♥Chapter 4: new students ♥

47 3 1
                                    

Robby’s POV

Hindi naman namin natapos yung meeting dahil lumabas si Aira at hinabol ko siya,mamaya daw rehearsal na may script na daw bilis naman.

“good morning friend!”- bati sa akin ni Aira wow kagulat

“good morning din”

“eto nga pala yung panyo,don’t worry laba na yan”

“salamat “- ang saya ng araw ko nakumpleto na kaagad

Si larice ang hitsura hindi maipinta,siguro hindi niya pa alam ang nangyari kahapon.

Larice’ POV

grabe kahapon lang aso at pusa,ngayon tambalang marvin at jolina,taray naalala ko pa yung lyrics nung kanta ^________^

Dapat susundan ko sila kahapon kaya lang napag-isip-isp ko (wow nag-isip ako gumana brain ko? how come?) na kailangan ni Bestie  ng space ngayon may kasabay naman akong umuwi kaya okay lang.

Robby’s POV

Nagsimula na yung klase,sarap sa pakiramdam na friend na kayo ng mahal mo sobrang cheesy.Nung hapon nagkaroon kaagad ng homeroom meeting grabe ilang araw palang ako ditto meeting kaagad.

Dumating na yung  adviser namin na may dalang balita.

“Class,alam nyo na ba yung kumakalat na balita na may bago kayong kaklase, siblings sila at bukas pa dating nila,its means na sa lahat ng gagawin nyo involve sila kaya be friendly “

“yes maam”

“meeting is adjourn,cleaners maiwan,yung iba umuwi na late na”

Sa mundo  talaga tanging permanente lang ay pagbabago-nasabi ko na lang sa isipan ko

“Hoy! bestie,may bago na naman tayong kaklase sana pogi yun hahaha”  narinig ko mula kay larice sa bandang likuran

“puro ka pogi baka magselos niyan si Leo?”

“magtigil ka nga bestie,kilabutan ka sa pinagsasabi mo”

“ayieee”

“aira ,larice,paistorbo,mauna na ako ha”

“o sige friend babay ^________^v” tapos sabay silang nag-wave sa akin

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Nauna na akong umuwi dahil napagod ako,hindi natuloy yung rehearsal dahil sa meeting.

Pagkadating ko sinalubong ako ni Mama,may tawag daw ako mula sa mga kaibigan ko sa amerika.

“hello!?”

[yes robby you answer! natatandaan mo pa ba ako?]

sensya kung nagtatagalog yan fil-am eh

“Oo na musta na?”

[eto pogi parin]

“naks ang kapal ng mukha ,bakit nga pala napatawag ka”

[bukas uuwi kami diyan,treat kita ng lunch]

“may klase ako bukas!”

[ah basta kita na lang tayo bukas]

“o sige na nga ,ingat sa biyahe”

[sige]

pagkatapos ng salitang yun binaba ko na yung phone

Nakakamiss yung OLATS nay un

Kinabukasan

Lahat ng kaklase ko abalang-abala ano ba ang mayroon ngayon?

Dumating yung teacher namin,huminto ang lahat

“class andito na yung mga kaklase nyo”

“si Mr. Erik Dave Ford at Miss Celine Lyle Ford”

anak ng! kaya pala sinabi na ililbre daw niya ako ng lunch

Aira’s POV

“hello sa inyo!”-sabay nilang sabi ang cute magkapatid sila maganda at pogi*naku pogi erase erase nahawa na ako kay Larice!

As usual ano reaksyon ng Bestie ko ayun kulang na lang eh himatayin pinapatigil ko na nga kaya lang ayaw pa rin.

Nung inayos na yung upuan hindi naman alphabetically arranged nakatabi ko si Erik shocks ang  bait naman ni Kuya iba-iba kay Mr. Panget *ay bakit ba panget pa rin tawag ko friend na pala hahaha*

Nagulat na lang ako nung lapiutan ni Erik si Mr.Panget

“rob,lunch na,tour muna  kami ni Celine sa school na to”

“oo nga Kuya Rob”- sabi naman ni Celine

Grabe magkakilala silang tatlo,at ang bestie ko laglag ang panga sa nakita niya.

“wait lang may ipapakilala ako sa inyo”

Nagulat na lang ako ng tawagin ako ni Augustus. No choice kundi tumayo,sinama pati si larice,na mapupunit na yung labi sa sobrang ngiti.

“eto nga pala ang mga friends ko dito si Aira at Clarice”

“nice too meet you”

“by the way hindi pa ako nagpapakilala ng formal, My name is Erik but you can call me Rick dahil friends na tayo”- tapos nakipag shake hands siya samin

“Hi Im Clarice but you can call me Larice for short” –sabi niya yun habang nakikipag shake hands kay Erik ang arte sarap kurutin

Tapos sumunod naman si Celine

“hi sa inyo ako nga pala si Celine but you can call me CL for short ^____^” –nakipag-shake hands din siya sa amin

Tapso bigla ba namang nagtanong

“bakit nga pala CL yung nickname mo?”

Tinawanan na lang namin , ang mukha naman ni Larice eh may halong pagtataka

“tutal magkakilala na naman tayo,bakit hindi kayao sumama sa amin our treat^_^”

your treat libre ba kamo sure why not wala ng diet diet

“o sige  sasama kami” –oh well sino sumagot walang iba kundi si Larice lakas talaga ng tama

_TBC_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love starts at a Fres candyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon