CHPATER 5

1 0 0
                                    

SOPHIA POV.


Kinabukasan ay agad akong bumangon sa kama ng magtunog ang alarm clock ko. Gising na gising na ang diwa ko pero talagang natulala pa rin ako ngayon sa kisame. I dont know why im being like this. Kagabi kasi pag uwi ko nag aaway sila mom at dad dahil sa negosyo nila. Nagkaproblema kasi sa factory ng kompanya namin. Yun ang pinag awayan nila. Narinig ko pa sa kanila yung salitang...




'Yung atensyon mo kasi nasa mga babae mo!'




'Puro ka na lang pambabae!'




Di ko talaga gustong marinig yun. Wala akong choice kundi takpan ko na lang yung tenga sa ingay nila. Hanggang sa sumapit ang alas dose natigil din sila sa sigawan. Narinig ko pa na may nabasag pero hindi ako bumaba dahil baka madamay pa ako. Bumuntong hininga ako. Kulang ang tulog ko but i need to go to school dahil tiyak na pagagalitan ako kapag hindi ako pumasok ngayon.




Agad akong tumayo at nagtungo sa banyo. I just do what my usually routine every morning. Matapos nun ay agad akong nagbihis ng uniform at nagsuklay ng buhok bago nagliptint ng konti at blush on para hindi halatang namumutla ako. Naglagay rin ako ng eyelashes para hindi din halatang puyat ako at kulang sa tulog. Nag messy bun lang ako at nang ma satisfied ay agad akong bumaba. Napatingin pa ako sa wristwatch ko at saktong 6:30am na.




Pagkababa ay nakita ko si dad sa may sala na nagkakape at may hawak na dyaryo. I tightly close my lips and sighed heavily. Napaangat ang tingin ni dad sa akin kaya lumapit ako at humalik sa pisngi niya.




"Aalis na po ako dad," mahina kong saad. Napataas kilay pa siya kaya umiwas ako ng tingin.




"Di ka na kakain?" He asked me coldly.




I swallowed the lump in my throat. "Hindi na po dad," tumingin ako sa kusina at di ko nakita si mom. Usually kasi sa ganitong oras ay nasa kusina siya. "Si mom po?" Malumanay kong tanong.




He shrugged his shoulders at bumalik ang mata sa dyaryo. "I dont know baka nasa kwarto,"




Tumango tango naman ako at sinukbit na ang sling bag ko. "Alis na po, baka ma late pa po ako,"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Fell but it's ForbiddenWhere stories live. Discover now