Before you start, read the disclaimer first if you skipped it.
✮⋆₊˚ෆ : ✮⋆₊˚ෆ : ✮⋆₊˚ෆ
"Why did you chose that University? Ang dami mong choices pero iyon pa ang napili mo. You know, kilala ang school na napili mo sa pinaka maraming nag ka-cutting class, basagulero, at mga f-boy."
Kanina pa tanong ng tanong si Herienne—kaibigan ko— tungkol sa kung bakit ko ba napili ang university na papasukan ko next week. I don't know! Hindi naman siya ang mag aaral. "I don't know, there was something that pushed me to choose that academy,"
"Wag ka nga mag-alala sakin, Heri. Hindi ikaw ang mag aaral, okay? Wala akong paki sa mga ’yon o sa kung anong meron sa university na napili ko, basta ang goal ko lang ngayong school year ay maging consistent honor student. Oki?" Dugtong ko.
She sighed, defeated. I know my limitations lalo na ngayong nasa senior high school na ako. Graduated akong Class Valedictorian when I was in Junior High School, So, It's obvious na I want to be a Class Valedictorian again this shs phase.
Narinig ko ang pagtunog ng iniinom ni Herienne na Frappe Matcha dahil yelo nalang ang laman noon, tila ba sinisimot niya. Nagkatinginan kami at napangisi ako ng konti, dahil sa ibig sabihin—aalis na kami. Sabay kaming tumayo at iniligpit ko muna ng sa-ayos ang aming pinagkainan saka lumabas.
Mag kahawak kami ng kamay ngayon at naglalakad. Nagtiti-tingin sa mga shops. Isa sa hobby ko ay ang mag tingin ng iba’t ibang brand ng bags at perfume.
Pero wala akong pera kaya hanggang tingin lang muna. Plinaplano ko nga ang maging working student kaso syempre plano palang din, Hehe. Sa tingin ko kasi ay mahihirapan ako i-manage ang time ko kung magiging working student ako, siguro pag mag g-grade 12 nalang kasi, para alam ko na kung gaano kahirap ang shs, para matansya ko rin yung time management ko.
Napabalik ako sa reyalidad at nakitang wala na sa tabi ko si Herienne. Luminga linga ako at napangiti nang makitang andoon na siya sa tapat ko na isang shop, bilihan ng perfume.
Nakita ko ang pag aya ng kamay niya sa akin papasok ng shop. "Ashrielle! Halika! Tignan mo, ang ganda o!" tuwang tuwa na sabi niya. Agad akong napailing, "Eh? Wala akong pera pambili diyan,"
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang tag. 2k for one perfume? No, I'm saving my money for my expenses this school year.
Though, I'm not selfish when it comes to my self, mas pinipili ko lang talaga magtipid ngayon.
"Heri! Heri!" pabulong kong tawag sa kaibigan ko, lumingon naman siya kaagad. Pinakita ko ang tag at hinintay ang reaksyon niya.
Itinaas lang niya ang balikat at bumalik sa pagtingin ng ibang perfume.
Sabagay, higit na mas mayaman sa akin si Herienne. Kaya malamang, pipiso lang sakanya ang ganoong presyo. "Pumili kana ng gusto mo diyan, libre ko na." nginitian niya ako.
"Ay hindi! Libre mo na kanina dun sa tea shop, libre nanaman dito?" Asang ko.
"Dali na, I have my card!" Pinakita niya sa akin ang card at ngumiti ulit. Napailing nalang ako sakanya, sanay na.
Pumili ako ng mga sapatos dahil hindi ko rin siya matiis, pero gagi! Pati mga presyo hindi ko rin matiis!
Ang pinaka mababa na nakita ko ay 1.5k, I opened it and smelled. It's a vanilla perfume, and I liked it. Sakto na rin sa presyo dahil ito na ang pinaka mababa kong nakita, hindi naman talaga dapat ako bibili at magtitingin ngunit makulit si Herienne.
Kinuha ko na iyon at hinanap kung saang parte ng shop si Herienne.
“Eto na sakin, o!” Ibinigay ko kay Herienne ang pabango na napili at napakamot ulo nalang. Sa lahat ng gala namin siya palagi ang nanlilibre sa akin, kailan kaya darating yung araw na ako naman ang manlilibre sakanya?
BINABASA MO ANG
Altered Destiny's Path
Teen Fiction♡₊˚ ・₊✧ Altered Destiny's Path - SU Series 001 Ashrielle Faith Ortega is an NBSB girl and graduated as the Valedictorian on her former school. Her goal is to become an honor student and also to graduate as Valedictorian as well in her Senior High Sc...