Chapter 10 : Smoking Hot in Fever

379 16 2
                                    

Hawak-hawak ko ngayon sa braso si miss Fierra dahil kahit naglalakad 'to ngayon ay alam kong nanghihina s'ya. Bakit ba 'to nagkalagnat?

"Kaya n'yo pa po ba miss? Malapit na po tayo sa sakayan ng jeep." Tanong ko rito at tinignan ito ng maigi.

"Yes, kaya pa."

Napagdesisyunan kong samahan na 'to umuwi sa kanila kahit abutin pa ako ng gabi kasi wala rin namang paki-alam ang mga magulang ko kung late o maaga ako umuuwi dahil kaya ko naman na daw ang sarili ko. Sige sabi n'yo eh.

Pagdating namin sa sakayan ng jeep ay inalalayan ko s'yang umakyat. Nagtaka naman s'ya nang umupo rin ako sa tabi n'ya.

"Why are you here? Hindi ka dito sasakay, right?"

"I know po, pero I couldn't let you commute nang mag-isa kasi po may sakit ka." Sagot ko naman.

"You don't have to do this, I can still manage myself."

Kahit pa sabihin n'ya 'yan ay hindi ako aalis ng jeep. Maraming pwedeng mangyari kapag iniwan ko s'ya. She's sick and I know she feels weak right now, hindi ko kayang iwan s'ya nang gano'n lang.

Hindi ko s'ya inimik at nagbayad na para sa'ming dalawa. Wala naman s'yang nagawa kundi hayaan ako dahil hindi rin naman s'ya makakapalag.

"We're here." Sabi n'ya kaya pumara na ako. Inalalayan ko ulit s'yang bumaba at eto na kami, naglalakad na papuntang bahay n'ya. "Malapit na po ba tayo, miss?"

Tumango naman s'ya at napahinto ako nang huminto s'ya sa isang simple pero magandang bahay. Ang ganda ng bahay ni miss grabe.

"Miss, bago ka po pumasok eto po biscuit at gamot. Inumin n'yo po 'yan ah?" Ibinigay ko sa kan'ya ang gamot at biscuit na binili ko kanina.

Kahit alam kong may sakit s'ya, hindi ko basta basta papasok sa bahay n'ya-unless may permission ako.

Aalis na sana ako pero bigla akong hinawakan ni miss Fierra sa braso para pigilan ako. Hinarap ko s'ya at nakita ako ang mapupungay n'yang mga mata na nakatingin sa akin.

"Don't leave.." Mahina n'yang wika. "Stay with me tonight, it's too dangerous for you to go home."

Bumilis naman ang tibok ng puso habang nakatingin sa kamay n'yang nakahawak sa braso ko.

"If you're worried about your parents, I can talk to them." Dagdag pa n'ya.

My parents doesn't care about me anymore. They told me that I can go wherever I want, I can do whatever I want, and it just makes me sad to know that I only have my sister beside me. I am the unwanted child.

"Alright miss, I'll stay with you tonight."

She gave me a weak smile and we entered her house. Her house is very simple, like pang kan'ya lang talaga kasi medyo maliit lang s'ya and I think 5 persons lang ang pwedeng pumunta dito.

"Should I give you a tour first?" Tanong n'ya sa'kin na ikinangiti ko.

"No need na po, miss. You have to rest." Sabi ko naman sa kan'ya. "Can I use your kitchen po?"

"Sure, just don't burn them." Sagot n'ya naman na ikinatawa naming dalawa.

I am planning to cook a soup for her, bagay sa kan'ya 'yon kasi may sakit s'ya eh. Hindi na nga ako nagisip kung anong soup ang lulutuin ko because I only have one in my mind-the egg soup.

Binuksan ko ang ref n'ya at kumuha ng dalawang itlog. Buti na lang may label 'tong mga kinemerut n'ya dito sa kusina, mas madaling mahanap. Kinuha ko na ang mga ingredients na kailangan ko at nagsimula nang magluto.

My Favorite 30Where stories live. Discover now