Ano ang mga benepisyo ng pagiging isang Ambassador?
Bilang karagdagan sa pagsama sa iyong mga kapwa Ambassador, magkakaroon ka rin ng pagkakataon na makausap ang ilan sa mga taong tumutulong na patakbuhin at panatilihin ang Wattpad. Palaging masaya na makita ang mga nangyayari sa likod ng eksena, at makita kung paano gumagana ang mga bagay. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong matuto ng mga bagong kasanayan at ang pagiging Ambassador ay kinikilala bilang voluntary work (na palaging magandang makita sa iyong resume).
Ano ang mangyayari kapag may inabuso ang isang Ambassador, o kapag ginamit nila ang kanilang posisyon para manira, magmaliit o mang-api ng ibang miyembro ng komunidad?
Ang pag-abuso ng kapangyarihan ay hindi pinahihintulutan sa Ambassador team. Kung sa tingin mo ay inaabuso ng isang Ambassador ang kanilang kapangyarihan, maaari mo silang i-report (tingnan ang Help Article kung paano mag-report ng isang user sa Wattpad), at/o makipag-ugnayan sa International Ambassador Lead, Gavin. Si Gavin ay kilala rin bilang TheOrangutan sa Wattpad.
Mapaparusahan o mamamarkahan ba ang account ko kapag nagkaroon ako ng hindi pagkakaintindihan sa isang Ambassador?
Ang mga Ambassador ay mga user din. Hindi namin inaasahan na magkakasundo ang lahat sa lahat ng pagkakataon, ngunit inaasahan namin na ang kahit na anong hindi pagkakaintindihan ay mananatiling sibil at sumusunod sa aming Mga Alituntunin o Code of Conduct.
Ang hindi pagkakaintindihan sa isang Ambassador ay hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa iyong patuloy na karanasan sa Wattpad maliban na lamang kung ikaw ay lumabag sa aming Mga Alituntunin o Code of Conduct.
Isasara ba ng mga Ambassador ang aking account kapag nagmura ako nang madalas?
Ang mga Ambassador ay hindi nagsasara ng mga account, ngunit katulad ng iba pang mga Wattpad user, maaari silang mag-report ng mga account sa Wattpad Trust and Safety team kung sa tingin nila ang isang user ay gumagawa ng mga bagay na taliwas sa pangkalahatang tuntunin at kundisyon. Ang ilang pagmumura ay hindi mangangahulugan na isasara ng Wattpad ang iyong account, ngunit kung ginagamit mo ang lengguwahe sa pagbabantang paraan, magkakaroon ng tsansa na ang iyong account ay ire-report ng isang kapwa Wattpadder o ng Ambassador. Ang Trust and Safety team sa Wattpad ang magdedesisyon kung ang iyong account ay nangangailangan ng babala, suspensyon, o pagsasara.
Totoo ba na maaari ka lamang maging Ambassador kung mayroon kang kaibigan na parte na ng team?
Hindi mo kinakailangang magkaroon ng kakilala o kaibigan sa isang miyembro na ng Ambassadors para matanggap sa pagsasanay. Habang ang umiiral na team ay maaaring gumawa ng mga suhestiyon sa kung sino sa tingin nila ang maaaring maging mahusay na Ambassador, madalas ay tinitingnan namin ang mga espesipikong skillset o kakayahan na umaayon sa umiiral na team (mga skill na nagbabago sa bawat termino). Kaya kung hindi ka nakapasok sa iyong unang pagsusumite, mangyaring subukang muli.
Kapag nagkaroon na ng badge ang isang tao, parang nagagawa na nila ang kanilang gusto, at wala nang mga patakaran. Hindi ba dapat ay mayroong pagsasanay o alituntunin?
Ang lahat ng mga Ambassador ay kinakailangang sumang-ayon sa isang espesipikong Alituntunin, at isang Code of Conduct. Ang mga ayaw pumirma roon kapag natapos ang kanilang pagsasanay ay hindi hinahayaang sumali sa team. Ang mga Ambassador ay kinakailangang sumunod sa kaparehong mga patakaran katulad ng iba pang mga Wattpad user, at ang hindi sumusunod doon ay pinupuna ng Trust and Safety team pati ng International Ambassador Lead.
Lagpas 1000 katao ang nag-a-apply para makasali sa Ambassadors kada apat na buwan. Mula sa lupon ng mga taong iyon, maingat kaming namimili ng isang grupo para sa pagsasanay. Ang pagsasanay ay tumatagal ng isa't kalahating linggo at binubuo ng iba't ibang mga gawain, pagsusulit, atbp. na kinakailangang kumpletuhin ng lahat ng mga aplikante.
Pinapayagan niyo lang bang sumali ang mga tao sa Ambassadors kapag marami silang mga follow o mataas ang bilang ng reads?
Ang bilang ng followers o reads ng isang user ay walang kinalaman sa pagsali sa Ambassador team. Ang ilang mga miyembro ng team ay lubos na kilala sa platform, ang iba ay may mababang bilang ng mga follower at kakaunti lamang ang mga read, at kumukuha kami sa pagitan ng mga ito. Interesado kami sa tao, hindi sa numero.
BINABASA MO ANG
Ang Ambassador Program
DiversosAng Ambassador Program ay binubuo ng isang grupo ng mga Wattpadder sa buong mundo na nais pagkonektahin ang mga mambabasa at manunulat sa pamamagitan ng pagkukuwento. Sila ay nabubuhay, humihinga, at ibinabahagi ang Wattpad sa mundo, sa kada isang h...