Year 2270
| Cerium Lunaville |
HeragonPaano nga ba masasabing ito na ang araw ng dystopia? Ito ba'y nakikita sa dami ng digmaan? Ito ba'y nasusukat sa dami ng namamatay? Ito ba'y batayan ng pagkatalo?
Ano na nga ba ang nangyayari sa mundo ngayon?
Isang siglo na ang nakakaraan nang nagsimula ang samutsaring palaisipan. Ayon sa mga kathang isip na storya sa mga pahayagan, ang dystopia ay magsisimula sa taong dalawang libo tatlong daan. Kung saan kaliwa't kanang tagutom, digmaan, at pandemya ang sabay-sabay na aatake sa mundo.
Iyon lang din naman ang naalala ko sa kwento ng Lola ko. Galing daw kuno ang mga iyon sa Lola niya sa tuhod, talampakan, ulo, balikat, paa, ngunit lahat ng iyon ay totoo.
Sana'y naniwala ako sa kanya.
Sapagkat ngayon na ang simula ng dystopia.
"Saan ang punta mo Cerium?" Napangiwi ako sa tumawag sa akin. Lumingon ako at sinamaan ng tingin ang lalaki. Lux, ang numero uno kong tagahanga. Hilig akong inisin at asarin.
"Hindi mo ba alam? Ngayon ipapakilala kung sino ang bagong leader natin." Inirapan ko ito. Parang hindi mamamayan ng Heragon.
"Ah, kaya pala nababaliw na naman iyong mga taga norte." Iiling-iling na sabi nito. Tamad niyang kinuha ang jacket niya at sumabay na sa akin.
"They're just excited. Malay mo siya ang maging dahilan ng pagbabago ng bansa natin."
Sabay kaming napalingon ni Lux sa lalaking sumabay sa aming paglalakad. LeoAres Breo. Kasama niya ang magkapatid na Neon at Octavio.
Ano naman kaya ang kailangan ng mga ito? Isa rin silang sakit sa ulo. Dumagdag pa ang kasama kong kaibigang si Lux.
"Wow! Wow, wow, LeoAres! Ibang klase, taas ng confidence abot hanggang impyerno" nanunuyang singhal ni Lux. Pumalakpak pa siya ng tatlong beses, nang-iinis. "Palibhasa may pera paano naman iyong wala? Ha? Leonardo Arenuso Breo? How to be rich?"
"Hindi kami mayaman." Kontra ng isa. Halatang naiinis na ito dahil sa pamumula ng leeg at mga tenga niya.
"Weh? Gaano ba kalaki ang nasasamsam ng ama mo mula sa kaban ng bayan?" Syempre, dakilang basagulero ang isang 'to kaya hindi 'yan titigil.
"Luxury Rob, amoy mayaman ka din naman. Sa pangalan pa nga lang tunog magnanakaw na, pero hindi kita kinukwestyon kung gaano kalaki ang ninanakaw ng Ina mo mula sa kaban ng bayan."
Napailing na lang ako sa mga pasaring nila. Nakakarindi na ang mga boses nila. Wala namang ambag pareho sa kinabukasan ng bansa.
Iniwan ko sila sa gitna ng town square na mukhang magsisimula na naman ng kaguluhan. Pareho lang naman sila.
Kung ang ama ni LeoAres ay presidente ng Pyramid tech na nagpapanatiling ligtas ang data base at mga personal information ng mga mamamayan ng Heragon. Ang Ina naman ni Lux ay ang bise presidente ng Pyramid government na namamalakad sa buong Heragon.
Kaya bakit sila mag-aaway kung pareho lang naman sila ng kinabubuhay? Ang kaibahan, naninirahan sa magarang bahay ang pamilya ni LeoAres samantalang nananatiling low class ang pamilya ni Lux.
BINABASA MO ANG
The Pyramid's Nightmare
Science Fiction"you must not let anyone define your limits because of where you come from. Your only limit is your soul."