02

3 0 0
                                    

"Puro ka nalang iyak, napapagod na akong intindihin ka." Naiinis na sambit ni Soraia.

"Sino ba kasing nagsabing intindihin mo ako?" Inis din na sabi ko.

"Puro ka iyak, inom, iyak, inom. Kingina ka, isang buwan ka nang nakakulong dito."

Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Kailangan niya ba talagang sabihin na isang buwan na? Oo nga, isang buwan na. Isang buwan na kaming wala pero anong magagawa ko? Ansakit-sakit pa rin.

"Graduation na next month, what are you planning to do?" Tumingin ako kay Hydrea.

"What am I supposed to do now? Wala na yung pangarap ko." Naiiyak na namang sabi ko.

Narinig kong nagmura si Soraia, ganyan talaga siya high school pa lang kami ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang magalit.

"You're a cum laude though, you can still dream of becoming the person you wanted to be. Pangarap mong maging ceo ng isang software company diba? Aim for it."

She sound melancholic, the calmness that she has ease my pain. It still hurts but having them beside me mend it even just a little bit.

"Have you talk to beadle? I ask her if she can cover up for me last time. I'll go to school tomorrow to submit my last report, yun nalang naman ang kulang ko." Soraia sighed, feeling relieved from what she heard.

"Nagising ka rin."

With a heavy heart, I hugged them tightly. Lorenz might not be here but I can say the he really tried coming. May thesis defense siya, he need to ace it para maging magna cum laude sa batch nila.

"Alam niyo, ansakit-sakit pa rin. Bata pa lang kami siya na yung kasama ko, siya nga halos nakakaalam lahat nang nangyayari sa buhay ko. Hindi ko matanggap na ang sinabi niyang dahilan ay nagising nalang siya na hindi niya na ako mahal."

Pinipigilan kong umiyak dahil alam kong magagalit si Raia pero wala. Hindi ko rin napigilan, naramdaman ko nalang na inaalo na nila ako.

"Ansakit-sakit kasi. Hindi naman ako naging masamang girlfriend sakanya, inintindi ko siya kahit na ako mismo hindi ko maintindihan yung sarili ko. 9 years eh, sa loob ba nang 9 years na yon minahal niya ba talaga ako?"

"Jay, hindi naman sa lahat ng oras magiging masaya kayo. Hindi lang naman si Kean ang lalaki sa mundo, makakahanap ka pa ng mas mamahalin ka at mas deserving sa pagmamahal mo." Kalmadong usal ni Hydrea.

"Pero ayoko nang magmahal ulit kung hindi lang siya."

Mas lalong sumisikip ang dibdib ko tuwing maalala ko kung paano namin napagkasunduan na pagkatapos namin mag-aral ay magpapakasal kami.

Aalis kami ng bansa, titira kami sa Switzerland dahil ayon ang bansang matagal na naming puntahan.

"Sa Switzerland, sigurado na ba kayo?" Tanong ni papa saamin.

Tumingin kami sa isa't isa at tumango.

"We already planned everything tito, we also looked through possible places na pwede naming pagtayuan nang bahay. We've been saving up since we're high school. Enough naman na po siguro yon to have a life outside the country." Mahabang paliwanag ni Kean bago siya sumimsim sa iniinom niyang kape.

"I see, sige. I'll take care of the expenses when you move out." Napatalon ako sa tuwa dahil sa sinabi ni papa.

Today is our 8th anniversary. 3rd year college na kami at we're already engaged. Naalala ko pa nga na nag-propose siya saakin exactly his birthday last month.

It's an intimate proposal since it's just the two of us and our friends. I didn't know that they are planning that kind of scheme behind my back. But still, that made me the happiest person that could ever live.

Kean is a great man, he's a man of his words. He knows how to cook, household chores. He's both good at sports and academics, aside from that gwapo siya at mabait.

I'm his first girlfriend and absolutely last, ganoon rin siya saakin. Siya ang una at panghabang buhay.

Hindi naman perfect ang relasyon namin, nag-aaway rin kami minsan. Away bata nga lang, lagi naming pinag-aawayan ang music genre na papakinggan. Hindi naman na kami nagkasundo tungkol sa bagay na yon, kung minsan nga umaabot ng isang linggo na hindi kami magkikita pero nag-uusap naman.

Madalas din kaming mag hang out with our friends, sila rin kasi talaga ang dahilan kung bakit naging kami. They are the bridge of our love kaya nga sa bahay namin sa Switzerland ay nakaplanong magkaroon sila ng kwarto para kung bibisita sila ay meron silang space for theirselves.

Having Kean in my life brings light and magic. He's literally the one that gives light, I was never like this not until he came. He brings me out of my comfort zone and help me use my skills and ability to dream.

If it weren't for Kean, I may not be here.

He's the reason why I am living.

And living without him is nothing but death.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tormented Promise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon