Cemetery
" I'll wait here" nanatili sa kotse si Mr. Blue ibinigay niya kay Orange ang kandila at bulaklak.
" Hindi ka ba sasama?"
" Mas mabuting makausap mo siya mag isa. Hihintayin nalang kita dito"
Tumango naman ito saka lumabas ng sasakyan. Tinahak niya ang daan papasok hanggang sa makarating siya sa mismong puntod. Ibinaba niya ang mga bitbit at sinimulan alisin ang mga dahon ng punong kahoy sa puntod ng Ama.
Sunod niyang isindihan ang kandila bago inilagay ang bulaklak. Nag alay siya ng dasal, umihip ang malakas na hangin na tumama sa mukha niya. Dahil sa pangulila tuluyan siyang napaiyak yakap yakap ang puntod.
" I miss you Dad. Pagbubutihin ko ang pag aaral para maging proud kayo sa akin. Tutuparin ko ang pangarap natin dati. Huwag kayong mag alala sa akin inaalagaan ako ng maayos ni Mr. Blue" napangiti ito ng malungkot habang binibigkas ang mga sinasabi niya.
Halos isang taon na ang nakalipas mula ng namatay ito. He receive so much love and attention kaya hindi siya masyado nalulungkot pero iba parin ang pakiramdam na makasama ang tunay na magulang.
" Here" nagulat siya at napalingon
Nakatayo na si Mr. Blue sa likuran niya. Inabot nito sa kanya ang isang panyo.
Kinuha niya naman ito at tuluyang napahagulhol sa pag iyak.
" Tahan na, sobrang pangit mo pag umiiyak ka" saad nito kaya agad siyang napatigil sa pag iyak.
" Sir, don't tease me"
Umupo si Mr. Blue sa kanyang tabi at nagsindi rin ng kandila. Pumikit ito at halatang nagdadasal, natahimik si Orange at pinagmasdan lang siya hanggang sa matapos ito.
" Ano po ang sinabi mo sa kanya?"
" Gusto mo bang malaman?" Tumango tango naman siya.
" Gusto ko sanang sabihin pero it's a secret between us. Hmm... maybe I will give a hint"
He listen attentively.
" It's kind of promise" saad ni Mr. Blue kumunot ang noo niya.
" I see, well I won't ask then"
" Nagtatampo ka na naman"
" Hindi ako nagtatampo, I'm sorry for being childish everytime were together"
Tumawa lang ito bago tumingala sa langit.
" Sir, palagi niyo bang dinadalaw ang asawa ninyo?"
" Dati pero ngayon minsan na lang" he said while smilling.
" Bakit kayo nakangiti?"
" Everytime I look up in the sky. Bumabalik sa alaala ko ang mga matatamis niyang ngiti. Tuwing nagrereklamo ako she always be there to listen attentively. Kapag nagkukuwento ako nakangiti lang siya, minsan kapag dinadalaw ko siya, palagi akong naglalabas ng hinanaing. I'm sure nakikinig parin siya sa akin"
Natahimik si Orange at hindi niya naman mapigilan makaramdam ng kunting inggit. Parang sasabog ang puso niya na nakatingin sa mukha nito. Even his eyes is smilling habang sinasabi yun.
" Mukhang mahal na mahal niyo ang isat isa" mahina niyang sabi.
" Ganoon na nga. I marry her because I love her"
He sighed, humiga siya sa puntod at tumingala rin sa langit.
Fast forward
" Ven alam mo ba kung na saan si Sir?" Tanong nito ng dumating sa mansion.
Kanina pa niya hinahanap si Mr. Blue pero wala ito sa bahay.
" He went to a reunion party. Sinabi rin niya na gagabihin siya sa pag uwi kaya mauna ka ng matulog"
Matapos niyang marinig yun. Ginawa niya nalang lahat ng assignments niya, nag paint rin siya para libangin ang sarili.
7:00 pm ng gabi tinawag siya ng kasambahay para kumain pero tumanggi ito. Gusto niyang hintayin ang pagdating ni Mr. Blue.
8:00 pm, nasa sala siya naghihintay. Hanggang sa lumipas ang dalawang oras. Kanina pa siya hindi mapakali dahil sa kaba at pag alala.
" Young Master Orange matulog na kayo. Binilin ni Master Blue na kailangan niyong matulog ng maaga"
" Matutulog ako pagkatapos nito" saad niya sabay turo sa pinapanood na movie.
" Oh siya huwag mong kalimutan ang sinabi ko"
" Matutulog ako ng maaga"
Umupo si Ven sa tabi niya at nanood rin ng pinapanood niya. Nang matapos yun agad siyang umakyat sa taas.
Hindi siya muna pumasok sa kwarto. Ven went to his room pagkatapos niyang umakyat. He locate Mr. Blue using the GPS on his phone. Nang makita kung saan ito ngayon agad siyang umalis ng bahay ng palihim.
Sumakay siya ng taxi para puntahan ang hotel kung saan nagaganap ang reunion. Nang sinubukan niyang pumasok hindi siya pinapasok ng guard sa loob kaya wala siyang nagawa kung di maghintay sa labas.
Sinubukan niyang tawagan si Mr. Blue pero hindi ito sumasagot.
1:00 PM habang malamig sa labas he patiently wait until nakita niya si Mr. Blue na naglalakad palabas. Hindi maayos ang paghakbang nito, unang tingin palang alam niyang lasing ito.
Napansin niya rin ang pamilyar na babae kasama sa paglalakad ni Mr. Blue sa hallway ng hotel. Binuksan ng guard ang pinto.
" Sir" tawag niya. Nagulat ang babae ng makita siya sa labas.
" Oh! Kid you should be on bed on this time"
Hindi niya pinansin ang sinabi ng babae. Agad nitong hinila ang kamay ni Mr. Blue papalapit sa kanya.
" Ako na ang bahala sa kanya" saad niya na may paggalang.
" I'm regine, as I remember I haven't introduce myself yet"
" Nice to see you again Ma'am. Have a good night mag iingat kayo"
Inalalayan niya si Mr. Blue sa paglalakad.
" Sir naririnig mo ba ako?"
" Hmmm... Orange...ihik...ikaw ...ba yan?"
" Yes Sir, saan niyo pinark ang kotse niyo?"
Itinuro nito ang saktong spot kung saan nakaparada ang sasakyan. Nang makalapit sila binuksan ni Orange ang sasakyan at nauna siyang pinapasok sa loob.
He open the drive seat saka pumasok. Nilagyan niya muna ng seatbelt si Mr. Blue.
" Sir ayos lang ba kayo?"
Tumingala ito sa kanya. Tinitigan siya ni Mr. Blue sa mukha na hindi kumukurap. Bigla siyang napalunok, ngumiti saka siya hinawakan sa mukha.
" Hug me" saad niya
Kahit nag aalangan ginawa niya. Pumalakpak ito ng dalawang beses at parang bata na tuwang tuwa.
" Kiss me" dagdag pa nito na nakaturo sa labi niya.
" Sir I can't ...do that" saad niya sabay umiwas ng tingin.
" Why you don't like me?" Bigla itong napaiyak kaya nataranta siya.
" I love you" nakayuko niyang sabi.
Ilang sandali pa naramdaman na niya ang mainit at malambot na labi ni Mr. Blue na nakalapat sa labi niya.
Gusto niya itong itulak ngunit nangingibabaw ang pagsabik na kanyang nararamdaman.
YOU ARE READING
My Sky (Book 3)
Romance" Even if I can't hold you in my arms. Hindi parin ako susuko. Mananatiling totoo ang nararamdaman ko sayo kahit ano man ang mangyari. I wish I could love you without any boundary, without any rules. Lets continue our story beyond our blue sky" ...