Basement Door

5 0 0
                                    

FANSTASY/ROMANCE

WARNING: MEDYO BITIN HAHA

[ These one-shots are rushed dahil mabilis ako magka-authors block. Feel free to scroll if it does not match your taste. ]



"Kirsten!" Sa panahong sambitin ni Lola ang pangalan ko, agad akong iirap. Paniguradong utos na namin kasi ito. 

"Yes po?" Magalang kong sagot kahit na umiirap.

"Bumaba ka nga ro'n sa basement! Kunin mo 'yung lumang cookbook do'n!" utos pa ng matanda.

"Ok po!" plastik ko namang balik sa kanya.

Gosh! Basement na naman? Napakabaho kaya! Pero sino ba naman ako para suwayin ang utos niya.

Padabog akong bumaba at doon ko nakita ang mga nakatambak na gamit. Samutsari ang mga ito. Iba-iba ang porma, iba-iba ang kulay, at parang mula sa iba-ibang panahon.

Hindi ko naman first time dito pero no'ng una kong punta dito, nagtatakbo ako sa bilis dahil sa masangsang na amoy. Medyo madilim ang paligid kaya't kinakailangan kong ilabas ang cellphone ko na siyang magsisilbing flashlight.

"Cookbook? Shutabels!" Naiinis kong bulong sa sarili. Ni hindi man lang kasi ako nagtanong kung saang sulok.

Alangan namang bumalik ako sa taas eh, malamang tatalak na naman 'yon. Puro bibig ko daw ang ginagamit at hindi kamay. Sasabihan niya na naman akong tanga dahil hindi ko mahanap. Kainis!

Minamalas nga naman! Mas nahanap ko pa talaga ang mga bagay na hindi importante. Iba-iba pa tuloy ang nahanap ko—lumang projector, lumang kutsilyo, mga garapon na may tubig at lumot, iba-ibang mga bote na may mga langis at tubig sa loob.

Higit na nagnakaw sa atensiyon ko ay ang isang maliit na box. Kung titingnan sa labas nito, mukha itong luma. Nang buksan ko naman ito, isang susi ang bumungad sa mukha ko. Medyo nakakasilaw ito dahil mukhang bago sa kintab. Luma ang labas pero parang bago ang loob?

Masyado akong nagka-interes sa susi kaya napa-indian seat ako at hindi na binahala ang amoy. Hinawakan ko ang susi. Kakaiba ang disenyo nito. 'Yung tipo ng susi na makikita mo fantasy movies. Hindi ko rin maintindihan. Dati rin kasing mangkukulam ang lola kaya't kung ano-anong apparatus ang nakalagay dito sa basement.

"Jackie! Nahanap mo ba?" Nanlaki ang mga mata ko. Nakakatakot kasi siya kapag nagagalit.

"H-Hindi pa po!" Sagot ko kahit na hindi naman talaga naghahanap.

"Sige na nga, self! Hanapin mo na nga," utos ko sa sarili. Bumalik ako sa pagtayo.

Pumunta ako sa isang box na sa tingin ko ay naglalaman ng cookbook na tinutukoy ni Lola.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit dito, biglang may kung-anong umilaw sa likod ko. Sa lakas ng liwanag nito, nawala ang dilim sa paligid. Unti-unti akong lumingon dito at napatakip ako sa mata dahil sa silaw.

"Ano ba 'to?" Muli akong nakipag-usap sa sarili habang nagtatakip ng mata dahil sa silaw.

Nang maramdaman kong dahan-dahang humina ang liwanag, unti-unti akong tumingin sa pinto at lumapit dito. It's glowing blue! I look like a kid right now! Manghang-mangha ako sa door knob niya, bilog na bilog. Tanging sa baba lang ng door knob na 'to ang may butas, wala sa gitna.

Inilabas ko ang susing nakita ko kanina. Dito ko na napagtantong ang hulma ng susi ay sapat lang sa butas sa ilalim ng door knob.

Lumapit akong nakasagi ng isang box—parang pizza box lang na malaki. Nang mahulog ito, nakita ko ang isang lumang kadamitan—vest, tuxedo, long sleeve shirt, at isang bow tie.

Wanshat Chronicles Where stories live. Discover now