Chapter 5 : Why are you late?

347 16 0
                                    

Kasalukuyan akong nagwawalis dahil cleaners ako. Bakit ba kasi letter C ang first letter ng apelyido ko, martes tuloy ako cleaners. Nakakainis, pero lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na think positive-kaya eto, ginagaslight ko ang sarili ko na at least hindi ako monday cleaners.

"Hazariel." Pagtawag sa'kin ni miss Rue, ang english teacher ko at adviser ko. "Pwede mo ba akong hiraman ng test paper sa grade 8 english teacher mo dati? Sabihin mo ay kailangan ko ng lima, alam naman na n'ya kung saan ko gagamitin. Thanks."

Tumango naman ako. "Okay po, miss. Idederetso ko na po ba sa table n'yo?"

"Sige, paki-deretso na sa table ko. Thank you. Dalhin mo na rin ang bag mo at malapit na rin naman kayo matapos maglinis."

Binitawan ko ang walis at isinuot ang bag ko. Wala lang akong expression sa mukha ko, pero sobrang saya ko naman dahil hindi na ako maglilinis.

Naglalakad ako ngayon pababa ng hagdan at may ilang estudyanteng bumabati sa'kin. Nang makababa ako ay ramdam kong may nakatingin sa'kin, kaya naman umangat ang tingin ko at nakita ko si miss Fierra na nagmamasid sa mga estudyanteng naglalakad palabas ng school.

Ang ganda n'ya talaga. Iba ang dating n'ya sa uniform, parehas sila ni miss Ingrid, pero iba talaga 'to si miss Fierra. Medyo fit kasi kay miss Fierra yung uniform n'ya kaya kitang-kita mo yung shape ng katawan n'ya.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin na rin s'ya sakin. Agad akong umiwas at patuloy na naglakad. Pagdating ko sa table ng english teacher ko no'ng grade 8 ay may mga kausap pa s'yang mga estudyante, kaya saglit pa akong naghintay bago tuluyang makahiram.

Wala naman akong naging problema no'ng nanghiram ako dahil maayos ko namang kinausap ang dati kong teacher, kaya mabilis n'ya rin ibinigay sa'kin ang hinihiram ni miss Rue.

Pagdating ko sa pinto ng room ay bumungad sa'kin si miss Fierra na nagla-laptop at mukhang focus na focus dahil nakakunot pa ang noo nito. Nakita naman ako ni miss Rue kaya agad n'ya akong tinawag.

"Miss, eto na po. Lima po 'yan kasi po sabi n'yo po eh."

Natawa naman si miss Rue sa'kin. "Sigurado ka bang lima 'to?"

"Opo, miss. Paulit-ulit ko po 'yan binilang habang naglalakad ako papunta dito."

"Kapag binilang ko 'to ngayon at apat lang, minus 10 ka sa activity ah?" Sabi n'ya naman na ikinabigla ko.

"Hala miss, edi 0 na po ako no'n? 10 items lang po 'yon 'di ba?"

"Oo, kaya dapat lima 'to kapag binilang ko. Sabi mo kasi sure kang lima 'to eh." Sabi n'ya naman sa'kin.

Guys, hindi ko alam kung nagbibiro ba s'ya o hindi. Shuta bahala na kung mazero ako.

Binilang n'ya na ang test paper at ako ay kinakabahan na. Aba, kung totoo man 'to wala talaga akong score kahit nakaperfect ako do'n sa activity na 'yon.

Seryoso lang akong nakatingin sa kan'ya nang bigla s'yang huminga ng malalim. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

"M-miss.."

"Very good, kumpleto naman." Nakangiting sabi nito at nakahinga ako ng maluwag.

Natawa naman sila ni miss Fierra sa reaksyon ko dahil kabadong-kabado talaga ako habang nagbibilang si miss Rue ng test paper kanina.

"Masyado mo kasing pinapakaba, Red. Akala tuloy ng bata kulang ang dinala n'ya sa'yo." Tumatawang sabi ni miss Fierra kay miss Rue.

Red? Red ang tawag ni miss Fierra kay miss Rue? I need to know kung bakit-nacucurious ako eh. Chikahin ko nga sila next time, kating-kati na'ko umuwi eh.

My Favorite 30Where stories live. Discover now