♡₊˚ ・₊✧: 03

16 1 0
                                    

"Okay naman ang trabaho niya kahapon," kwento ulit ni nanay. Andito na kami ngayon sa sala nakaupo dahil muntikan na ako mahimatay kanina—joke lang, OA lang.

Napabalikwas ako ng tingin kay mama ng may mapagtanto. "Wait ma, paano nangyari ’yon? Edi ba construction worker si papa? Bakit siya matatanggal kung close ni papa yung may ari?"

Tumingin sa akin si maka at mabilis na paulit-ulit kumurap. "Ano ma?"

"’Nak ano kasi eh, uhm.."

"Ma, ano po ’yun? Sabihin niyo na. Hindi ako magagalit, promise!"

"Lumipat kasi ng trabaho si papa mo, kamakailan lang. Sinabi niya sa akin na wag daw muna sabihin sa iyo." ngumiti siya ng konti. "Ma, kailan pa?"

"Five days ago bago magstart ang klase mo."

"Saang trabaho si papa pumasok? Mahal na mahal niya ang pagiging construction worker, imposibleng iwanan niya iyon. Liban nalang kung malaki ang sahod na ibinigay sakanya?"

"Dalawampung beses pang mas malaki ang inalok sakanya anak, dalawampung beses na mas malaki sa pagiging construction worker." I can't believe this, nagagawa nalang ito ng pamilya ko dahil sa sobrang kakulangan namin sa pera.

Napaisip ako dun, seven hundred ang kinikita ni papa sa pagiging construction worker niya, 700 x 20 is equal to 14,000.

"Ganoon kalaki?!" nataasan ko tuloy ang boses ko kay mama. "Oo anak, kaya mabilis na tinanggap ni papa mo."

Patuloy pa rin ang pag iisip ko. "Anong trabaho yan ma? Disenteng trabaho ba ’yan?"

"Receptionist sa isang kompanya anak."

"Ano po? Anong kompanya yan ma?" bakas sa boses ko ang kuryoso.

Tumayo siya at pumunta sa maliit naming kwarto, narinig ko ang mga pag kalkal sa isang drawer, bagay na ikinataka ko lalo. Lumabas siya sa kwarto at lumapit sa akin.

“Heto anak, basahin mo.”

Binagay niya sa akin ang isang brown envelope.

Dizon Group of Companies
Job Confirmation Form

Job Confirmation Statement

Dear Mr. Aiden Ortega,

As you prepare to join Dizon Group Of Companies as Receptionist, we ask:

Are you sure you are commited to joining our company and contributing your skills and dedication to our team? Do you value loyalty and strive to uphold the values and mission of our organization?

Please signify your commitment by signing below:

Thank you for choosing to be part of our team.

Sincerely,

Fernando Hernandez
   Company Representative

Halos dumugo na ang labi ko sa sobrang pag kagat ko dito, nakita ko pa ang pirma ni papa sa baba na halos umakyat na rin ang dugo ko sa ulo dahil sa nabasa. Really? Sila pa may pa ganto ganto sila din ang mag tatanggal sa papa ko? Is this connected to Lawrence? Maybe it was, he is a Dizon after all.

"Hayaan mo ma, kakausapin ko yung anak ng may-ari bukas." nanginginig na saad ko.

"Talaga anak? Kaklase mo yung may-ari? Sige anak ah, pasabihan nalang siya anak ah."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Altered Destiny's Path Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon