Part 1

104 1 0
                                    

A/N

Hai everyone!!
habang hindi ko pa po napapublish ang There's a blood behind her Fame, Iaalay ko po muna sa inyo ang isang horror story na ito.
sana'y magustuhan niyo po.

NOTE:

"PLAGIARISM IS A CRIME"

PART 1

Rosevie's POV

"delikado na talaga ang panahon ngayon. biruin mo,kahit mga batang walang muwang nabibiktima na ng mga adik. kita niyo kanina yong batang natagpuan sa may sapa? aba'y parang butot balat nalang tapos yong tiyan,nakita niyo? kadiri. impis na. wala nang lamang loob tapos yong dibdib ba nakita----

paaak!!

natigil sa pagsasalita si mang Kardo nang upakan ito ng katabing si aling Luming.

"hoy ikaw na matandang ipinaglihi ata sa pwet ng manok! pwedi bang magtigil tigil ka sa kadadaldal mo? paulit ulit ka nalang eh! kwento ka nang kwento eh alam naman namin at nakita din yong sinasabi mong bata!! di kaba nananawa? naku alam mo,ikaw ang pinakatsismosong lalaking nakilala ko dito sa baranggay natin!"

wika ni aling luming habang panay ang irap at paypay sa sarili.
ganyan ang dalawa palagi sa tambayan ni aling marie.
tuwina'y parang asot pusa kapag nagkakasama ang dalawa.
nangingiti nalang ang dalagang si Rosevie. ang anak ni aling marie na nagbabantay sa tindahan.

"eh bakit kailangang mambatok? tsaka ano namang pakialam mo sa gusto kong magkwento? ayan si Rosevie. siya yong rason kung bakit ako dada nang dada kasi hindi niya pa nakikita yong batang minasaker."

sabi pa ni mang kardo habang panay nguya sa barbeque na dala nito.

"hay naku mang kardo,alam niyo po.. para kayong aso't pusa ni aling Luming naisip ko lang since pareho kayong mga single, baka kayo na ang para sa isat isa? ayeeee.. love team oh." pang-aasar ko sa dalawang matanda.
natawa nalang ako sa naging sagot at reaksiyon ni aling luming.

"sus ginoo! ikaw na bata ka,anong pinagsasasabi mo diyan? naku naku... hindi ko pinangarap! hinding hindi!!" sabi pa nito habang panay ang sign of the cross.

"Aba!! mas gugustuhin ko pang magpa alipin ng sampung taon kesa ang maging asawa nitong amasonang ito!" sagot naman ni mang kardo sa pagitan ng pagsubo sa pangalawang stick ng barbekyu.

natatawa talaga ako sa dalawa. hahahaha!!

"mang kardo,asawa agad? hindi pa pweding jowa muna? excited ka po.. ayeee... napaghahalataan tayo ah." dagdag ko pa habang todo ngiti.
sa nakakatawa naman talaga kasi ang dalawa eh.

"ay nakung bata ka. magtigil ka nga! kinikilabotan ako sayo.." OA na pagkakasabi ni aling luming.

"Ako din kinikilabotan! maisip ko palang na magtatabi tayo sa pagtulog.. naku!! para na akong mamamatay!" sagot naman ni mang kardo na isinubo na ang huling piraso ng barbekyu sa stick.

"mang kardo, mukhang sarap na sarap kayo sa kinakain niyo ah." naisip kong iliko na ang usapan. mahirap na baka maghabulan na ang dalawang NAG-IIBIGAN! hahaha!!

"Ah, oo rosevie!! masarap talaga. alam mo ba,sobrang sarap ng tinda nilang barbeque dun sa may kanto!! malasa talaga at màlinamnam. kaya nga binabalik balikan ko eh." sabi nito.
napakunot noo naman ako..
sa tinagal tagal kong nagpapabalik balik sa baranggay papunta sa school sa kabilang bayan ay hindi pa ako nakakakita ng may tindang ihaw ihaw sa kanto.

"sa kanto po? eh,wala naman ho akong nakikitang may ihaw ihaw na tinda dun eh." takang sabi ko habang nakatingin kay mang kardo.
isa akong teacher sa kabilang baryo at naglalakad lang ako papasok palagi dahil malapit lang naman iyon. at lahat ng pasikot sikot sa baranggay namin ay alam ko at kahit kelan ay wala pa akong nadadaanang ihaw ihaw kaya nagtataka talaga ako.

"naku neng! hindi mo pa talaga nakita yon kasi bago palang. kagbi lang sila nagsimulang magtinda ng ihaw ihaw. yong pamilyang bagong lipat dun sa may kanto? ang totoo nga niyan, nakabili na ako ng ihaw nila kagabi lang eh. kasi bukod sa mura na.. napakasarap naman talaga." paliwanag naman ni aling luming.

Oo nga pala,sabado nga pala kahapon kaya malamang hindi ko nakita ang bagong lipat daw sa may kanto.
ang sinasabi nilang kanto ay ang bahay na malaki na matagal na panahon nang walang nakatira. medyo malayo iyon sa mga bahay bahay at natatakpan ng mga mayayabong na puno.

"Talaga po bang masarap? hayaan niyo po at bibili ako dun minsan"

•••

"Hoy teacher karla, una na ko sayo ha? ehh mukhang wala kang balak umuwi sa dami ng papel diyan sa lamesa mo eh."

Sabi ni rosevie sa kaibigan slash kababaryo niyang si karla. alas sais na kasi at uwian na at tulad ng nakagawian, laging dinadaanan ni rosevie ang room ni karla para sabay na silang umuwi pero ngayon mukhang lalakad siyang mag isa.

"Sige teacher rose una kana.. tinatapos ko pa kasi tong quiz ng ng student echeck eh.." mahinhing pagkakasabi nito sa kanya.

"ehh pwedi mo namang dalhin sa bahay niyo yan ah, dun mo nalang tapusin. ikaw din sige ka...aabutan ka ng dilim, delikado na ngayon alam mo namang may isang batang minasaker nung nakaraan lang diba?" may halong pananakot sa sabi ni rosevie dito.


"Hmmp tinakot mo pa ako.. ang totoo niyan kasi may inaantay pa ako eeh, m-may date kasi kami ngayon ni cristoff.." sagot nito na halatang kinikilig pa.

"ayon naman pala... naku si teacher karla kumikiringking na.. uyyyy aba aba dahan dahan lang friend baka lumubo yan." panunudyo niya dito with matching nguso pa sa tiyan ni teacher karla.

"Uy ano ka.. anong kumikiringking ka diyan.. tsaka hindi ganun si cristoff ko no! gentleman siya at nangako siyang kasal muna bago yong.. ano.." sagot nito na todo iwas ng tingin at pulang pula ang mukha.

"Hahaha oo na.. oh pano alis na ko ha? ayokong gabihin baka ma rape ako sa daan!" pagbibiro niya  kasabay ng pag alis.

•••

IHAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon