Chapter 1

2.7K 203 32
                                    

IVORY DAWN FONTANILLA

"I want an annulment."

My lips trembled as soon as I uttered that to my husband. Pero pinilit kong tatagan ang loob ko dahil ang tagal ko na ring pinaghandaan na masabi 'to sa kanya.

Napahinto naman agad siya sa pag-kain sabay tinitigan ako. Para akong natuyuan ng lalamunan dahil sa talas ng mga mata niya. His face was scary as a demon.

"Really, Ivory? Ngayon mo pa talaga naisip mag-drama ng ganito. We are at my Mom's birthday dinner, for Christ's sake. Hindi ka nahiya?"

"Alam ko kasing ngayon ko lang 'to masasabi sa 'yo nang hindi ka magwawala at magbabasag ng mga gamit. I want an annulment, Magnus."

Padabog niyang binagsak ang mga kubyertos niya sa mesa.

I immediately flinched and froze in my seat.

Tumingin pa muna siya sa ibang mga bisita rito sa garden bago nilapit sa 'kin ang galit niyang mukha. His jaw and fists were clenched. "Gusto mo nang makipaghiwalay? Hindi mo kakayin nang wala ako. You're just a naive little lamb who doesn't know anything. You don't know how to cook nor clean the house. You can't even take care of me."

"That's not true. Pinagsisilbihan kita kahit alam natin parehas na hindi ako lumaking gano'n. But this is not the kind of marriage I want. I'm going back to my family."

Bigla siyang natawa nang mayabang. Bumalik pa siya sa pag-kain na para bang hindi na siya apektado sa sinabi ko.

"Hindi ka na tatanggapin ng pamilya mo," sabi niya. "They've disowned you because you chose me over them, remember?"

Nanginig ang mga kamay ko dahil pinamukha niya na naman sa 'kin ang bagay na 'yon. "Susubukan ko pa rin. I am still their daughter. Hindi nila ako matitiis."

"Oh come on, Ivory. Itigil mo na nga 'tong kahibangan mo. Anong drama na naman ba ang pinanood mo at nagkakaganyan ka? Para namang hirap na hirap ka na talaga sa 'kin."

"Hirap na hirap na talaga. Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang sabihin sa 'yo na nasasakal na ako. You were so strict that you were watching my every move. I wasn't even allowed to have friends or talk to anyone."

"Ano bang pinagsasabi mo? 'Di ba pinayagan nga kitang magpakita rito sa party?

"Oo nga, pero para lang pabanguhin ang 'perfect husband' image mo. I don't want to be here. These people aren't even my friends. Kung kailan ayaw kong lumabas ng bahay, tsaka mo ako pinilit. Ikaw na naman ang nasunod. Pati itong suot ko, ikaw pa ang pumili. I could no longer dress the way I want."

"Bakit, ano bang gusto mong suot? Those stupid revealing dresses? Para ano, para pagnasaan ka ng mga lalaki rito? Kating-kati ka ba?"

My shoulders slumped in disbelief. "Bakit ba ang dumi mo palagi mag-isip?"

"Hindi 'yon marumi. Kung naririnig mo lang ang sarili mo ngayon, ang babaw niyang mga dahilan mo. I am just protecting you."

"You are not protecting me, Magnus. You're controlling me."

"I have every right to do that because I am your husband."

"No! You don't own me."

"I do. Like I said, I am your husband. Walang annulment na mangyayari, naiintindihan mo? Now shut your mouth up before someone hears us."

Hindi ko na napigilan ang inis ko! I gripped my table napkin so hard my knuckles turned white. Hindi talaga siya titiklop, eh. Kahit isa-isahin ko pa lahat ng mga pangit na ugali niya, iisipin niya pa rin na wala sa kanya ang mali. He's a freak!

Initsa ko na lang ang table napkin sa mesa at tumayo. Iniwanan ko siya sa garden kung saan ginaganap ang birthday dinner at pumasok sa loob ng bahay.

Dumiretso ako sa kwarto namin at padabog na sinara ang pinto.

Gusto kong magwala! Sinuntok-suntok ko na lang ang isa kong palad hanggang sa mamanhid ako. Hurting myself is my only way to let out my rage because I know I can never win an argument with that monster.

Sising-sisi talaga ako na pinakasalan ko ang lalaking 'yon. I gave up everything for him! Pinagpalit ko lahat—my family, my friends, my freedom, pero wala siyang ibang binigay sa 'kin kung 'di trauma. Naiiyak na lang ako sa galit!

Pumasok ako sa C.R para sana maghilamos ng mukha dahil nanginginig na naman ako. Pero ilang saglit lang, narinig ko na ang mga yabag ng paa ni Magnus paakyat ng hagdan.

Binuksan niya ang pinto sabay sugod sa 'kin sa C.R at hinigit ang isa kong braso. "Who said you can walk out from me like that?" Nag-iiba na naman ang itsura niya dahil sa galit.

Umiwas na lang ako ng tingin at hindi umimik kasi sabi ko nga, hindi naman ako mananalo.

But then he gripped my arm tighter. "Ano, naputol ba ang dila mo kaya hindi ka makasagot? I'm asking you! Saan ka kumuha ng tapang para gumawa ng gano'ng eksena, ha?"

Pinanlisikan ko siya ng tingin. "Bakit, napahiya ba kita sa labas? Nasira ko ba ang 'perfect husband' image mo sa mga bisita niyo?"

Bigla niya akong tinulak! Tumama ang likod ko rito sa sink at halos umikot ang paningin ko. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya 'yon sa 'kin.

I looked up at him with my eyes widened and my lips trembling. "Y-you pushed me?"

"Bastos ka kasing sumagot! You are a spoiled brat, Ivory. Hindi lang pinagbigyan ang gusto mo, nagkaka-ganyan ka na."

"Hindi pinagbigyan ang gusto? Anong akala mo sa hinihiling kong annulment, designer bag na hindi ko mabili? You really don't understand, do you?"

Hinigit niya ulit ako sa braso at nilapit ang mukha niya sa 'kin. "Tumigil ka na, ah? You're getting on my nerves! Gusto mong nagwo-walk out nang ganito? Sige! Panindigan mo 'tong ginawa mo sa 'kin."

Bigla niyang sinara ang pinto nitong banyo at narinig ko na lang na kinakandado niya ito mula sa labas.

Nataranta ako! I immediately tried to pull the door open, but it was already locked. No, no, this can't be happening again! Pakiramdam ko nanikip agad ang dibdib ko at hindi ako makahinga. He did it to me again!

Pinaghahampas ko agad 'tong pinto at nagsisisigaw ako. "Magnus! Open this door! YOU'RE SICK! YOU'RE REALLY SICK!"

TO BE CONTINUED

Thank you so much for reading this chapter! Your support, votes, and comments fuel my writing like nothing else, so please keep them coming. 🖤

This Isn't LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon