beginning....

151 7 9
                                    

Siguro kung nagtataka kayo marami namang bagay na pwede simulan ng pag-ibig eh bakit sa candy ko nahanap,hindi sa sosyal na chupa chups o kaya sa toblerone or hershey,masaya na magulo eto na nga...

  Siguro nakabili na kayo ng Fres candy yeah right so cheap pero ito ang nakapagpabago ng buhay ko hahaha. Sa Fres candy kasi may mga message sa likod,mayroong "I miss you", "I love you" at kung anu-anu pa.

By the way I'm Aira Fuentes,cerftified fanatic ng mga candies.Hindi ko alam kung bakit ako bumibili okaya humihingi sa iba at kinukuha ng patago * hindi po ako thief* .Pero hindi ko kinakain yun binibigay ko sa box treasure box hindi ako mahilig sa mga jewelry basta may candy masaya na ako hahahahaha.at isa pang pinagkakaabalahan ko ay pagtatago ng mga precious gift na ibinigay ng kaisa-isa kong friend na si Larice( short for Clarice), i describe my self as chubby,haggard( paminsan lang yun iba na ngayon. Nahilig din ako sa sports na volleyball kaya *mamaya ko nalang sasabihin*. Mahilig akong magkwento kay Larice tungkol sa story ng bawat candy ko akalain mo paniwalang-paniwala ang loka eh joke lang lahat ng yun. Never pang na inlab pero isang tao at ang candy nya ang babago nito.....

FLASHBACK:

Elementary siguro ako nun,syempre may sweet tooth pa,mahilig na ako sa Candy sa totoo lang napakataba ko nun,sobra as in bongang-bonggang kasing taba ko si winnie the pooh,nasasaktan ako kung may tumutukso sa akin pero iniiwasan ko na lang sila anu ba pakialam nila may sarili silang buhay pakialamanan nila.

One time nung PE namin eh takbuhan nun syempre lampa pa lola nyo  nadapa ako imaginin nyo bolang gumugulong kahit ako pag na-iisip ko yun natatawa ako,lahat sila pinagtawanan ako wala kasi si Larice nung time na yun may sakit siya kaya hindi sya nakapasok. At may isang lalaking tumulong sa akin.

"Ayos ka lang ba?

"Oo salamat sa tulong"(with matching teared eye pa)

"sa susunod mag-iingat ka na ha"

"Salamat :)"

Bago siya umalis,binigyan nya ako ng Candy (fres candy ) may nakalagay na "I Like you",diba mahilig ako sa Candy kaya dinibdib ko yun walang pang ibang tao na nagligtas sa akin pwera kay Larice eh bff ko yun eh.

Magtatapos na kami pero hindi ko siya makita,natawag na ang lahat ng mga section pero wala parin sya gusto ko sanang magpakilala at magpasalamat ulit pero hindi ko na nagawa.

Naghintay ako ng ilang buwan,araw,minuto,segundo para lang makita siya pero wala....

A/N: ayan na teh nag-update na ako sana magustuhan mo gawa ka pa ng story na tungkol sa panaginip mo wag lang restrict.... ha hahaha ,hope you enjoy this.

meet the characters muna po tayo:)

pogi-ah medyo-mayaman-okay lang naman,cassavanova-never,nagkagirlfriend na-hindi pa,may hinihintay -oo

sori kung ang intro KO ay  parang sa pinoy henyo

btw I'm Robby Augustus,certified habulin ng girls,hanggang habul lang sila hindi ako pumapatol sa malalandi, favorite ang subject na PE kung bakit dun ko nakilala ang winnie the pooh ng buhay ko(yuck parang nababakla na ata ako),favorite sports basketball,favorite food chicken joy hindi naman ako bata hahahaha,attitude I  describe my self as naughty but nice (nasa loob ang totoong pananaw sa buhay at kung mag magmahal ay stick to one kay winnie the pooh lang ako.Ewan ko sa dinamidami ng babae sa mundo sa kanya ako nagkagusto totally opposite talaga kami sya matalino ako hindi ,magaling kumanta ako parang sirang plaka ang tunog napatunayan ko na opposites do really attracts taray noh.I'm a 3rd yr student iisang anak walang alam na gawin sa buhay kundi matulog,magyabang pero hindi naman nakikipag-away.

ehem.... ako nga pala ang babago sa buhay ng aking winnie the pooh.

________________________________________________________

 mahilig magbasa ng libro,mahilig makinig ng kwento ng bff ko,at handang hamakin ang lahat para lang maialis ang math sa buhay ko.....

btw I'm Clarice De Jesus (Larice for short) certified bff ng ating bida ,maliit pero hindi pahuhuli sa pakikipagtanggol ng aking bff,favorite subject math(magpakatotoo na nga tayo favorite ko ang math pero siya ang may ayaw sa akin)favorite sports volleyball,favorite food basta lahat favorite ko,favorite motto (sus ako lang ang may motto) GIVE YOUR SMILE TO EVERY ONE AND GIVE YOUR HEART TO ONLY ONE TARAY!!!!!,attitude wala akong sasabihin kasi ang attitude ko depende sa taong tumitingin . marami na yata eto lang ang huling masasabi ko na hahamakin ko ang lahat para mawala ang Math sa buhay ko!!!!!!!! Unli lang hahaha

Love starts at a Fres candyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon