Chapter 1

169 11 0
                                    

A/N: enjoy reading!

Nakaupo ako sa pinakasulok ng lumang room na hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante dahil para sakanila creepy at nakakatakot ang room na 'to, but for me, it was my escape.

The abandoned room was neat and not so clean. However, this place was majestic. Sa nakaawang na bintana ay tagos ang liwanag galing sa labas.

I found peace in this place.

Napaka-ingay, sobrang ingay. Andaming boses sa utak ko na gusto kong patigilin. Naka-upo at hawak ko ang ulo ko habang umiiyak. Kahit anong hampas at sabunot ko ay hindi nawawala ang ingay.

"Ayoko na, ayoko na, tama na.." I cried.

Patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. I don't know what to do.

Gumuho nanaman ako, sobrang hina ko nanaman, natitrigggered ako sa mga nangyayari. I couldn't stop myself. Nakayuko lang ako sa pinakasulok malapit sa tumpok ng mga silya.

Habang naka-upo ako ay may naramdaman akong dalawang kamay sa magkabila kong tenga. Dumampi sa kamay ko ang palad ng taong nasa harap ko ngayon.

Someone covered my ears to prevent hearing something. Medyo mataas ang taong nasa harap ko ngayon.

She smelled like vanilla. "Shh, calm down, Yuryne.." masuyong sabi nito at hinawakan ang magulo kong buhok at inayos ito.

My heart couldn't race faster dahil ang tibok ng puso ko ay biglang naglalaho at nagiging kalmado. Ang paghinga ko ay marahang kumakalma kapag malapit siya.

Inalis niya ang dalawang palad na nakapatong sa dalawa kong kamay na nasa tenga dahil niyakap niya ako habang nakaupo kaming dalawa. Nagawa ko pa na maging kumportable sa posisyon namin dahil sa yakap niya.

"Hurting yourself is like hurting me." She calmly said.

Pinigilan kong umiyak dahil ayoko na magmukhang lugmok.

"Ayaw ng lahat sa'kin, ayoko rin sa sarili ko kaya you shouldn't waste your time comforting a person like me. It's no use." I coldly uttered.

"Wife, listen to me..." Dahan-dahan niyang inangat ang baba ko gamit ang isa niyang daliri. She genuinely smiled at me.

"Sobrang ganda mo pa rin kahit umiyak ka," sabi nito sa kawalan habang nakatitig sa'kin ang kulay brown nitong mata. Her eyes were dark brown with black lining around and it shines eternally.

Kada tumitingin ako sa mata niya, ang tanging nasa isip ko lang ay fierce and cold aura but today was strange.

"You should stop, Kival. I'm not your wife, you're delusional." Sabi ko at tumayo.

Inayos ko ang uniform ko dahil nalukot pero hahawakan ko na sana ang necktie ng uniform ko nang bigla niya 'yon hablutin.

"You are my wife, Yuryne Satana Narvaez-Yves. Ipagtabuyan mo ako, sige lang. Magalit ka sa'kin, sige lang din. Mairita ka sa'kin, go on, baby. Pero huwag na huwag mong itanggi na sa'kin ka." She was damn serious for saying those words.

"I'm not your wife anymore, kaya stop saying and stop bragging that you owned me kasi hindi na." Tinapatan ko ang titig niya.

"You still love me." Mas nataas siya sa'kin dahilan kung bakit kailangan ko pang tumingala nang bahagya para makita siya.

"..and you never love me." Ganti ko.

I was married to her at the age of eighteen. I am a first-year college, a freshman, and a student back then. There's nothing special and romantic in our love story. It was just plain and simple.

"I always love you." Sabi nito

"I'm just your mistake, Kival. This relationship was nothing and not special at all." My heart couldn't feel anything. I'm numb for a moment.

"Stop saying that you're my mistake because I already swear my life to God that you'll be my partner in this lifetime." Seryoso siya sa pagkakabigkas ng salita.

"Let's go back to your room, mag-uumpisa na ang klase mo." Hinawakan niya ako sa pulsuhan at nadala niya nanaman ako.

"I'm not a first year student anymore, I don't need your guidance for god-damned's sake. Leave me alone." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa'kin at iniwan siya.

Bigla niya nalang akong niyakap mula sa likod. Ito nanaman ang puso, lagi nalang bumibilis ang pagtibok kapag ginagawa niya 'yan.

"You're still my baby, my home, and my wife..." Malambing nitong sabi at ang hininga nito ay sobrang lapit na sa leeg ko. She hugged me tight na para bang bawal kumawala mula sakaniya.

"I am your wife yet you prioritize others before me. Asawa mo ako pero nagawa mo akong sigawan. Is that how you treat your home, Kival?" Nagsimula nanaman manumbalik sa'kin ang nangyari kanina. She scolded me in front of the class.

"Hindi naman kasi tamang magalit ka nalang basta sa iba kahit wala silang ginagawa, that's not appropriate. Tsaka I am your professor, you shouldn't curse me, wife." Hinarap niya ako sakaniya dahilan para makita ko siya nang nas maayos. Hawak niya pa rin ang bewang ko at nakalapit ako sakaniya.

"Magalit basta? Wala naman talaga silang ginawa dahil hindi nila ako tinulungan, wala silang ambag kaya anong gagawin nila? Nakakagalit naman talaga yung gano'n. Nagpakahirap ako sa lahat habang sila puro pasaya tapos nagawa mo pa akong pagalitan." Frustration and stress eat my mind again. I'm always like this when it comes to academics.

"Should I fail them, then? Give them low grades, or expel those students? What do you want me to do, tell me and I'll fucking do it for you." Seryoso nitong sabi habang hawak ang mukha ko gamit ang magkabila nilang kamay.

"I just want them to learn their lesson dahil pare-parehas lang naman kaming estudyante rito, and you..” turo ko sakaniya. She smirked at me and raised her brows.

"Be fair or you're gonna be single again." Inirapan ko siya at iniwan sa kinatatayuan namin kanina.

"Stop being cute, baka i-uwi na kita sa bahay natin kahit hindi mo pa uwian." Sumunod ito sa'kin at sinabi ang mga salitang 'yon.

Pabalik na kami sa room kung saan ang mga klase namin. We suddenly bumped into someone.

"Hala, it's you, Kival Yves?" She was mestiza, tall, has a beauty standard, and looked elegant.

"Oh.. yes Ms.? Do I know you?" Nagtatakang tanong ni Kival at ngumiti nang bahagya.

Para akong hangin na nasa gilid lang habang hinihintay silang matapos.

"We were colleagues before, parang makakatrabaho nanaman kita. I hope to see you soon!" She gave Kival a beso bago magpaalam.

Kival looked at me and gave me an apologetic look.

Wala naman nakakaselos dahil hindi ako selosa.

Heartless Beat (GL: Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon