Now playing: Gayuma by Abra
"Putangina naman, napaka pangit ng kanta na gusto mo! Wala ka bang taste?" Sigaw saakin ni Kean, classmate ko na daig pa pinsan ni Satanas ang ugali.
"Edi takpan mo tainga mo." Inis na bulyaw ko sakanya.
Hindi ko naman siya pinipilit makinig sa soundtrip namin ah. Saka sila kaya namili ng kanta na 'to. Akala mo hindi nage-enjoy eh nakita ko naman na pumipitik yung mga kamay niya, leche.
"Wala kang respeto, babae ka pa naman."
"Ikaw nga walang papa, pinakialaman ba kita?" Lalo akong napikon sakanya dahil sa sinabi niya, tama ba yon?
I saw his face turned red. Hindi naman na kami bata, high school na kami pero kung umasta siya ay para siyang grade 2.
"Grabe yon, grabe yon." Pumipilantik ang dila na puna saakin ni Lorenz.
"Ang alin?"
"Bakit mo naman sinabihan na wala siyang papa? Grabe ka, para kang bata." Nanunuway nila akong tinignan, parang hindi ko naman sila kaibigan kung punahin ako.
"Sinabihan niya akong walang respeto!" Bulyaw na sagot ko sakanila.
"But that doesn't mean that you have to bring that up, wala ka rin namang mama pero hindi niya sinabi yon."
Napatungo nalang ako sa mga sinabi nila. Totoo naman na hindi ko dapat sinabi yon pero nainis kasi ako.
"What do you want me to do?" Mahinahon kong tanong sakanila, hindi naman kasi matatapos to kung papairalin ko ang galit.
"Say sorry to him, nasa labas siya ng room. President pa naman natin si Kean tapos inaway mo." Ramdam ang pangongonsensya sa tono ng sinabi ni Megan.
Hindi ko naman sinasadyang sabihin yon, kasalanan niya naman eh.
Nag-lakad ako palabas ng classroom. Break time kasi namin kaya wala kaming teacher, hindi na rin bago ang pags-soundtrip namin at mga ganoong kanta. Ngayon lang naman siya nagalit ng ganito.
"Pres." Tawag ko sakanya, tumingin lang siya saakin at bumuntong hininga.
"Buhat mo ba ang mundo kaya ganyan ka kung bumuntong hininga?" Takang tanong ko sakanya, tumingin naman siya saakin na parang hindi natutuwa sa mga sinasabi ko.
"Ano?"
"Anonas", inirapan niya lang ako sa naging tugon ko sakanya kaya ako naman ang napabuntong hininga.
"Pasensya na sa nasabi ko kanina. I know that I don't have the rights to bring that up because that might offend you pero sinabi ko pa rin. I didn't mean to hurt you naman. Sorry, Kean." A long silence.
A very long silence can be heard.
"Wala yon, ayos lang. Bakit kasi hindi ka nagreply saakin kagabi? Nainis tuloy ako." Natatawang sabi niya.
"Ang babaw mo naman! Nakatulog kasi ako kaagad pagkatapos kong gumawa ng schoolworks. Pasensya na, r-replyan kita mamaya." Ngumiti lang siya saakin at lumapit para yakapin ako.
2 months na kaming magkarelasyon. Alam din naman yon ng mga kaibigan namin kaya nga pinapagalitan nila ako.
Elementary pa lang ay kilala ko na siya kasi classmates kami. Madalas din kami maglaro dahil magkapitbahay lang kami pero hindi kami childhood friends dahil hindi naman kami friends dati.
Crush ko siya noong grade 6 kami tapos crush niya rin ako, sabi niya yon nung naglaro kami ng truth or dare. Noong graduation ay nagpaalam siya sa papa ko na nililigawan niya ako at pinayagan naman siya ni papa.
4 months niya akong niligawan at sinagot ko siya nung birthday ko dahil gusto ko lang. Hindi kami madalas nagkakasundo when it come to music dahil gusto ko ang kalye gangstah at siya ay gusto niya ng rnb.
Mahina akong natawa nang maalala ko na naman lahat kung anong meron kami noon. Kung gaano kami kasaya. Hindi ko alam kung anong nangyari saamin.
Wala akong ideya, basta ang sabi niya.
"Jay, sorry. Nagising nalang ako bigla pero hindi na kita mahal."
BINABASA MO ANG
The Tormented Promise
Novela JuvenilFalling inlove was never one of their choice, ni hindi nga nila aakalain na magugustuhan nila ang isa't isa pero ano nga ba talagang alam nila? Mapaglaro naman talaga ang tadhana kung minsan, kahit pa gaano kayo kasaya at kahit kuntento na kayo sa i...