♡₊˚ ・₊✧: 02

24 3 11
                                    

Class Officers :
Ashrielle Faith Ortega: Class President
Larkin Fier Ramos: Class V-President
Wynea Ryvien Castro: Class Secretary
Clea Maurice Dela Torre: Class Treasurer
Isabelle Jane Santos: Class Auditor
Kyler Lim: Business Manager
P.I.O: Jester Pascal
Althea Gaile Ferrer: Muse
Lawrence Miguel Dizon: Escort

"Ma'am sige na ho kasi," patuloy pa rin nagrereklamo si Santos about sa desisyon ni Ma'am Lorna na ako ang president, pangatlong araw na ng klase, pagrereklamo pa rin niya ang naririnig ko.

"Why you're so worried, Ms. Santos? Ayaw mo bang may nakakaangat sayo?" bahagyang lumaki ang mata ni Isabelle. "Yes, Ms. Santos alam kong ikaw ang dating presidente noong grade ten ka, baka nakakalimutan mo? Kapatid ko ang adviser mo dati."

Mabuti nalang talaga ay walang masyado tao ngayon dito sa room dahil recess time.

Mas pinipili kong wag na magbaon ng pera para magaan kina nanay at tatay, masyadong marami na ang problema namin, pinaka malala pa talaga ay financial problem. Sapat na sa akin ang luto ni Nanay araw-araw.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng room namin at bumuntong-hininga ng mapagtanto kung sino ang pumasok.

Lawrence and his group, grupong akala mo kinacool, mga nag ca-cutting classes naman. Araw araw naman pumapasok si Dizon, hindi lang lahat ng subject, malamang, wala yang pake sa grado niya dahil kompanya nila ang isa sa konektado sa Unibersidad na ito. Balita ko nga, kawawang kawawa dati ang mga guro niya dahil sakanya, hindi nagpapasa ng activities and all!

Lima na ang miyembro ng grupo niya ngayon, halos maraming gusto pumasok sa grupo niya, pero pili lang ang nakakapasok.

Let me introduce his nonsense group. Lawrence, their nonsense leader. Kenneth Ace Guerrero sulsolero naman 'to, plus corny mag joke. Sulsolero sa amo niya! Akala niya lahat nakakatawa, siya lang naman natatawa minsan sa joke niya, second to the most hated person ko 'to dito sa Schalette University. Kohenn Jaze Rodriguez, Wyn said playboy daw 'to, nabiktima ate niya dati.

Marco Oliver Alcantara—pinaka galante sakanila, bibili tapos itatapon din pag pinagsawaan, sayang lang ang pera. Mabuti pa nga sila may ipinang gagastos pa e! Kumpara ko naman ang buhay ko sakanila?

Jeremiah Yash Villanueva varsity ng grupo, siya yung bagong pasok sa grupo ng mokong.

"Uy, yung squad oh!" sabay tili ng mga babae sa labas ng room namin, sa tatlong araw na pagiging presidente ay hindi na madali agad, palaging may nagtatanong saakin tuwing naglalakad ako sa labas kung pwede ko raw ba sila ilapit dun sa dalawang mokong sa section namin.

Kalat na sa buong page ng S.U ang grupo nila, ika pa nga ng iba ay shs palang daw sila malalakas na ang appeal. Pano pa raw kaya kapag college at grumaduate sila? Tsk, mga may saltik. Asa kayo sa mga yan.

Narinig kong nag beep ang cellphone ko kaya dali-dali kong binuksan ito. Isinara ko muna ang hawak kong libro at binuksan iyon.

[ Schallians Chronicles ]

@itsme.liaaa_ : omg! May new post ang squad 😍😍

@_gretchelwho? commented: where 'te?
@itsme.liaaa_ : on their ig accounts

Napapikit nalang ako sa nakita, for real? Eto lang yon? May quiz pa kami mamaya, magrereview nalang ako. Not worth of my precious time.

"Uy! si Mayor nagrereview oh." narinig ko ang isang pamilyar na boses— it's Kenneth.

Pumikit ako at bumuntong-hininga, pagmulat ko ay mapait ko siyang nginitian.

"Nagrereview ba o nagpapapansin lang?"

Altered Destiny's Path Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon