Chapter 16 : Letter

375 14 4
                                    

The Christmas party is about to start, and I feel like I will be really busy today. Kailangan ko kasi tumulong sa pag-aassist mamaya kaya feeling ko ay bagsak ako pag-uwi ko.

Ang pinakauna naming ginawa ay syempre nagpray, pagkatapos ay sinunod na agad ni Lara ang mga performers-hindi ako kasali do'n syempre.

"Ladies and Gentlemen, please give a round of applause to.. Ivana and Lara!" Pag-iintroduce ni Vera sa dalawa.

Todo cheer naman kaming magtotropa nang magsayaw si Ivana at Lara. Grabe talaga sa sayawan 'tong si Lara, alam mong dancer talaga dahil sa mga galawan. Hindi rin naman syempre nagpakabog si Ivana, palong-palo rin eh.

"Hoy kumalma ka d'yan, baka mapaos ka-kakanta ka pa naman mamaya." Saway ni Vera sa'kin.

Napakamot naman ako ng batok at bahagya s'yang nginitian. "Oo nga pala, sorry sorry."

After ng performers ay nagpagames na. Hindi naman ako mahilig sumali sa mga games na 'yan, kaya ang ginawa ko ay tumulong na lang kay Lara.

May isang game na sinalihan si Ivana at Vera, paper dance yata ang tawag do'n. Nanalo naman sila, foretunately. Maraming kinilig, grabe kasi sila kanina ni Vera-halos maghalikan na sa sobrang lapit ng mukha nila. Buti na lang malakas si Vera at nakayanang buhatin si Ivana no'ng maliit na lang ang tupi ng papel.

"Riel, last three games na lang daw kaya kumain ka na." Sabi ni Vera sa'kin.

Kumuha ako ng pagkain at lumabas, ang alam ko kasi ay nasa labas si Miss Rue.

"Wow naman, ang ganda ng dress." Nakangiting sabi sa'kin ni Miss Rue. "Ang ganda, bagay sa'yo."

Nginitian ko naman s'ya. "Thank you po, Miss. Kayo rin po, slaying sa outfit n'yo."

Bahagya naman s'yang natawa. "Thanks. Ang aga mo naman kumain?"

"Magpeperform po kasi ako habang nakain sila mamaya, lakas nga po makacafé or resto vibes eh."

Miss Rue chuckled. "Alam mo, naggagala ngayon si Miss Fierra mo, wala kasing advisory class 'yon eh 'di ba? Buti na lang at sinabi mo na kakanta ka, I know what to tell her later."

My jaw dropped. Damn, oo nga pala walang advisory class si Miss Fierra. "Miss, papuntahin n'yo na po si Miss Fierra ngayon, wag lang po mamaya-nakakahiya po kaya."

"Sorry, Hazariel, but my plan is fixed." She said while smirking.

Damn, Miss Rue.

After ko kumain ay saktong malapit na matapos ang last game. Pagkainom ko ng tubig ay hinanda ko na ang sarili ko.

"Riel, ready ka na?" Tanong ni Lara sa'kin at tumango naman ako sa kan'ya.

Sinaksak ko ang cord ng gitara ko sa amplifier at tinry mag-strum. Chineck ko na rin ang mic para mamaya ay wala nang maging problema.

"Hello, habang nakain kayo ay kakantahan ko kayo kasi why not, 'di ba?" Sabi ko naman na ikinatawa nila.

I started plucking the strings gently with the chords of my first song. "My first song is for.. someone I really like. Huy!" Natawa naman sila sa 'huy' ko sa huli.

"Alam ba n'ya?" Tanong ng mga kaklase ko.

Umiling naman ako. "Hindi, hindi ko rin naman ipapa-alam sa kan'ya."

"Bakit?" Tanong nila.

"Mga chismoso at chismosa kasi kayo eh." Pabirong sagot ko sa kanila na ikinatawa nila. "Joke lang. My first song is Sila by SUD."

Chineer nila ako, at ako naman ay tumahimik saglit para umpisahan na ang pagkanta.

Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman

My Favorite 30Where stories live. Discover now