Kabanata 5

18 0 0
                                    

Dilemma

Maddy:

You're in Makati already?

Maddy:

I couldn't answer your call kanina, I'm in class

Maddy:

I heard si Kairo daw nagbayad ng binili mo?

"Let's go to my condo. Dun natin gawin yung thesis." I heard Rio said as we were walking outside.

Katatapos lang ng klase namin at 6:30 pa lang. Maaga kaming pinalabas kaya tuwang-tuwa sina Rio.

"Let's go! Bili na lang tayo food." Sabi naman ni Farrah

"We have presentation this week, right? Gago wala pa tayong PPT."

Rian:

Yeah. Utang yun.

I replied. After that mall incident and after they pay for my bill. Nagpaalam din agad ako kay Dos. Ayaw ko nga maka close sila, I mean hindi naman sa ayaw. I'm okay being close with Aeron or Dos they're friendly and nice pero at the same time ayaw ko ng kahit anong connection kay Kairo but here I am nag kautang na loob pa kay Kairo.

Sabi ko na lang ay ibigay sa akin ang number ni Kairo para mabayadan ko pero sabi niya ay wag na daw. But I don't want that, magbabayad pa din ako.

"Florian, ano na? Tagal maglakad!" Rinig kong sigaw ni Lorcan. Binilisan ko naman ang lakad at humabol sa kanila.

We went to the parking lot. Sa sasakyan ko sasakay sina Farrah at Joe samantalang si Lorcan ay sa sasakyan ni Rio. Hindi naman ganun kalayo ang condo ni Rio, sa aming lima siya yung may pinakang malaking condo. Parang bahay na nga sa laki. Well, mayaman naman siya he can afford it.

"How's Batangas, Rian? Hindi mo sinabi na uuwi ka. May ipapadala sana ako kay Tita." Farrah said as she was buckling her seatbelt.

She was in the passenger seat, while Joe was in the back, frowning while holding his phone. Maybe may problema na naman 'to sa babae? or lalaki?

"Nakalimutan ko na, I was in a rush." I said as I started the car.

"Let's visit Batangas. Outing tayo?"

"After midterms?" Tanong ko. Well, midterms week na this week kaya hapit kami sa ginagawa. Isabay pa ang Thesis na hindi matapos-tapos.

"Yeah, deserve naman natin." She gaslighted. Natawa ako.

"Joe, outing tayo sa Batangas." Pagtawag ni Farrah sa atensyon nito. Kanina pa kasing wala sa sarili, busy sa pag cecellphone.

"Yeah," walang ganang sabi nito. Ramdam ko ang paglingon ni Farrah sa kanya.

"You okay? Kanina ka pang wala sa mood?" Pansin ko rin, habang nagkaklase ay lipad ang utak niya. Tapos parang bad trip kasi panay ang tingin at hawak sa cellphone niya.

"I'm good. Masama lang pakilasa." Sabi niya, napatingin ako sa rearview mirror, nakita kong padabog niyang biniba ang cellphone at sinandal ang ulo.

"I'll sleep, gisinging niyo ako kapag nakina Rio na tayo."

Saglit kaming nagkatinginan ni Farrah, we both shurgged and let him. Hindi na lang namin kinulit at baka lalo siyang mainis. Kilala namin 'yan. Hindi naman mahirap basahin ang ugali ni Joe, yun nga lang kapag ayaw niya talagang mag open ay wala kang magagawa.

Hanggang sa makarating kami sa condo ni Rio ay bad trip pa din si Joe. Lorcan and Rio seemed to notice, so while we were buying food downstairs panay ang daldal sa amin.

Twinkling Melancholy (Rebel Rhapsody #1)Where stories live. Discover now