| justice|
south00.
Minsan sa buhay natatalo tayo sa mga pagsubok ng mundo. Pero meron namang oras kung saan naibibigay sa atin ang lahat ng ating naisin.
Fair daw ang mundo. Lahat tayo pantay-pantay ngunit minsan hindi naman talaga.
May mga pagkakataon na tinatalikuran na tayo ng mundo, tinatalikuran ng lahat, inaayawan ng pagkakataon, at pinagpapabawalan ng karapatan.
Mga taong mayayaman ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan ngunit bakit nadadamay kahit ang mga walang muwang? Sa oras ng pangangailangan sa hirap pa rin ang bagsak nila. Sa oras ng kagipitan sa dukha isinisisi ang kasalanan.
Sukdulan na ang kahirapan. Kaliwa't kanan pa ang digmaan. Mapalabas o pasok man ng Pentagon gulo ang karaniwang pinagkakaabalahan ng mga tao. Talamak din ang krimen, ganoon din ang pagbebenta ng ilegal na druga, pagpatay, at mga krimeng walang kapatawaran.
Walang panama ang ibang bansa sa bansang aking kinagisnan. Simula pagkabata gulo na ang nagmulat sa aking makipagsapalaran. Kung wala kang kakayahang makipaglaban hindi ka tatagal sa lugar na ito.
Pentagon ang humubog sakin. Sa Pentagon na halos makikita ang mga krimen. Dito rin matatagpuan ang pinakamalaking sindikato sa buong mundo.
Lahat ng tao tingin sa mga taga rito maruruming nilalang. Kinamumuhian na kami ng mga taong labas. Pinagbantaan at inaayang makipaglaban. Kaya ang tanging nagawa ni President Nix ay ang i-isolate ang Pentagon.
Hindi rin naman kasi magaling na leader ang Phoenix Ferguson na iyon. Paglalamon lang ang alam. Pagnakaw sa kaban ng bayan. Anong aasahan sa mga taong minsan na naging dahilan ng pagkawasak ng Heragon?
Isa na nga lang kwentong bayan ang kasaysayan ng Heragon. Pinagbabawalan kami ng mga nakatataas na alamin ang totoong nangyari twenty years ago. Ngunit maraming kwento pa rin ang nakapuslit.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng nakatataas ngunit sigurado akong malaki ang kinalaman nito sa paglago ng Pyramid corp.
Anim na taon ko na ring minamanmanan ang Pyramid tech-corp. At sa anim na taong iyon kailanman wala akong nakuhang kahit katiting na impormasyon.
Ang tanging alam ko ilegal ang ginagawa nila sa loob. Saksi ang mga ala-ala ko sa paglago ng kanilang ilegal na gawain.
Isa sa mga sikreto ko. Isa akong failed subject ng isang malaking experimentation. Mahirap paniwalaan ngunit iyon ang totoo.
Ang sabi sakin ng doktor na nagligtas sakin mula sa kamay ng mga halang na doktor ni Nix Ferguson, ay bata pa lamang ako nang dalhin ako ni Nix sa Pyramid tech lab. Pitong taon din akong sumalang sa experimentation test.
Pagkatapos ng pitong taon ay hinayaan nila akong makatakas mula sa mga kamay nila. Hinayaan nila akong mamuhay ng malaya kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin ako. Ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging malaya.
"I told you not to do that again! Pero ano itong nalaman ko? Justice Levine?!"
Napangiwi ako sa sunod-sunod na sigaw ng taong naging kasama ko sa loob ng ilang taong pagiging malaya.
"Tiara, last na 'to. Promise."
Bumaling siya sakin na mayroong nagliliyab na mga mata. "Siguradohin mo dahil kung hindi, ibabalik kita sa impyernong lugar na iyon."
BINABASA MO ANG
The Pyramid's Nightmare
Science Fiction"you must not let anyone define your limits because of where you come from. Your only limit is your soul."