♥Chapter 3: Sorry?♥

57 2 0
                                    

Matitiis ko ba tong friend ko na to, nang makayari na kaming kumain, pabalik na kami sa room, pumunta na ako sa upuan ko at...

May nakita akong note na nakalagay.

“Im sorry”- Robby

Sorry mo mukha mo,pinuntahan ko siya sa upuan niya hinampas ko yung table niya ng pagkalakas-lakas”ang sakit”

“Mr. Augustus di ko kailangan ng sorry mo. madaling sabihin, ako nga kaya ko din ispell yan, it seems na di mo talagang intensyon na magsorry,look at this paper,sobrang dumi, syempre lalaki di masinop, makalat”

Mukhang sabaw siya ,naks ang galling mo Aira ,alam mo yan.

Tumayo na ako sa gitna para pag-usapan na yung gagawing play.

“Anu ang gusto niyong part sa noli na pwede nating gawing play?’

“Crispin at basilio na lang”

“So common, sinong gaganap na Sisa?”

“Iba pang ideya?”

Sabi ko habang nakalahad yung kamay ko feel ko na teacher talaga ako.

Tapos biglang nagtaas ng kamay si robby, syempre di ko siya tinawag, eh sa kamalas-malasan walang gustong magtaas ng kamay , no choice kundi tawagin siya.

“Mr. Augustus , ano yun?’

“Isusuggest ko sana eh… anu eh… yung ah.,, eh”  aba kumakamot pa sa ulo niya hay highblood na ako.

“Pls. say it direct to the point”

“Yung pag-iibigan na lang sa asotea”

Sounds great pero di ko yun pinahalata.

“Ano , okay na tayo dun?”

“ako deal na ako”- sabi naman ni larice nako di naman kasali eh

Lahat sila tumango yun na lang daw ang gawin namin.

Inumpisahan ko nang isulat sa board ang names nila, inuna ko muna yung main role.

Crisostomo Ibarra-

Maria Clara-

“Oh guys,sinong gusto, niyong maging Ibarra?”

“ Si Paulo”

“Si Robby”

“Okay sino kay Paulo, tatlo”

“para naman kay Robby”

Grabe halos lahat sila kay Robby bumoto, ganun  ba kalakas dating nung mr. panget na yun?

“robby as Ibarra”

“Ngayon sa maria Clara naman?’’

“Ako bestie si denice” talagang kinareer niya ang pagsali

“I nominate Aira for Maria Clara” toyong Danica bakit ako pa.

Wala akong binoto kahit required nag-iinit na yung tuktok ko.

“5 kay Denice, at 5 din kay Aira” sabi ni Robby kasi siya na ang nahalal

“ Robby bumoto ka na rin , para tie breaker ka”

Nagulat ako sa sumunod na nangyari.

“My vote goes to Aira sorry!”

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!

Dali – dali akong lumabas ng room, kinuha ko muna yung gamit ko, di na ako nagpaalam kay larice lumabas na ako

FUDGE! I hate this Day!

Robby’s POV

 Hala bakit biglang nag walk out,iniwan pa si Larice,sino kasama nun pauwi!.

Kaya sinundan ko siya kahit anung sabihin nila, go pa rin ako. Buti na lang mabilis  ang takbo ko naabutan ko siya.

“Aira!”

“Anu bang pakialam mo ikaw na naman ang bida, Masaya ka na diba salamat sa boto ha nakakagaan ng loob”

“Ur welcome wala yun”

“Bwisit!”

Hala lalong nagalit wrong move robby, habang tumatakbo, siya tumutulo na yung luha niya,patay anung ginawa ko!

“Aira sandali lang”

Bigla siyang huminto at umupo sa bench, tinabihan ko siya at inabot ko yung panyo ko, hindi ako nagkamali, kinuha niya.

“Bakit ka ba umiiyak,papangit ka nyan”

Ngumiti sya ng kaunti, kahit madilim nakita ko yun

“Nahihiya kasi ako humarap sa madaming tao, tsaka ayaw kitang makapartner!”

“Ang mean mo naman”

“Bakit ka naman nahihiya”

  Kinuwento niya ang dahilan , at yung dahilan na yun ay nung elementary pa kami na baka daw pagtawanan siya ng mga tao at pagsabihan ng kung anu-ano

  Ayaw siyang layuan ng past, di bale nandito naman ako para protektahan siya

“Salamat dito. Sensya na Robby sa inasal ko kanina”

“Sus! Wala yun”

“Friends?” sabi ko sa kanya at nakipag shake hands ako

“Syempre naman FRIENDS na tayo”

Ang sarap sa pakiramdam na napapasaya mo yung kaisa-isang tao na mahal mo

“Mauna na ko ha”

“Teka lang gabi na ihahatid kita kahit sa may sakayan lang.”

“O sige ^__^”

“Mauna na talaga ako ha, uwi ka narin, gabi na eh mapahamak ka pa”

“Oh sige teka lang” at may inilabas ako sa bulsa ko at nilagay ko sa kamay niya

“Paalam na friend”

“Okie Babay”

Anu naman kaya itong binigay ni Robby, teka lang candy na naman ha! pero di ko maaninaw yung nakalagay

SA MGA READERS ANG NAKALAGAY PO SA CANDY AY : KEEP SMILING ^__^v

Love starts at a Fres candyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon