"Ba't mo...natanong?" she said after a moment of silent.I sighed. Tangina. Bakit ko ba kasi tinanong?
"Ah! wala! ibig ko po sabihin kung may pag asa ako sa'yo na maging professor rin! ganun...ganun nga-kasi gusto ko maging prof soon!" tatango tango sabi ko at tinaas sakanya ang plato hawak sabay pasok sa pinto patungo kusina.
Pero bago pa man ako tuluyan makapasok ng tuluyan sa bahay ay bigla siya nagsalita na ikinatigil ko.
"I don't think so,"
Hinarap ko siya na magkasalubong ang kilay.
"B-bakit?" I stammer.
Tangina sagot yan Sage?! pinalawak mo pa talaga ang usapan! eh yun na nga ang sagot! wala!
"Pagaling ka muna sa algebra," she added and walked passed by me.
Eh?? Eh??
Oo na! bobo na sa math! pinagmumukha niya pa talaga sakin na wala nga pag asa-maging professor. Takte! bakit kasi iniba ko usapan! ayan tuloy iba na rin ang sagot niya!
Nakailang mura ako sa isip habang naghuhugas kamuntik na mapahamak dahil sa sutil na dila! pasmado ka naman Sage!
Pumasok na rin siya at dumeretso sa sala kung nasaan si Justine. I just ignored them. Inabala ko na lang ang sarili sa hugasin para maalis sa isipan ang mga nangyari saming dalawa ni Kinsley.
Kung hindi ko lang sana siya naging Tita sa pagpapanggap kung iyo ay baka matagal ko na siya niligawan!
Bigla tumunog ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Agad ko pinunasan ang kamay sa apron saka kinuha ang cellphone. Akira is calling. Pano niya nakuha number ko?
"Hello-"
[Our call time is 8:30. Dapat nandito na kayo sa campus para sabay sabay na tayo umalis.] putol niya sakin sa kabilang linya.
"Wow..ngayon na yun-"
[Make sure na dala niyo mga kailangan niyo! dahil doon tayo mag stay ng dalawang araw, okay?! nakapag chat na rin si Taro sa gc.]
"Okay. Sasabihan ko na lang sila. Salamat. hindi mo man lang ako pinatapos ng-"
*tot *tot *tot
"Hindi mo man lang talaga ako pinatapos!" asik ko nang patayan niya ako ng tawag.
Patapos na rin ako sa hugasin kaya tinapos ko muna bago ako pumunta sa dalawa. Mukhang nabasa na rin nila ang announcement sa gc dahil naghahanda na agad si Kinsley ng mga dadalhin sa kwarto niya at si Justine naman nagpaalam dahil nakalimutan bumili ng pagkain na dadalhin.
"Sigurado ka ba kakayanin mo? I mean sabi kasi ni Yutaro ragid training daw. Baka.."
"Hindi ko kayanin?" pagpapatuloy niya sa hindi ko natapos na sasabihin.
Tumigil siya sa pagliligpit ng gamit. Nandito kami ngayon sa kwarto niya at nagkalat naman ang mga dadalhin niya sa kama niya. Mga damit, pangloob, pabango, mga personal hygiene, sapatos, meron pa ako nakita dryer at make up!
Mag tratraining ba siya o lalayas na?!
"Nag aalala lang ako.."
"No need. I will be fine," she said and sat down on the floor near on her bed.
May kinuha siya sa ilalim ng kama niya. Isang pahabang itim na kahon. Binuksan niya ito at bumungad ang isang puting modern bow katabi ang mga bala na arrow. She closed it and put inside her huge luggage.
YOU ARE READING
I'm Not A Guy (INTERSEX || GXG)
RandomSage needs money badly to give her mother a better life. She gets a job where she has to pretend to be a man to join the rich Lefevre family. She thinks it will be easy, but then she meets the youngest Lefevre, Kinsley Amelia. The beautiful woman m...