Ang Ambassador Program

384 12 1
                                    

Ang layunin ng Ambassador volunteer program ay hikayatin ang isang masaya at nakatuong komunidad na sumusuporta sa milyon-milyong mga Wattpader na nagbabasa at nagsusulat dito araw-araw.

Ang mga Ambassador ay isang pangkat ng mga boluntaryo sa iba't ibang bahagi ng mundo na nirerepresenta ang kamangha-manghang pagkakaiba-iba ng komunidad ng Wattpad. Masigasig sa pagkokonekta ng mga mambabasa at manunulat sa pamamagitan ng pagkukuwento, nabubuhay at humihinga sila ng Wattpad at sabik silang ibahagi ang kanilang pagmamahal sa Wattpad sa buong mundo.

Gamit ang malapit na ugnayan sa Wattpad HQ, ang mga Ambassador ay regular na nagbibigay ng feedback at kaalaman sa mga Wattpad staff, na nakatutulong na patuloy na pagbutihin ang platform. Dahil ang mga Ambassador ay mula sa komunidad, ang kanilang paglahok ay nakatutulong na bigyan ang mga staff ng mas malalim na pag-unawa sa ating komunidad, at makatulong na makabuo ng mga relasyon na higit pa sa lokasyon.

Kung interesado ka na maging isa sa aming mga Community Volunteer, mangyaring sagutan ang FORM NA ITO para makapag-apply sa susunod na training session sa October/November 2024.

Ngunit, bago mo gawin iyon, mangyaring siguraduhin na nabasa mo ang impormasyon sa ibaba dahil ito ay magsasabi sa iyo ng higit pa tungkol sa kung ano ang hinahanap namin at ano ang aasahan namin sa iyo bilang isang Wattpad Ambassador.


Paano Ang Proseso:

Bawat taon, ang Ambassador Program ay mayroong tatlong cycle na tumatagal ng apat na buwan kada isa. Sa bawat cycle, nagre-recruit at nagsasanay ng mga bagong Ambassador mula sa iba't ibang bahagi ng mundo upang makasali sa team.

Sa loob ng Ambassador program, mayroong tatlong pangunahing pangkat kung saan maaaring iboluntaryo ng mga tao ang kanilang oras.

Ang lahat ng mga boluntaryo na bago sa team ay unang sasali sa Stories team bilang Readers, ngunit maaari silang sumailalim sa karagdagang pagsasanay upang maging Reviewer. Sa paglipas ng panahon, ang mga role ay maaari ding magbukas sa mas maliit na Profile at Challenge team.

Sa bawat cycle, kami ay naghahanap ng mga taong may iba't ibang skillset at kaalaman, kaya kung hindi ka pumasa pagkatapos mag-apply sa unang pagkakataon, mangyaring mag-apply muli.

Tandaan: Mangyaring pakatandaan na ang Ambassador program ay hindi paraan upang mapasali sa kahit na anong Writer o Creator program, walang direktang ugnayan sa pagitan ng pagiging Ambassador at pagkakaroon ng kakayahang kumita mula sa iyong pagsusulat.


Ang Mga Team:

Stories - Ang stories team ay ang aming nakatuong pangkat sa pagbabasa at pagsusuri. Nagpupunta sila sa malawak na komunidad at naghahanap ng mahuhusay na mga kuwento para suriin at i-feature ng aming team sa mga genre profile na pinamamahalaan ng Ambassadors Profiles team. Ang pangkat na ito ay nag-e-enjoy na galugarin ang mga kuwentong mayroon sa Wattpad. Pinag-uugnay nila ang komunidad ng mambabasa sa pamamagitan ng mga mahuhusay na kuwento at tumutulong na suportahan ang aming mahuhusay na manunulat sa pamamagitan ng pagpasa sa kanila sa aming Profiles team upang mabigyan sila ng mas mahusay na visibility.

Profiles - Ang pangkat na ito ay namamahala sa aming iba't ibang Ambassador profile, kasama ang mga genre at language hub. Tumutulong sila na i-highlight ang mahahalagang impormasyon at ibinabahagi ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad. Sa pakikipagtulungan ng aming Stories Team, tumutulong sila na bumuo ng iba't ibang mga reading list upang ipakita ang pinakamahuhusay na kuwento sa bawat genre. Sabik na pagkonektahin ang mga mambabasa at manunulat sa pamamagitan ng pagkukuwento, ang Profiles team ay mahilig makipag-usap sa komunidad at hinihikiyat ang mga Wattpad user sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad.

Challenges - Ang team na ito ay tumutulong na patakbuhin ang iba't ibang mga hamon sa pagsusulat upang hikayatin ang mga manunulat sa Wattpad na lumikha ng mga bagong content, matuto ng mga bagong paraan upang pagbutihin ang kanilang mga skillset, at linangin ang kanilang akda. Ang Challenges team ay naglalayong suportahan ang mga manunulat sa lahat ng yugto ng kanilang paglalakbay sa Wattpad, mula sa baguhan hanggang propesyonal, at sa lahat ng mga genre at istilo sa pamamagitan ng mga profile na regular na nagpo-post sa buong taon upang patuloy na umagos ang creative juices ng komunidad.


Ano ang hinahanap namin:

-Kailangang ikaw ay 18 taong gulang o mas matanda pa sa oras na nag-apply ka na sumali sa team para sa mga legal na rason

-Kailangang ikaw ay isang aktibong Wattpader, at parte ng Wattpad Community (mayroong profile sa Wattpad) ng hindi bababa sa 4 na buwan bago mag-apply

-Mga taong nais maging kinatawan ng Wattpad Community, at mga nagpapanatili at nagtataguyod ng aming Community Guidelines

-Mga miyembro ng komunidad na kayang maglaan ng kahit 4 na boluntaryong oras kada linggo para sa team

-Mahusay na kaalaman sa Ingles ay kinakailangan. Hindi mo kailangang maging matatas, ngunit ang pang-araw-araw na komunikasyon sa team ay ginagawa lahat sa Ingles, kaya ang mabuting pang-unawa sa Ingles ay mahalaga

Mangyaring pakatandaan: Ang profile/account na iyong gagamitin upang makasali sa Ambassadors ay hindi maaaring isang shared account. Sa pagsabi namin ng 'shared', nais naming iparating na hindi dapat lalagpas sa isang tao ang nakakaalam sa password ng account na iyong ina-apply.

Kailangan mo rin ng regular na access sa isang computer/laptop upang magampanan ang iyong mga tungkulin dahil gumagamit kami ng mga spreadsheet at dokumento na hindi naa-access nang buo sa isang mobile device.


Pagsusumite

Ang pagsusumite para sa mga bagong Ambassador ay nagbubukas at nagsasara tatlong beses sa isang taon upang ihanay sa aming tatlong taunang pagtanggap ng mga bagong boluntaryo sa Ambassador Program.

Upang makita ang status ng pagsusumite, mangyaring tingnan ang 'About Me' section ng Ambassadors profile. Doon namin ilalagay kung ang pagsusumite ay NAKABUKAS o NAKASARA, at kung NAKABUKAS, mayroong link para sa kasalukuyang submission form, isang form na kailangan mong sagutan kung interesado kang sumali sa Ambassadors.

Mangyaring HUWAG baguhin ang iyong Wattpad username kapag nakapagsumite ka na ng iyong application dahil mawawalan ng bisa ang iyong application.

Ang lahat ng pagsusumite ay susuriin ng Wattpad team.

Makatatanggap ka lamang ng reply mula sa kanila kung ang iyong Pagsusumite ay matagumpay.

Good luck!

Ang Ambassador ProgramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon