3. Mr Vargas

0 0 0
                                    

| Justice |
south

01.

Natatawang inayos ko ang aking sarili habang nakaupo sa silyang nasa gitna ng malawak na silid kung saan ako naroroon.

Isang oras mahigit na akong naghihintay sa silid na ito. Hinihintay si Mr Vargas, ang CEO ng pharmaceutical company na target kong pabagsakin sa gabing ito.

Tumayo ako at nakangising sinalubong ang taong nagbukas ng malaking pinto sa aking harapan.

"Welcome, welcome, Mister Vargas." Masaya ngunit puno ng pagkamuhi kong salubong sa lalaking may katandaan na ngunit halang pa rin ang bituka.

"S-sino ka?" Utal na tanong nito. Nginisihan ko lamang ito. Akma niyang bubuksan ang nakasarang pino ngunit inunahan ko siya. Itinaas ko ang hawak na pana at gamit ang palaso ay isinara ko ang pinto kasabay nang pagkasira ng door knob nito.

"Sabi sa mga drama noon; I am the Pyramid's nightmare." Kumumpas ako sa hangin inaalala ang napanood kong palabas nitong nakaraan. "And I am, black sparrow at your service mi'lord."

"A-anong kailangan mo sa akin?" He dramatically asked. Tumaas lamang ang kilay ko. Takot na siya niyan?

"Mr. Vargas," malamig na bigkas ko sa galit na boses na nag-echo sa silid. Tinutukan ko siya ng baril. "Upo."

Mabilis ko siyang pinaputukan sa paa nang hindi siya gumalaw. Tumalim pa lalo ang aking mga matang nakatingin sa kanya.

Ang matandang lalaking ito ang CEO ng pharmaceutical company na bumababoy sa kapwa ko mga babae.

Sapilitan ko siyang pinaupo sa isang upuan. Hindi ko kaagad napansin na conference room pala itong kwartong kinalalagyan namin kung hindi ko lang narinig ang ingay at mga katok ng mga kapwa niya hayop sa labas.

Napapikit ang matanda, ang kanyang mukha ay puno ng takot, gulo, at hindi ko mapangalanang emosyon sapagkat wala ako niyan. Hawak ko ang dalawang baril na ginto at pareho itong nakatutok sa ulo at dibdib ng matanda.

"Ngayon, sabihin mo, ano ang kasalanan mo? Ano para sayo ang mga babae?" Makahulugan at may diin kong tanong.

"Wala akong kasalanan at mahalaga sakin ang mga babae. Kayamanan sila." Aniya sa nanginginig na boses.

"Kung ganoon, bakit mo binaboy ang mga babaeng inosenteng nagtatrabaho sa kumpanya mo?"

"Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo," nanginginig ang kanyang boses at katawan na nag-angat ng tingin sa akin. Sinalubong ko ang mga mata niya ng malamig na tinging kanyang ikinayuko. "Hindi ako sangkot sa anumang human trafficking."

"Eh? Pero wala akong sinasabing human trafficking, ikaw na ang naglaglag sa sarili mo Vargas." Sarkastiko akong natawa.

"Dahil iyon ang pinapalabas mo. Doon ka tutungo, ngayon pa lang sinasabi ko sayo wala akong ilegal na ginagawa at mga binibiktimang kababaihan!" Suminghal siya.

"I have a secret, well, hindi na pala siya secret. Alam mo bang nagsasalita ang mga ebidensiya, Mr. Vargas? Totoo, bawat ebidensiya nagsasalita, bawat dokumento gumagalaw, at ako ay pumapatay. Ngayon sabihin mo, totoo bang mga kasalanang nakaturo sayo? Magsalita ka, dahil malay mo maipagtanggol ka ng mga salita mo laban sa hawak kong katotohanan na nagsasabing ikaw ay suspek."

"Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga nalalaman mo o hawak mong ebidensya," pagtanggi niya. "May mga taong gusto akong pabagsakin at dungisan ang reputasyon. Sila ang tugisin mo."

"At sino naman ang mga taong iyon? Sige ituro mo as if maniniwala ako." Matigas kong tanong. Bakit ang mga katulad niya ipinapasa sa iba ang kasalanan nila? Mga duwag lang ang gagawa ng mga 'yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Pyramid's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon