CAPITULO 11: You Are My Boss, Boss Should Follow

10.8K 358 262
                                    

KINABUKASAN maaga ako gumising para pumasok. Nakailang buntong hininga ako habang nakatingin sa wall mirror sa harap. Nakatayo ako at nag pose-pose sa salamin dahil sa bagong itsura. Suot suot ko ang uniporme at naka gel ang buhok ko. Ang isang hati ng buhok ko naka brush up at ang isang hati naman nakabagsak sa noo ko at naka curve ng kaunti ang hati. Nag search ako kanina ano magandang hairstyle sa two block ang nakita ko yung hairstyles ng mga korean kaya yun ang ginaya ko.

Kinuha ko ang pabango sa shelf na may ngalang 'Symmetry Lab Perfume ' at naligo nito sa buong katawan. Pagkatapos kinuha ko ang cellphone sa bag at nag picture sa salamin. Nag finger heart pa ako habang naka mirror shot kasi ang angas.

"Ay! Gago!" napatakip ako sa bibig dahil sa sinabi.

Nahagip ng camera ko si Kenny na nakatayo sa doorway at tinatawanan ako! Inis ko siya hinarap.

"Para kang tanga! Pero infairness ang gwapo mo ngayon. Sino ba iba mo pinopormahan sa campus?" aniya at pumasok sabay akbay sakin. "Eh...nandito naman sa bahay si the one ayieee!" tukso niya sakin at aamba guguluhin ulit ang buhok ko pero mabilis ako umalis sakanya.

"Aissh! Tumigil ka nga! Baka marinig tayo sa daldal mo."

"May pasok ka mamaya?" bigla niya tanong.

"Half day lang. Bakit?"

Tumingin siya sa relo niya at bumaling sakin. He's now in his black suit. Mukhang may lakad.

"Umuwi ka agad. May pupuntahan tayo mamaya." He said and tapped my shoulder as he went out from my room.

Ngumuso lamang ako at kinuha na ang bag ko nakasabit sa wall hanger at nilagay na ito sa balikat ko. Lumabas na rin ako at saktong paglabas ko ay naabutan ko si Kinsley na lumabas rin sa kwarto niya at bihis na bihis. Nakasuot itong pink white top polo shirt and high waist white pants making her half flat abdomen revealed. Her black hair was styled in a neat clip bun, with a few strands perfectly framing her face. Damn. She looked stunning.

"Oh.. saan ka pupunta?" tanong ko nang makalapit sa kanya.

She adjusted her sling bag and turned to face me. "Enderun. I need to pick up something from the office."

Tumango-tango ako. "Ganun ba. Sige, sabay na tayo?"

She simply nodded in response. My gaze drifted to her fingers, hoping to see if she was wearing the ring, but her hands were tucked into her pants pockets. Sabay kaming bumaba sa hagdan at naabutan sa bandang kusina sina Carol at Kenny na naghahanda na ng almusal.

"Oh! Mabuti nandito na kayo! Tara na dito at maupo na kayo." Si Carol at inayos ang mga plato sa lamesa.

"I'll pass po. Sa Enderun na lang ako kakain." Sagot ni Kinsley sa tabi ko.

"Ako rin po. Sasabay na kami pa campus."

Natigilan sila dalawa at nagkatitigan sabay tango samin. Malawak ako ngumiti sakanila dahil pinayagan nila kami. Kasi kung ako lang nandito panigurado hindi nila ako paalisin pag hindi pa nakain ng almusal.

"Ano gusto mo sakyan natin? Ferrari? Lambo? BMW? Nissan?Toyota?" iniisa isa ko ang sasakyan na nasa tabi ko ngayon.

Matapos namin maggpaalam dumeretso kami agad dito sa garage para pumili ng sasakyan. Ngayon kotse ang dadalhin ko kasi kasama ko siya at hindi naman babagay ang outift niya pag sa motor ko siya sinakay. Ang soft girl niya tignan tapos sa motor ko lang iaangkas??

"Ikaw?"

"Ako?" turo ko sa sarili.

"I mean...ano gusto mo sakyan? Yun na lang. You're the driver anyway," she said and looked at her wristwatch.

I'm Not A Guy (INTERSEX || GXG)Where stories live. Discover now