iniwestra papasok sa loob.
Sumunod naman ako sa utos nito at pumasok sa loob. Napako naman ang mga paa ko sa sahig nang makita ang nasa loob ng hotel. Hindi ko inaasahan na makakapunta ako sa ganitong lugar.
Dahil sa pagkamangha 'di ko nalang namalayang may lumapit saakin na mga babae.
Nagtataka man ay sumunod ako sa kinikilos nito. Pumunta kami sa isang silid na puno ng mga kung ano-anong wardrobe. Napatigil naman ako ng may hawak na silang magandang gown at pinapasuot saakin.
Wala naman akong kamalay-malay sa ginagawa nila. Tila ang buo kong katawan ay sumusunod sa pinanggagawa nila saakin. Sa pagsuot nang mga nagsisilawan na mga alahas na kumakapit sa sarili ko.
Nakatanaw ako sa isang malaking salamin sa harap ko. Napalunok naman ako sa sarili nang nakita ang kabuuang repleksyon sa salamin.
Nakasuot ako ng Victoria's gown na kulay sky blue. Parang mukha akong prinsesang kinakasal.
Inalalayan naman ako ng isa sa mga babae na lumabas sa loob ng kuwarto.
Kahit nagtataka ay sumunod ako umapak ako sa mga mamahaling hagda pababa.Inaangat ko naman ang tingin ko sa ibaba. Napatigil naman ako nang nakita ang lalaking iyon na nakatanaw saakin. Napalunok naman ako at kahit parang napapako ang paa ko sa hagdan ay hindi ako tumigil na maglakad papunta sakaniya.
Napakagat labi naman ako nang marealize ang suot niya. Nakasuot siya ng business attire. Bakit 'yan ang suot niya? Hindi pa ayos ang neck tie. Pero kahit gano'n ngayon ko lang natanaw ang tinataglay niyang kaguwapohan.
Nang makarating sa dulo ng hagdan ay siyang minamalas nga naman. Napatid ang isa sa paa ko. Dahil narin sa makintab na hagdan at wala pa akong suot na sapatos sa paa.
Napapikit naman ako sa hiya nang bumagsak ako sa matigas na dibdib.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nanglaki naman nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
Shiyt!
Kaagad ko naman siyang itinulak. Umayos ako nang tayo at pinangtitigan siya.
“A-ano 'to?” Napapailing at napapahiyang sabi ko. Turo ko sa damit kong suot.
Umayos ito nang tayo at tiningnan ako ng masinsinan. Ngumisi lang ito at naglahad nang kamay saakin.
“Are you okay?” Nag-aalalang tanong nito saakin.
Tiningnan ko naman ang kamay niyang iyon. At bumalik sa mukha niya para namang itong umaawang sinasabing tanggapin ang kamay niyang iyon.
Nag-alangang tinanggap ko naman ang kamay niyang iyon. Hanggang sa makarating kami sa gitna.
Binitawan ko naman ang paghawak ko sakaniya.
“Bakit mo ba ako pinagsuot nag ganto?Ibalik mo nalang yung pares ng takong na 'yon para makauwi na ako” Sunod-sunod na sabi ko pa dito.
Napatigil naman ako sa sasabihin nang umaangat ang sulok ng labi nito at inilagay ang hintuturo sa bibig ko.
“Shhh... don't worry” Sabi pa nito saakin at hinawakan ang sulok ng labi ko. Napalunok naman ako at umiling.
Vote + Comment
...
YOU ARE READING
Thank You, Mr. John
RomanceAiah Lyrico will bring to life the dark world of John Vonyerd. When she helps John, that's where her good relationship with him begins. Will she be thankful to him? If she finds out John mischief.