Part 2

61 2 0
                                    

KANINA pa iritang irita si Karla at panay ang tingin sa relong pambisig. alas syete na pero walang cristoff na dumating.

"Naman oh!! pano na ako ngayon? uuwi akong mag-isa?! naku talagang cristoff ka malilintikan ka talaga sakin. walanya ka!!!" nanggigigil niyang sabi habang mangiyak ngiyak na nakatingin sa madilim na kalsada.
wala nang mga tao na naglalakad sa mga oras na yon at malamang ang lahat ay nasa kanya kanya nang bahay. ganun naman talaga sa probinsiya. maagang
natutulog ang mga tao.

tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kinaroroonan niyang waiting shed malapit sa school kung saan ay nagtuturo siya.
kinuha niya ang cellphone at tatawagan na dapat sana niya si cristoff pero sadyang pinaglalaruan pa ata siya ng kamalasan dahil lowbat pala ang cellphone niya. ngali ngaling ibalibag niya iyon sa sobrang inis.

pagtingin niya ulit sa relong pambisig ay pasado alas otso na.
akalain mo yon? ganun ako katagal na naghintay sa kanya? nakakainis naman ehh..
nagpapapadyak na siya sa sobrang inis!!

wala narin naman siyang magagawa pa kaya nagsimula na siyang maglakad.
uuwi nalang siya, alangan namang mag antay pa ako sa wala..

agad naman siyang nakasakay ng tricycle pero hanggang karatula lang yon ng baranggay nila dahil makipot ang daan ng baranggay kaya imposibleng makapasok ang ganuong mga sasakyan.
pagkabigay niya sa baryang pamasahe niya ay naglakad na siya papasok..

madilim at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tumatanglaw sa dinaraanan niya, yon nga lang medyo hindi parin iyon sapat dahil nga sa mga mayayabong na puno na nasa paligid ng daan.

craasshhh crakkkss

napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat nang maulinigan ang tunog na yon na parang naaapakang tuyong dahon.
nagpalinga linga siya sa paligid subalit mas lalo lang siyang natakot dahil sa kadiliman.

habang palapit nang palapit siya sa isang malawak na lote na may nakatayong kakaibang malaking bahay ay lalong dumadagsa ang kilabot na kanyang nararamdaman bagay na ngayon lang nangyari sa kanya.

psst psst...

sitsit na narinig niya saktong pagtapat niya sa may puno ng mangga na siyang nagsisilbing harang sa bahay na malaki.

napapikit siya ng mariin at ipinagpatuloy ang paglalakad habang nanginginig na dahil sa sobrang nerbiyos at takot na nararamdaman..

Psst.. psst..

Palapit at palinaw nang palinaw ang sitsit sa pandinig niya kaya naman mas binilisan niya pa ang paglalakad..

psst

psst

hindi na niya nakayanan pa kaya tumakbo na siya habang nagsisisigaw kahit na alam niyang imposibleng may makarinig sa kanya dahil nga malayo pa ang bahay bahay.

PSSSSSST

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa kaalamang nasa likoď na niya ang kung sino mang sumisitsit, kasabay ng biglang hinto niya sa paglalakad, ibinuka na niya ang bibig para sana sumigaw sa kahuli-hulihang pagkalataon subalit dugo ang lumabas sa bibig niya.
napayuko siya at duon niya lang napagtanto ang isang kamay na nakausli sa may dibdib niya.

umikot iyon at walang habas na hinugot kasama na ang puso niya.
dahil doon ay tuluyan na siyang nawalan ng lakas at binawian ng buhay.

•••

ISANG malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ang nagpagising sa nahihimbing na si Rosevie.

"Ano ba naman yan, grabi lang ha....makakatok parang wala nang bukas." kakamot kamot sa ulong wika niya habang tumayo na at binuksan ang pintuan.

"Nay naman ee.. ang aga aga pa ano bang---

"Anak! si Karla nawawala!!" putol ni nanay sa sasabihin niya.
napatunganga siya at hindi agad nakahuma.

"N-nawawala? sinong nagsabi nay?! at paanong nawawala ba?"
tanong niya habang naglalakad na papunta sa kusina para maghanda ng aalmusalin, tutal fully awake na naman siya ay maghahanda nalang siya pagpasok kahit na nga pasado alas singko palang.

"kanina kasi napadaan dito si nina, yong nanay ni karla at nagtatanong kung naandito daw ba anak niya.. kagabi pa daw kasi hindi umuuwi eh. nag aalala na nga siya baka daw kung napaano na." paliwanag ng nanay niya habang nakasunod sa kanya sa kusina. nagtimpla narin iyon ng kape at inilabas ang tinapay na may palamang eden cheese.

"hay naku, hindi manlang nagpasabi ang bruha.." bulong niya habang nangingiti na narinig naman ng nanay niya.

"Anong hindi nagpasabi? ano ba yon? may alam ka ba kung nasaan si karla ngayon ha rose?" tanong agad nito.

"nakipagtanan na siguro yon kay cristoff nay, kahapon kasi kaya hindi ko siya kasabay na umuwi ay dahil nauna ako kasi nga daw, dadaanan daw siya nung jowawers niya. may date daw sila.. ayon, siguro kaya hindi nakuwi kasi nasarapan kaya nag decide nalang na magtanan na para nga naman hindi sil mabitin di---

0____________0 yong mukha ni nanay kaya napatigil ako sa katatalak.

hay naku, me and my pouty mouth..

"anong sinasabi mo rose? naku naku, ikaw na bata ka parang hindi ka guro.. tsk tsk. kumain kana nga lang at nang magkalaman naman yang utak mo kahit minsan at nang hindi puro kalokohan lang ang alam.."

sabi ni nanay with matching iling iling pa to the highest mountain.

"Nay naman, tiyan dapat ang magkakalaman nun hindi utak----

"kumain kana!!" sabay subo ni nanay sa kanya ng isang malaking tipak ng tinapay kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang kumain nalang.

•••

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IHAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon