CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Sophia POV.


2 months had passed already after we encountered a lot of difficulties back then. Simula nung sa final exam namin na sobrang hirap naman talaga hanggang ngayon na talagang pasukan na for another year. Grade 12 na rin kami ni ava and we're so thankful dahil nalagpasan din namin yung hirap namin last 2 months. Natatawa ako nung maalala ko si ava na muntik pa siyang maiyak dahil sobrang taas ng grades na nakuha na and take note hah! Galing siya sa top 9 noon pero ngayon ay nasa top 4 na siya. Natutuwa ako dahil kahit may pagka warfreak tong bestfriend ko ay pinagbutihan naman niya yung pag aaral niya. I'm so happy because of that. Siguro nainspired siya dahil sinabi last 2 months may natipuhan kuno siya and i dont know who is he. Dahil di ko naman siya nakikitang may kasamang lalaki though except doon sa bar na pinuntahan namin after the final exam, may karingkingan kasi siya that time at dinamay pa talaga ako kaya ayun, napilitan naman pakisamahan yung tropa ng kalandian niya. Pero never ko na talagang gawin yun sa susunod dahil baka kapag nagkataon masuntok ko na talaga.




Nainis kasi ako, paano ba kasi ay kung makahawak sa beywang ko that time parang close na close talaga kami at sobrang pagpipigil yung ginawa ko dahil kita ko namang masaya ang bestfriend ko. Di ko na nga matandaan yung name nung guy and i hope di ko yun makikita ulit.




Agad kong pinark ang kotse ko sa parking lot ng school namin. Kita ko pa ang mukha ni ava na parang naiinis dahil siguro sa paghihintay sa akin dumating. Nakatingin kasi siya sa kotse ko at kung nakakamatay ang tingin, nadisgrasya na ako.




Lumabas naman ako na may pang aasar na ngisi sa kanya. "What took you so long?!" She asked me annoyingly.




I just laughed. "Chill ka lang ava, umagang umaga kasi traffic eh, you know it already naman, magpapasukan na kaya traffic sa edsa,"




Napangiwi pa siya at inirapan ako. "Whatever sophia, anyway, let's go na... baka malate pa tayo, first day na first day late agad, magkarecord pa tayo, "




Napapastikuhan ko siyang tiningnan. "Ikaw ba talaga yan ava?"




She furrowed her forehead at me. "What? Ano ba pinagsasabi mo?"




"Kelan ka pa naging late conscious aber?" Nakataas kilay kong tanong habang sinasabayan siya sa paglalakad. "Sa pagkakaalam ko hah, wala kang paki kahit ma late pa tayo noon eh,"




She flipped her hair and rolled her eyes at me. "Duh!! Obvious ba? Nagbabago na ako sophia,"

He Fell but it's ForbiddenWhere stories live. Discover now